Saturday, April 9, 2011

Biyaheng The Fort

BONIFACIO GLOBAL CITY, TAGUIG o mas kilala sa tawag na THE FORT.
Hindi pinapahintulutan ang mga jeep na pumasok sa loob ng The Fort. Marahil ay gusto ng pamunuan na mapanatiling maayos ang lugar, hindi masyadong puno ng sasakyan at malinis ang nalalanghap na hangin. Alam naman nating hindi kanais-nais ang usok na binubuga ng mga jeep na isa sa mga dahilan ng polusyon sa hangin. Dahil sa mga benipisyong ito, nakakaranas naman ng kabigatan sa bulsa ang mga mamamayang nagko-commute papasok sa opisina. Pero hindi nagtagal, nabigyan din ito ng solusyon ng pamahalaan dahil sa pagsulpot ng E-Trike.

***

The Fort Bus

Ang Fort Bus. Dahil nagtaasan na ng pamasahe, hindi rin naman nagpahuli sa pagtaas ang The Fort Bus. Dating  11 pesos, ngayon ay 12 pesos na.  May biyaheng Market- Market to Ayala (vice versa) ,biyaheng Market-Market to Bonifacio Global City (BGC) (vice versa din) at biyaheng Ayala to BGC (vice versa din).  Pero kelangang mag-antay pa rin ng ilang minuto sa terminal lalo na kapag wala pa ang bus. Ang mga biyaheng ito ay hindi masyadong mabilis magpatakbo. Para lang kasi silang namamasyal habang nagbi-byahe. Kelangan ding huminto sa mga hintayan ng bus, may pasahero mang nag-aantay o wala. Idagdag pa ang dami ng stoplights. Halos lahat ata ng kanto ay may stoplights. Sa oras ng kagipitan, yon bang mali-late ka na sa trabaho, kung sa The Fort ka sasakay, siguradong late ka na kaya 'wag ka ng umasa. Mga 15-20 minutes ang byahe at kapag natyimpuhang laging napapahinto dahil nag-RED na ang kulay ng Stoplight bawat kanto, marahil ay aabutin ng 30 minutes.

Para sa karagdagang impormasyon sa ruta ng The Fort Bus, KLIK DITO!  At may The Fort Bus Facebook Fanpage din sila.

***

Litratong Hiram sa http://www.silent-gardens.com/img/taxi-1.jpg
Ang Taxi. Isa pa 'to! Nagtaas na ng flagdown rate mula 30 pesos to 40 pesos, at di pa nakuntento nagtaas pa ng rate per km (tama ba?), piso ang dinagdag. Luging-lugi na nga ako sa pagtatrabaho kasi nga late na ako nagigising at sa oras ng kagipitan,  taxi ang lagi kong naaasahan. 'Yong nga lang, talagang butas ang bulsa ko. Kasalanan ko din naman eh. Sarap kasi matulog eh at medyo nakakapangwalang-ganang pumasok minsan.  'Yong ibang taxi driver, kulang pa kung manukli o nagpapadagdag pa ng bayad. Kaya naman lagi kong nirereport sa hotline ang ganun kapag naiinis ako. Hindi ko lang alam kung inaaksyunan ba talaga 'yon.

***

 
Litratong Hiram sa http://americanindavao.com/blog/wp-content/uploads/2009/04/motorcycle.jpg
Ang Habal-Habal. Ayon,super-maaasahan sa oras ng malapit ka ng ma-late. Medyo mura pa kesa taxi pero medyo mahal kesa The Fort Bus. Nakakatakot nga lang sumakay dito dahil mabilis sila magpatakbo. Sa halagang bente-singko o trenta isang byahe, baon mo naman ang pangambang baka ka mahulog o madisgrasya. Kaya superdasal ako kapag sumasakay nito.

***


E-TRIKE

AT SYEMPRE PA, kung pamurahan ng pamasahe ang pag-uusapan, walang binatbat ang Taxi, The Fort Bus at Habal- Habal sa E-TRIKE o Electric Tricycle. Sa halagang LIMANG PISO ay makakasakay ka na. Dati libre lang 'to o pwede nga kahit magkano lang daw ang ibabayad. Ang biyahe nito ay mula Market-Market hanggang looban ng The Fort (31st St  'yong sa harap ng Chowking). Walo ang pwedeng pasahero nito. Environment-friendly at walang gas emissions.Nakakatuwa pang sumakay dito dahil sa iba't ibang kulay nito. Pero hindi ito advisable sakyan para sa mga nagmamadali dahil hindi ito masyadong mabilis bumiyahe.

Ayon, kung ikaw ay mapadpad sa magandang lugar namin sa The Fort, may ideya ka na kung ano ang pwedeng sakyan.

Sakay na!

2 comments:

Anonymous said...

hello, prinsipe.

like ko 'to! ang useful ng information... :)

pakabait ka this lenten season, tsos! :D

NoOtherEarl said...

Salamat po :)
Opo magpapakabait ako.
Minsan po kasi pasaway ako.hahaha