Tuesday, April 28, 2009

Pressure

Hindi basta basta nakakamit ang isang ambisyon.Kailangan paghirapan talaga. Bawal sumuko. Ang sumuko, talo!!!

Gusto kong maging CPA!

Pangarap ko noon pa. Pangarap na alam kong malapit ng matupad.

May 10. Board exam ko na. Feeling confident ako. Nakakakaba. Hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari. Tatalon ba ako sa tuwa? O tatalon sa bintana?

Pressured ako.

Una, dahil malapit na ang exam at feeling ko na marami pa akong kailangang aralin at gahul na ako sa oras. Pero there's no way out!!! Wala ng atrasan 'to! Lalaban ako hanggang sa kaya ko. Kakampi ko naman si Lord.

Pangalawa, dahil malabong ma-approve ang mga leaves ko. Mahirap talagang pagsabayin ang work at studies.


Ewan ko ba.
Minsan, naiisip ko na mag-resign na lang para ma-prioritize ko ang review. Pero hindi ko magawa eh.
Paano na ako? Paano na ang pamilya ko na umaasa sa akin? Mahirap talaga magdesisyon. Mahirap.

No comments: