Napadpad ako kahapon sa isang lugar sa Novaliches, Quezon City. 'Yon ay dahil sa pag-iimbita ni Ian at ng kanyang pinsan ng inuman sa lugar nila. Wala naman akong gagawin kaya pinaunlakan ko na kesa naman mabagot ako sa bahay na walang ibang ginagawa kundi ang mag-internet. Medyo sawa na rin ako mag-facebook at magbasa ng blog ng iba kaya para maiba naman ang weekend ko.
Hindi ko alam ang eksaktong bahay ni Ian kaya dun ako sa tindahang katabi ng isang Lying in and Maternity Center.Pupuntahan daw nya ako in a while.Alas siyete y medya na 'yon at medyo papawala na ang kanina lang ay umuulan.Nakaupo lang ako sa may bleacher sa may tindahan. Bumili ng kendi para di mabagot sa kaaantay. Bumili din ang isang poging binatilyong may suot na dilaw na shirt at black shorts. Walang magawa eh kaya pinagtitingnan ko na lang anga bumibili sa tindahang 'yon. Medyo papa-lowbat na rin ang cellphone ko kaya iwas text muna.
Nabagot. Nagpalit ako ng pwesto. Dun na naman ako sa isa pang tindahan sa harap. May naka-park na tricycle dun kaya dun muna ako tumayo at nag-antay.
At nang dumaan itong si poging ekstranghero:
Ekstranghero: May hinihintay ka?
Ako: (Hindi kumibo dahil naalala ko ang sabi ng nanay ko na 'wag makipag-usap sa hindi kilala.)
Muling nabagot sa kakatayo. Walang maupuan sa tindahang 'yon.. Kaya lumipat ako sa isa na namang tindahan sa may kanto. At andun na naman si poging ekstranghero. Sinusundan kaya ako nito? Hmmm....
Ekstranghero: May hinihintay ka?
Ako: Oo eh. Hindi ba delikado dito?
Ekstranghero: Hindi. Tingan mo 'yong dalawang babae, naglalakad sila kahit gabi na. Basta kapag may dumaan at kakausapin ka, kausapin mo lang din para di ka mapagkamalang maangas at ekstranghero dito
Ako: Okay.
Ekstranghero: Sino pala hinihintay mo?
Ako: Ah 'yong kaibigan ko. Antagal eh.
Ekstranghero: Babae o Lalaki
Ako: Lalaki
Ekstranghero: Ah sige samahan na lang kita hintayin sya
Ako: Ah hindi. Okay lang ako. Naaabala pa kita. San ka ba?
Ekstranghero: Inutusan lang naman ako ng lola ko na bumili ng karayom. Suyurin ko daw lahat ng tindahan. Ayaw nilang magpabili eh kasi gabi na raw.
Ako: Ah ganun ba
Ekstranghero: Sige samahan na kita. Wala rin naman akong gagawin.
Ako. Sige. Thank you. Anung name mo?
Ekstrangero: Ako si Patrick, 16, second year high-school
Ako. Elton. Nice to meet you.Bata ka pa pala.
Ekstrangero: Oo.Ikaw, nag-aaral ka pa?
Ako: Tapos na ako ng college
Ekstrangero: Talaga.
Parang hindi naniniwala ang batang ito. Sabagay wala naman sa hitsura ko. Mukha pa kasi akong bata.Haha.
Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikipagkwentuhan sa kanya. Kung anu-anung kwento.Palitan ng kwento. Masaya. Makulet.
At tuluyan ko ng nakalimutan na may hinihintay pala ako......
No comments:
Post a Comment