Sunday, November 21, 2010

Served Upside Down or It's Free!

"Blizzard. Strawberry Banana po. 'Yong 12 oz."

At sa wakas ay nahanap ko na ang kanina pang nagtatagong Dairy Queen. Nasa ground floor lang pala at medyo nainis pa ako dahil kung saan-saan pa ako dinala ng aking mga paa.

Ice cream! Ice cream!
Nabibingi na rin ako sa malalakas na sigaw ng aking tiyan. Kaya minarapat ko ng pagbigyan.

Hmmmm...sarap na sarap kong kinakain ang ice-cream. Nang madako ang aking mga paningin sa nakasulat:



Served Upside Down or it's free!

Natuwa lang ako sa tagline nila. Agaw pansin. Kakaiba. Sino kaya ang nakaisip nito?

At may gana pa akong makialam eh no.

Hanggang sa nakaramdaman ko ang panlalamig ng katawan. Malamig kasi ang ice cream at malamig din sa loob ng mall. Magtataka ako kung hindi malamig ang ice cream...

Ininggit ko si Ekstranghero sa text.

At nainggit naman ang loko!

Sa Mundo Ng Ekstranghero 2

Hindi ko na sana pa kakausapin at itetext si Ian.
Kahit sino sigurong mabait ay maiinis sa nangyari. Gusto pa niya ata akong tubuan ng ugat sa kaaantay.

Pero ang pagkakataon nga naman ay sadyang mabait. Nabanggit ko kasi kay Ian ang pangalan ng taong nakilala ko sa lugar nila.

And guess what? Kilala niya ito at mismong kapitbahay pa.
Just then and there, magkatext na kami ni Pat.

And you know what's next?

Sa bilis ng mga pangyayari, natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakipagkita kay Pat. Hindi ko alam kung anong mahikang meron ang ekstrangherong ito at bigla na lang akong um-OO sa imbitasyon niyang makipagkita sa Glorietta the day after we accidentally met. Imagine, kinabukasan agad!

At first, ayaw ko sanang makipagkita kasi he wanted it to be in Trinoma. I wouldn't dare to be there kasi may pasok pa ako that night. Oo, gabi ang trabaho ko...
Ooops hindi call center agent ha! Basta. I suggested na sa Ayala na lang at okay naman sa kanya.

Mag-iisang oras siyang nag-antay sa akin. Well, gantihan lang 'to! Pinaghintay ako sa wala ng kaibigan mong si Ian. Therefore, paghihintayin din kita bilang ganti. Bitter, anuh?

At 'ayon nagkita na kami. Nakangiti.Nakauniporme pa.White shirt. Black pants. Black shoes.

Nag-cutting classes ba ang batang ito? Hindi naman daw. Mahaba ang paliwanag niya na di ko naalala kung ano 'yun.

Kumain lang naman kami sa isang restaurant. Kwentuhan. Marami siyang kwento. Marami akong kwento.Palakad-lakad sa mall. Patingin-tingin. Patambay-tambay.Basta. Masaya naman siyang kasama.

Sabay kaming pumasok sa Greenbelt Chapel. Parang kami lang ata ang tao dun. Tahimik. Kaya naman ay taimtim akong nanalangin. Nagpapasalamat sa lahat.

Naalala ko tuloy ang eksena sa My Amnesia Girl habang nasa loob ng simbahan si Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. At parang gusto kong dasalin ang linya ni Toni : "Salamat po Lord ha. Pandesal lang naman ang hinihingi ko, pero hamburger ang binigay mo at may kasama pang fries."

Mabilis ang takbo ng oras. Singbilis ng takbo ng mga di-inaasahang pangyayari. At nagyaya na akong umuwi.

Pat: Sayang ambilis ng oras nuh.
Ako: Oo nga eh
Pat: Need mo ba talagang pumasok?
Ako: Oo eh
Pat: Sige sana next time mahaba pa ang oras natin
Ako : (Ngumiti)

Saturday, November 20, 2010

Bakit Pulubing Prinsipe?

Hindi ko alam. Naisip ko lang bigla.


Isa kasi akong pulubi na nangangarap magkaroon ng buhay prinsipe kahit sa panaginip man lang.

Mahilig akong magbasa ng blog ng iba. Kaya naman napag-isipan kong gumawa ng sariling ring blog.

Hindi ko alam kung magaling akong magsulat pero susubukan ko.


Wish ko lang may magbabasa nito!

Monday, November 15, 2010

Sa Mundo Ng Ekstranghero 1

Napadpad ako kahapon sa isang lugar sa Novaliches, Quezon City. 'Yon ay dahil sa pag-iimbita ni Ian at ng kanyang pinsan ng inuman sa lugar nila. Wala naman akong gagawin kaya pinaunlakan ko na kesa naman mabagot ako sa bahay na walang ibang ginagawa kundi ang mag-internet. Medyo sawa na rin ako mag-facebook at magbasa ng blog ng iba kaya para maiba naman ang weekend ko.

Hindi ko alam ang eksaktong bahay ni Ian kaya dun ako sa tindahang katabi ng isang Lying in and Maternity Center.Pupuntahan daw nya ako in a while.Alas siyete y medya na 'yon at medyo papawala na ang kanina lang ay umuulan.Nakaupo lang ako sa may bleacher sa may tindahan. Bumili ng kendi para di mabagot sa kaaantay. Bumili din ang isang poging binatilyong may suot na dilaw na shirt at black shorts. Walang magawa eh kaya pinagtitingnan ko na lang anga bumibili sa tindahang 'yon. Medyo papa-lowbat na rin ang cellphone ko kaya iwas text muna.

Nabagot. Nagpalit ako ng pwesto. Dun na naman ako sa isa pang tindahan sa harap. May naka-park na tricycle dun kaya dun muna ako tumayo at nag-antay.

At nang dumaan itong si poging ekstranghero:

Ekstranghero: May hinihintay ka?
Ako: (Hindi kumibo dahil naalala ko ang sabi ng nanay ko na 'wag makipag-usap sa hindi kilala.)

Muling nabagot sa kakatayo. Walang maupuan sa tindahang 'yon.. Kaya lumipat ako sa isa na namang tindahan sa may kanto. At andun na naman si poging ekstranghero. Sinusundan kaya ako nito? Hmmm....

Ekstranghero: May hinihintay ka?
Ako: Oo eh. Hindi ba delikado dito?
Ekstranghero: Hindi. Tingan mo 'yong dalawang babae, naglalakad sila kahit gabi na. Basta kapag may dumaan at kakausapin ka, kausapin mo lang din para di ka mapagkamalang maangas at ekstranghero dito
Ako: Okay.
Ekstranghero: Sino pala hinihintay mo?
Ako: Ah 'yong kaibigan ko. Antagal eh.
Ekstranghero: Babae o Lalaki
Ako: Lalaki
Ekstranghero: Ah sige samahan na lang kita hintayin sya
Ako: Ah hindi. Okay lang ako. Naaabala pa kita. San ka ba?
Ekstranghero: Inutusan lang naman ako ng lola ko na bumili ng karayom. Suyurin ko daw lahat ng tindahan. Ayaw nilang magpabili eh kasi gabi na raw.
Ako: Ah ganun ba
Ekstranghero: Sige samahan na kita. Wala rin naman akong gagawin.
Ako. Sige. Thank you. Anung name mo?
Ekstrangero: Ako si Patrick, 16, second year high-school
Ako. Elton. Nice to meet you.Bata ka pa pala.
Ekstrangero: Oo.Ikaw, nag-aaral ka pa?
Ako: Tapos na ako ng college
Ekstrangero: Talaga.

Parang hindi naniniwala ang batang ito. Sabagay wala naman sa hitsura ko. Mukha pa kasi akong bata.Haha.

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikipagkwentuhan sa kanya. Kung anu-anung kwento.Palitan ng kwento. Masaya. Makulet.

At tuluyan ko ng nakalimutan na may hinihintay pala ako......

Monday, November 8, 2010

Babangon Ako!

Ako'y minsang nabigo, sumubok ulit at muli na namang nabigo. Nabigo ng dalawang beses. Masakit. Subalit kelangan kong tanggapin ang isang nagdudumilat na katotohanan sadyang hindi pa para sa akin ang tagumpay.

Pero kelan ko makakamit ang tagumpay?

Anim na buwan mula ngayon. Andun naghihintay si Tagumpay. Babangon ako at muling susubok. Sana sa pagkakataong ito ay ito na talaga...

Tatlong letra lang ang idadagdag sa pangalan ko pero parang kayhirap buuin.  

Bobo ba daw ako? Asan na ang pinagmamalaki kong nagliliparang mga kulay nung grumadwet ako ng college? Tuluyan na bang lumipad? Hindi ba daw ako nagsasawa?

Manhid na ako sa sinasabi ng ibang tao dahil wala akong pakialam sa kanila.Basta ang importante nangarap ako at umaksyon para makamit ang pangarap na 'yon.

CPA. 'Yon lang naman eh. Wala ng iba pa.

Parang Hayskul Lang

Very hayskul ang drama ng isa kong opismeyt na walang ibang ginawa buong buhay niya kundi ang maghagilap ng mga "may future" at "may face value" sa buong galaxy....

Ito ang nilalaman ng kanyang formal theme este ng kanyang blog pala:

Sinasabing ang hayskul ang pinakamasayang stage sa pag-aaral ng isang tao. At kadalasan ang nagbiboigay kulay sa buhay hayskul ay ang pagkakaroon ng crush o paghanga sa kapwa estudyante, kaklase mo man o hindi. Laging andun ang hindi maipaliwanag at hindi maiwasang  kilig moment sa tuwing nakikita mo ang crush mo. Nakangiti ka habang iniisip mo siya. Ang sarap ng feeling....at para kang nasa cloud 9 kapag nakasama mo na siya...


Tama di'ba?

Pero hindi ito tungkol sa kwento ng buhay hayskul ko...
Ito ay ang kwento ng kasalukuyan...ang kasalukuyan kung saan umaambon ng mga Adan na sadyang inukit para hangaan ng isang ako at ng iba pang nangahas na karibalin ako.

And they are...



BRAD.Crush at first sight lang ang lahat and the next few days, the feeling ay naglahong parang bula.Ganun pala talaga if you found someone better..


BG. Itago na lang natin siya sa pangalang Bloomberg o BG. Bago pa siya binigyan ng codename na Bloomberg ng isa kong opismeyt na mahilig din sa pogi, lagi ko na siya nakikita na kumakain sa pantry. Kumbaga mas una siyang naging akin ang drama. Agaw pansin ang angkin n'yang kapogihan kaya naman balitang-balita sa buong universe na marami siyang secret admirers...


MC. Mapapalunok ka sa alindog ng lalaking ito. Aminin ko ng Felix The Cat nang minsang hindi naiwasang sulyapan habang nagpi-print ng kung anek anek. Height pa lang ay solve ka na. Idagdag pang nahuli ng mga matang nagsa-sun bathing sa basketball court na kung sasadyain ay tiyak mong sapul mo na.


JR. Kung si MC ay solve ka na sa height pa lang. Sa piling ni JR ikaw ay solve na solve na solve na. Modelo ang dating. Mukang anghel na animoy nagkatawang tao. Pero sa likod ng maamong mukha, nakatago ang isang katotohanang minsan na siyang nai-chismis na lumandi. Nakikipag-PDA sa kung saan-saan. Iyo na siya.


ALJUR.Sa kinis ng mukha ang pag-uusapan, waging-wagi ka dito. Hindi ka makaka-concentrate kung siya na ang kausap mo.


JACOB. Jackpot prize sa lotto ang katumbas kapag napansin ng konyong ito. No. 1 sa ranking kaya naman di bale ng mawala ang lahat, h'wag lang ito maawa na po kayo...

Very highschool, di 'ba?