“Sinong gustong sumali ng Angry Birds?!!!!”
At naagaw nila ang aking atensyon.
Curious lang ako paano lalaruin ng mga bata ang ‘Angry Birds’.
Ang Pagsisimula
“Maiba, taya!”
Ang mga bata ay namimili ng taya sa pamamagitan ng kamay. Una, tumayo sila ng pabilog at inilapat nila ang kanilang mga kamay sa gitna nang patong-patong. Pagkabanggit ng "maiba taya" ay isa-isang itinaas nila ang kanilang mga kamay at sabay bagsak sa gitna pa din. Ang mga kamay ay pwedeng paharap sa lupa o patalikod. Kung sino man ang naiiba ay siyang taya.
Ang Paglalaro
Ang taya ang siyang magiging Angry Bird. Bilang Angry Bird, galit siya siyempre sa mga baboy. At hahabulin niya ang mga kalaro na buong pusong gumanap bilang mga baboy at ang kanyang mahuhuli ay magiging Angry Bird din kasama niya o di kaya’y magiging bagong Angry Bird o pwede ring babalik sila sa ‘Maiba taya’ para malaman kung sino na naman ang susunod na Angry Bird (depende din actually sa napagkasunduan ng mga bata na patakaraan)
Hindi ko masyadong kuha ang tamang paglalaro ng ‘Angry Birds’, masyado silang maingay, magulo at nagkakasayahan na sa paglalaro.
Mga larawang kuha ko mismo. Hindi masyadong maganda (o hindi talaga maganda) ang pagkakuha gamit ang cellphone na may 2.0 megapixel camera.
Ang batang nakapula ang 'taya'. Siya si Angry Bird. Hinahabol/hinuhuli niya ang mga kalaro a.k.a baboy/biik dahil galit na galit na siya sa mga ito. Haha. |
Sila ang gumanap na mga baboy (kapag mataba)/biik (kapag hindi mataba/payat) sa laro ng makabagong panahon. |
Ang Sabi Ko Naman
Ah,para lang palang habul-habulan ang nilalaro nila. May pa-angry-angry bird pang nalalaman ang mga batang ito. Na-curious tuloy ako. Natuwa naman ako dahil may mga bata pa palang mas pinili maglaro sa labas ng bahay kesa hawak lang ang Ipad, cellphone o computer habang nakakulong sa loob ng bahay. O baka naman wala lang silang Ipad, cellphone, PSP o computer (na ayaw kong paniwalaan).
Muli nilang binuhay ang larong habul-habulan (na tuluyan ng niluma ng panahon). ‘Yon nga lang, isinabay nila sa uso at ‘Angry Birds’ na ang tawag ng habul-habulang ng makabagong panahon.
Angry ba ang Bird Mo?
Nasa usapang Angry Birds na rin lang naman tayo. Banggitin ko na rin lang na minsan (pwedeng kadalasan) binibigyan ito ng ibang kahulugan mga utak grin (Minsan kabilang ako dun. Minsan lang naman). Angry Bird. Galit na ibon.Galit. Ibon. Bird. Ikaw na bahalang magpatuloy sa nais kong sabihin/ipahiwatig/iparating. Haha.
Isang araw sa gym.Tinanong ako ng gym trainer. Ito ay true-to-life story talaga (Me ganun?).
Siya: Naglalaro ka ba ng Angry Birds?
Ako: Hindi po. Hindi ako marunong nun eh. Ikaw ba?
Siya: Ah, sa madaling araw ako naglalaro ng Angry Birds. Masarap maglaro ng Angry Bird tuwing madaling araw. Sigurado kang hindi ka naglalaro ng angry bird sa madaling araw o kaya sa gabi?
Ako: Ibang angry bird naman ata ang tinutukoy mo.
Tawanan….
Dahil nasa usapang Angry Birds na rin lang, ako ay mag-iiwan ng isang kasabihan tungkol sa Angry Bird. (di ba uso pa rin ang mga kasabihan ngayon?) Ito ay nabasa ko lang sa text.
“Aanhin mo ang BIG Bird kong hindi naman ito Angry”
Tomoh?
Tomoh!
2 comments:
hahaha. may new term na sa habulan... angry birds... may variation. hahaha
tama! nakikisabay sa uso! haha
Post a Comment