Wednesday, February 29, 2012
Finally Disposed
Matagal ko ng plano ito. Ang itapon ang lahat ng review materials na meron ako, 'yung mga sandamakmak na handouts. 'Yung iba dun ay malinis na malinis dahil hindi ko na nabuklat, natambakan ako ng mga aaralin noong review days. Hinayaan ko na lang silang naging backlogs forever. 'Yung iba naman ay siyempre aral na aral ko,lalong lalo na ang computational subjects tulad na lamang ng Practical Accounting 1 and 2, Auditing Problems at s'yempre pa ang pinakapaborito kong Management Advisory Services (take note: nag-top ako sa subject na ito noong pre-board exam). Pero bahagi na sila ng nakaraan na ayaw ko ng balikan pa. Gugustuhin ko pa bang basahin/rebyuhin sila? Of course not. Ayoko ng duguin pa ang utak ko. Enough.
Labels:
Board Exam
Tuesday, February 28, 2012
Sick No More
Hindi ko na sinasambit ang linyang 'I don't feel like doing anything today' at 'Wala akong gustong gawin ngayong araw'. I'm more than okay now. The real me is very back. Wala na 'yong Ako na natutulog sa upuan ng opis at nagpapagising na lang sa seatmate kapag may paparating na malaking pusa. Ang hirap talaga mgkasakit. More than two weeks is indeed a sacrifice. Pabalik-balik na lagnat. Ubo. Sipon. Sakit ng ulo. Si John Lloyd Cruz kasi, di ako sinabihan ng 'Ingats' .Nakakatamad talaga pumasok sa office.But again kelangan pumasok kahit masama ang pakiramdam sa napakaraming dahilan. Isang beses lang akong nag-sick leave, 'yung time na hindi ko na talaga kaya. After work naman, diretso agad ng bahay at ang kama ang naghihintay, tulog muna at minsan paggising laro muna ng tetris sa Facebook kahit maysakit.
Labels:
Facebook,
Impeachment,
Singapore
Tuesday, February 7, 2012
Ahcee Flores: Online Fame for a Wrong Reason
I would consider the act as offensive, immature, insensitive and a big disgrace to the whole Filipino community. Isang di-kilalang Pinoy (may sira ata ang pag-iisip) na nagtatago sa pangalang 'Ahcee Flores' ang biglang sumikat ng walang katuturan dahil sa kanyang komento sa Yahoo na:" let us all pray....na matuloy ang tsunami para maraming bisaya ang mamatay, para mabawasan ang mga baduy sa pilipinas". If you are in good state of mind, hindi mo sasabihin ang ganyang komento. Pinagdadasal pa n'ya ang kapahamakan ng iba.
Labels:
Bohol,
Current Events
Friday, February 3, 2012
Sumigaw ng Payaman!
Sa VMobile, lahat tayo ay payaman!
I do not claim any rights on the video posted above. Credits goes to video owner/uploader.
Labels:
VMobile
Thursday, February 2, 2012
Isang Oras...
1:02 PM na pala.
Heto ako ngayon, nakaupo. Kaharap ang computer sa opis at sinisimulan ang blog entry na 'to. Isang oras na lang at uwian na namin. Mabuti na lang at hindi uso ang overtime dito sa bago kong nilipatan na department. Kapagod din pala minsan mag-antay ng oras.Hindi ko alam anong pagpapanggap ang kailangan kong gawin. Mabuti na lang at may internet dito sa opis. 'Yun nga lang, bawal ang mag-surf ng hindi related sa business. Hindi rin maka-access ng mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter. Katulad ng ginagawa ko ngayon, bawal ito. Pero hindi pa naman ako nahuhuli ng mga IT folks.' Wag naman sana. 'Wag ngayon. Ang arte talaga ng bangkong ito. Lahat na lang ng pwedeng ibawal ay bawal.

Subscribe to:
Posts (Atom)