Friday, April 29, 2011

Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig


Masdan mo ang kapaligiran. Wala ka bang napapansin?
Hindi natin maitatanggi ang nagdudumilat na katotohanang unti-unti ng nilalamon ng polusyon ang ating kapaligiran. Dahil sa kagagawan nating mga tao. Tayo ang sumisira sa ating kapaligiran. Kaya nararapat lamang na gumawa tayo ng paraan para maagapan ang unti-unting pagkasira nito o para maibalik sa dati ang talagang sira na.

Kaya naman, kusang loob akong nag-volunteer sa isang kawang-gawa. Ayon, spirit of volunteerism.  Inihahandog ng ABS-CBN Foundation, Inc in partnership with JP Morgan Chase Bank na nagkakapit-bisig para sa Ilog Pasig bukas, April 30, 2011, 7am to 12nn.

Ilog Pasig Clean-Up, Landscaping at Community Interaction ang mga activities.
Basahin ang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig para sa karagdagang impormasyon.

Aabangan ko na lang bukas ang mangyayari!

Thursday, April 21, 2011

Excited sa UBBE Magalawa Island


UBBE Magalawa Island

May 28-29, 2011
Zambales, Philippines


Here’s a new destination for all of you beach bummers!


Tucked in northern Zambales, Magalawa Island beckons with its white sand beaches and flourishing marine life. So lather up on the sunblock, pack your boardshorts and take on this beach adventure! UBBE Magalawa Island, another ultimate trip brought to you by Travel Factor!


Antagal pa ng May 28. Excited na ako dito! Can't wait!



Dumating Din Ang Umaga Para Kay Juliepie




"Grabe overwhelming talaga. I feel so loved....," latest tweet ni Julie Garcia na nagpapatunay na masaya siya sa nangyari sa career niya. At sino ba namang hindi, it's official,tutuldukan na niya ang pagpasok sa hindi kanais-nais nais na work schedule. Naman. At sa wakas, dumating na din ang pinakaaasam na umaga sa buhay niya. Bagong work schedule, bagong buhay, bagong pakikisalamuha, bagong simula.....kaakibat din nito ang isang bagong pagsubok na haharapin n'ya sa dako pa roon.

Salamat sa mahigit isang taong kapiling kang humarap sa hamon ng trabaho at sa mahigit isang taong saya ng isang magandang pakikipagkaibigan.

Isang maligayang paglalakbay, Kaibigan!
Ibang mundo na ang tatahakin mo. Hangad ko ang iyong kaligayahan at tagumpay!

Konting tiis na lang, at ako na ang susunod!

Naalala si Rico Yan

Sa biglaang pagkamatay ni AJ Perez, naalala ng marami si Rico Yan. 'Yon ay dahil sa pagkakatulad ng dalawa sa maraming bagay.

Basahin ang mga ito:
AJ Perez Reminds us of Rico Yan
AJ Perez and Rico Yan:Their Similarities
Rico Yan Remembered in AJ's Death
The many similarities between Aj Perez and Rico Yan
AJ PEREZ & RICO YAN : MACABRE PARALLELISM!
AJ Perez Death, a Rico Yan Look-a-Like: Same Faces, Same Fate
Rico Yan and AJ Perez' Shocking Similarities

Sunday, April 17, 2011

RIP Aj Perez


Life is too short people! Knowing that our stay in this world is temporary, we should make the most of it

You may rest in peace, Aj Perez!


Read the news.
Aj Perez Killed in Tarlac Highway Accident

Saturday, April 9, 2011

Pinoy Henyo:Majella

Sabi nga nila:“Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.”

Parang kailan lang, naglaro tayo ng Pinoy Henyo, ikaw ang nanghuhula, ikaw ang nag-iisip. Oo, hindi at pwede lang ang pwede naming isagot. Pero sa huli, nakuha mo pa rin ang tamang sagot: COCO MARTIN. Masaya. Nakakalungkot mang isipin na malabo ng muling maibabalik ang saya ng kahapon. Iba na. Iba na ang mundong tatahakin mo. Iba na rin ang mundong tinatahak ng iba. Subalit ganun pa man, nag-iwan ka naman ng bakas na hindi maiwawaglit sa puso at isipan ng bawat isa, panoorin na lang ang video.




Biyaheng The Fort

BONIFACIO GLOBAL CITY, TAGUIG o mas kilala sa tawag na THE FORT.
Hindi pinapahintulutan ang mga jeep na pumasok sa loob ng The Fort. Marahil ay gusto ng pamunuan na mapanatiling maayos ang lugar, hindi masyadong puno ng sasakyan at malinis ang nalalanghap na hangin. Alam naman nating hindi kanais-nais ang usok na binubuga ng mga jeep na isa sa mga dahilan ng polusyon sa hangin. Dahil sa mga benipisyong ito, nakakaranas naman ng kabigatan sa bulsa ang mga mamamayang nagko-commute papasok sa opisina. Pero hindi nagtagal, nabigyan din ito ng solusyon ng pamahalaan dahil sa pagsulpot ng E-Trike.

***

The Fort Bus

Ang Fort Bus. Dahil nagtaasan na ng pamasahe, hindi rin naman nagpahuli sa pagtaas ang The Fort Bus. Dating  11 pesos, ngayon ay 12 pesos na.  May biyaheng Market- Market to Ayala (vice versa) ,biyaheng Market-Market to Bonifacio Global City (BGC) (vice versa din) at biyaheng Ayala to BGC (vice versa din).  Pero kelangang mag-antay pa rin ng ilang minuto sa terminal lalo na kapag wala pa ang bus. Ang mga biyaheng ito ay hindi masyadong mabilis magpatakbo. Para lang kasi silang namamasyal habang nagbi-byahe. Kelangan ding huminto sa mga hintayan ng bus, may pasahero mang nag-aantay o wala. Idagdag pa ang dami ng stoplights. Halos lahat ata ng kanto ay may stoplights. Sa oras ng kagipitan, yon bang mali-late ka na sa trabaho, kung sa The Fort ka sasakay, siguradong late ka na kaya 'wag ka ng umasa. Mga 15-20 minutes ang byahe at kapag natyimpuhang laging napapahinto dahil nag-RED na ang kulay ng Stoplight bawat kanto, marahil ay aabutin ng 30 minutes.

Para sa karagdagang impormasyon sa ruta ng The Fort Bus, KLIK DITO!  At may The Fort Bus Facebook Fanpage din sila.

***

Litratong Hiram sa http://www.silent-gardens.com/img/taxi-1.jpg
Ang Taxi. Isa pa 'to! Nagtaas na ng flagdown rate mula 30 pesos to 40 pesos, at di pa nakuntento nagtaas pa ng rate per km (tama ba?), piso ang dinagdag. Luging-lugi na nga ako sa pagtatrabaho kasi nga late na ako nagigising at sa oras ng kagipitan,  taxi ang lagi kong naaasahan. 'Yong nga lang, talagang butas ang bulsa ko. Kasalanan ko din naman eh. Sarap kasi matulog eh at medyo nakakapangwalang-ganang pumasok minsan.  'Yong ibang taxi driver, kulang pa kung manukli o nagpapadagdag pa ng bayad. Kaya naman lagi kong nirereport sa hotline ang ganun kapag naiinis ako. Hindi ko lang alam kung inaaksyunan ba talaga 'yon.

***

 
Litratong Hiram sa http://americanindavao.com/blog/wp-content/uploads/2009/04/motorcycle.jpg
Ang Habal-Habal. Ayon,super-maaasahan sa oras ng malapit ka ng ma-late. Medyo mura pa kesa taxi pero medyo mahal kesa The Fort Bus. Nakakatakot nga lang sumakay dito dahil mabilis sila magpatakbo. Sa halagang bente-singko o trenta isang byahe, baon mo naman ang pangambang baka ka mahulog o madisgrasya. Kaya superdasal ako kapag sumasakay nito.

***


E-TRIKE

AT SYEMPRE PA, kung pamurahan ng pamasahe ang pag-uusapan, walang binatbat ang Taxi, The Fort Bus at Habal- Habal sa E-TRIKE o Electric Tricycle. Sa halagang LIMANG PISO ay makakasakay ka na. Dati libre lang 'to o pwede nga kahit magkano lang daw ang ibabayad. Ang biyahe nito ay mula Market-Market hanggang looban ng The Fort (31st St  'yong sa harap ng Chowking). Walo ang pwedeng pasahero nito. Environment-friendly at walang gas emissions.Nakakatuwa pang sumakay dito dahil sa iba't ibang kulay nito. Pero hindi ito advisable sakyan para sa mga nagmamadali dahil hindi ito masyadong mabilis bumiyahe.

Ayon, kung ikaw ay mapadpad sa magandang lugar namin sa The Fort, may ideya ka na kung ano ang pwedeng sakyan.

Sakay na!

Thursday, April 7, 2011

Si Markki Stroem at Ako

Nagwawalis ako ng mga files sa My Pictures nang natisod ko ang isang album na naglalaman  ng mga litrato namin ni Markki Stroem.

Nga pala, si Markki Stroem o Marcello Angelo Ledesma Stroem sa totoong buhay ay isang half-Norweigan na finalist ng Pilipinas Got Talent. Bente-tres at nakatira sa Antipolo.

Maraming beses ko na siyang nakita, nakausap at nakipagpiktyuran.Kesa naman itago ko lang sa mahiwagang baul ang aming mga litrato sa pader, buong-laya ko na lang ipo-post dito. Medyo nakakahiya ng konti kasi makikita ang tunay kong pagmumukha sa totoong buhay, pero paki ko naman. Haha.


JUNE 2010. Pilipinas Got Talent Grand Finals. Matapos ang patimpalak, bandang hatinggabi nang lumabas si Markki sa Araneta Coliseum para magpasalamat sa kanyang mga kaibigan at fans na sumuporta. Ang lakas ng loob kong magpa-piktyur. Haha.

 ***




JUNE 24, 2010. PGT You Got It Concert, Ynares Arena, Pasig. Ang eksenang papaalis na si Markki at sa amin ay nagpapaalam na. Naalala ko na nag-offer sa akin ang Manager ko na mag-half-day na lang sa work para mapanood daw ang concert.

***



JULY 10, 2010. Friends' Day. SM Sucat, Paranaque. Litrato ng minsang sumipot ako sa kanyang mall show. At nakipagpiktyuran din ako sa kapwa nya PGT Finalists na sina Keith Delleva at Sherwin Baguion.


*** 
  

JULY 18, 2010. Grand Fans Dsy. Group Piktur na lang. Wala akong nahalungkat na solo pix eh.


 ***


AUGUST 2010. Nang minsang gumala sa Bonifacio High Street kasama si Markki Stroem at kanyang mga kapatid. Ang araw kung saan nanlibre siya ng Krispy Kreme. Hehehe. 

***

SEPTEMBER 4, 2010. Sumipot ako sa launching ng 100 days of Christmas sponsored by Eden Cheese. Sa Starbucks ito nang pumunta kami matapos ang show. 

***

HANGGANG sa dumating 'yong oras na superbusy na ako at hindi na nakasubaybay sa mga lakad ng isang kaibigan. Babawi na lang ako pagdating ng araw.

Nakakamis.



Tuesday, April 5, 2011

Ang Kapatid Kong Bulakbulero

Gustuhin ko man o hindi, kapatid ko pa rin si Edward. Siya ang pangatlo sa anim na magkakapatid. Limang taon ang agwat ng edad namin. Hindi kami close. Hindi rin magkasundo sa halos lahat ng bagay. Iba siya. Iba rin ako. Naiinis akong nakikita ang pagmumukha n'ya. 'Di hamak na mas pogi ako dun. Hahaha. Ayoko sa ugali at takbo ng pag-iisip nya. Mabuti na lamang at nakikipagsapalaran ako sa Maynila kaya 'di ko na siya nakikita.

 Nakarating sa akin ang balita. Grumadwet na ng HAYSKUL ang loko sa edad na BENTE. At sa wakas! BENTE rin ako nun nong grumadwet ng COLLEGE. Sabagay, bakit ko naman ikukumpara ang sarili ko sa mga taong parang walang pangarap sa buhay o kung meron man ay di lang masyadong halata.

Eh, di tuwang-tuwa naman ang Mama at Papa ko sa pagtatapos ni Edward. At sino ba namang hindi? Balita ko pa, naghanda pa daw sila sa amin. At dahil sa mabaet akong kapatid at anak, sa akin pala galing ang pinanghanda.

Hindi rin biro ang dinanas ng mga magulang ko sa piling ng hinayupak kong kapatid. Naroo't nilagay sa kahihiyan ang  buong angkan ng minsang nahuling nagnakaw ng pera sa kapitbahay namin. Pati tuloy ako ay walang mukhang ihaharap at gusto ko ng maglaho dahil sa nangyari. Pinalaki kami ng maayos at tama ng mga magulang namin, tinuruan ng kagandahang-asal at matinong pakikitungo sa kapwa.Subalit hindi ko maintindihan si Edward. Hinding-hindi!

Naroo't kunwari ay pumapasok sa paaralan, yun naman pala ay sa bilyaran lang ang punta. Ang baon ang ginagawang pantaya sa sugal. Kapal talaga ng mukha! Hindi man lang naisip ang hirap ng mga magulang namin para magkaroon lang kami ng makain sa araw-araw at pantustos sa pag-aaral.

Halos lahat ng subject ay binagsak. Hindi man lang nagmana sa matatalinong mga nakakatandang kapatid. Hindi na nahiya.
Laro lang ang laging inatupag. Basketbol at Billiard, 'yan mga paborito nya yan. Kung saan-saan pa nakakarating. Kung saan-saan natutulog. Madalas hindi umuuwi ng gabi. Madalas nakikipaglasingan sa mga barkada n'yang wala ring mga direksyon sa buhay.

Kelan pa kaya titino ang taong 'yon?
'Yon ang hiling ko sa langit!