Litratong hango sa www.talakayanatkalusugan.com |
Nagising.Bumangon.Tinignan ang oras.Alas sais bente tres pa.Okay.May naalala.Tinignan ulit ang oras.Nagulat. Alas sais bente kwatro na.Siniguradong tama nga ang nakikitang oras,tinignan ang cellphone. Alas sais trenta ang sabi. Saan ako maniniwala? Sa alas sais bente kwatro na orasan o sa alas sais trentang sabi ng cellphone?
Alas sais ang pasok ko. Magmadali man ako o hindi,isang bagay lang ang sigurado:Late na ako. Ano pa ang silbi ng pagmamadali? Umasta akong parang hindi pa late. Ligo. Bihis. Konting ayos.Larga.
Mahina ang ulan.Malakas ang hangin.Binagtas ko ang daan mula sa bahay papunta sa highway.Malakas talaga ang hangin.Sinasayaw ng hangin paroon at parito ang dala kong payong.Pilit inaagaw ng hangin ang payong mula sa aking pagkakahawak. Gusto nitong sirain, wasakin at ipamukha sa akin na mas malakas siya.
At nga ano nga ba naman ang laban ng payong sa malakas na malakas na hangin? Tiniklop ko ang payong. Suot ang jacket na may hood, tumakbo ako sa may antayan na taxi. Konting basa.Walang taxi. Hintay.Papalakas ang ulan. Akmang bubuksan ang payong. Ayaw ng hangin. Lumalaban ang hangin. Nakikipag-away sa walang kalaban-laban. Tiklop ulit. Ano ba kasi ang laban ng payong sa malakas na hangin? Dumating ang taxi.Salamat sa MGE (ang paborito kong taxi).
Habang binabagtas ng taxi ang daan, palakas nang palakas ang ulan. Dumating ako sa opis ng alas siyete bente.May nakialam at nagtanong kung bakit ako late. ‘Trip ko lang’ ang trip kong isinagot. Maayos naman ang takbo ng kalakaran sa negosyo habang patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas.
Sa ngalan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, Bagyong Pedring, ikaw ay maglalaho!
Siya nga po pala, sana gagawa ang batas ang gobyerno na 'double pay' ang mga empleyadong pumapasok tuwing bagyo. Maraming sana.
2 comments:
hahaha! sa totoo lang, talagang dapat may incentives para sa mga taong pumapasok kahit may baguio. o kaya, may re inbursement para sa nasirang payong, ngumangang sapatos at pambili ng foot powder kapag nagka alipunga o kaya gamot kapag nagkasakit.
ang sarap kayang matulog kapag maulan.
Super agree ako jan sa sinabi mo. haha. Natawa naman ako sa reimbursement portion.
Post a Comment