Wednesday, October 16, 2013

Bohol Earthquake

Ang lahat ng pinaghirapan ko ay winasak ng malakas na lindol sa probinsya namin sa Bohol. Wasak ang bahay namin at ang aming kagamitan. Wasak ang mga simbahan, paaralan, palengke at iba pang mga gusali. Hindi na mailarawan ang probinsyang aking minahal. Salamat sa Diyos at ligtas ang aking pamilya. Nasa evacuation area ang aking tatay, mga kapatid, mga kamag- anak at kapitbahay. Wala ng mauwian. Walang kuryente. Walang tubig. Halos wala ng makakain. Bumuhos pa ang malakas na ulan. Ngayon ang panahon na kailangan namin ng tulong para makabangon muli. Nananawagan ako sa lahat ng may busilak na kalooban na tulungan nyo po kami kasama ang mga kababayan ko.

Ipagdasal po natin ang kaligtasan ng lahat.

Published with Blogger-droid v2.0.10

Saturday, August 17, 2013

Bakit ka Bumagsak sa CPA Board Exam?

Ang CPA Board ay isang mahirap na pagsusulit (madali lang daw para sa mga henyo) na kailangang ipasa ng mga accountancy graduates para maging isang Certified Public Accountant  sa Pilipinas. Bilang mahirap nga o sabihin na lang nating isa sa pinakamahirap na pagsusulit, higit sa kalahati ng kabuuang  bilang ng mga examinees ang umiyak, nalungkot o na-depress dahil wala sa ‘List of Successful Examinees’ ang pangalan. Na kahit anong hanap ay wala talaga. Pero may posibilidad pa na ‘Conditioned’ ka lang at may posibilidad din na bagsak ka nga. At nang makuha mo ang results, nagdudumilat ang isang malinaw na katotohanang nakasulat sa isang pirasong papel : FAILED.  Oo, tama ang hinala mo. Confirmed na confirmed, bagsak ka nga!  Sabi na nga ba. Tama na ang pag-emote at iinom mo na lang ang lahat! At bukas, umpisahan mo na ang tinatawag nilang ‘Move on’ o ‘Change for the better’.


Sunday, April 21, 2013

TIRADOR: Isang Kwento Tambay 2


Nagtext si Ryan kay Jomar. Hindi ko na naitanong kung tungkol saan. Basta bigla na lang napasugod sina Jomar at Ace sa bahay ni Ryan. Ako man ay walang ideya sa nangyayari pero napasunod na rin ako sa nagmamadaling dalawa.

Sunday, April 14, 2013

Salamat, Pasadoako.com

Ngayon ko lang 'to nalaman.  May website na bumabati sa lahat ng pumapasa sa board exam at 'yan ang www.pasadoako.com.
 
At ito ang para daw sa akin. Di bale ng malaman ang pangalan ko sa totoong buhay.
 
 
 
Salamat sa pabati. Sobra lang namang na-appreciate ko ang thought ng nakaisip na gumawa ng site na ito. Kung wala kang pamilya at kaibigan na babati sa pagkapasa mo, h'wag kang mag-alala dahil  andyan naman ang pasado.com. Haha.
 
 
Muli, maraming salamat, Pasadoako.com!

Saturday, April 13, 2013

TIRADOR: Isang Kwentong Tambay 1

Lagi akong nagigising pgsapit ng hatinggabi. May kung anong hinahanap ang aking katawan. Nauuhaw ako pero hindi tubig ang kailangan ko. Hindi rin dugo. At lalong hindi alak. Dahil ang kailangan ko ay gatas. ‘Yung hindi mainit na gatas. ‘Yung malamig na malamig na gatas. Yung galing sa dede ng cow. ‘Yung nabibili sa suki kong convenience store sa may bandang C5 road na Treats (na ewan ko ba kung bakit Food Avenue na ngayon).

Friday, March 15, 2013

Hanggang sa Susunod!

Ilang buwan na rin akong hindi nakakapag-post ng blog entry.  Anyare? Maraming nangyari. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Basta sa ngayon, alam kong napagtagumpayan kong labanan si Kamatayan.  Hangad ko lang naman na maibalik na sa dati ang lahat. Sobrang hirap na hirap na hirap na ako sa mga pangyayari.  Salamat sa Diyos na hanggang sa ngayon ay nagagawa ko pa pala ang mga normal na bagay na ginagawa ko noon bago mangyari ang isang hindi kanais- nais na eksena ng buhay ko.

Paalam na sa lahat.  Baka kasi eto na ang pinakahuli kong post. Pero sana naman hindi pa.   Ayoko pang matapos ang kwento ng buhay ko. Salamat sa lahat ng mga taong nakasalamuha ko sa loob ng dalawampu't pitong taon dito sa mundo.  Hanggang sa susunod na paglalakbay, kaibigan. Kitakits na lang tayo sa kabila.