Sunday, November 2, 2008

November One Excapades




Nobyembre Uno. Araw ng mga dating living things na naging kasapi na ng mga decomposers sa lupa. Araw ng mga taong nakalimot huminga kaya binawian ng buhay. In short, Araw ng mga Patay! Hindi ko alam kung bakit kelangan pang aabot sa point na kelangan talagang mamatay ang isang tao. Masakit pero dapat at kelangang tanggapin dahil ito ay isang nagdudumilat na katotohanang hindi mapipigilan. Ni sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ay nakatakda ng mamatay sa oras na itinakda. Tayo ay nakatakdang mamatay sa ayaw natin at gusto. Hindi nating mapipigilan ang itinakda at nakaukit na sa kasulatan! Sapagkat tayo ay TAO.

Anyway, ang gusto ko lang nais iparating ay dapat i-enjoy muna natin ang sarap ng life habang tayo ay nabubuhay pa 'pagkat di natin alam kung kelan ang expiration date natin, di ba?

Well, ang gusto ko lang naman talagang mangyari ay ikwento ang drama ng buhay ko noong Nobyembre Uno sa piling ang mga taong nali-link sa maganda kong buhay.

At ito ang aking kwento:

Antok na antok pa ako no'n pero kelangan ko ng gumising kasi alas nuwebe na ng umaga at kelangan ko pang mag-ayos all by myself (wala kasi akong make-up artist, eh) para sa nakatakdang lakad namin with my friends, Lilian and Nikki. Si Lilian ay mangagaling pa sa Antipolo and on her way na daw sa meeting place namin sa LRT De Jose Station. Si Nikki naman ay alam kong reding-redi na din. Super-excited kasi ang mga lola! No choice, nagmamadali akong nag-shower at nag-ayos ng self sa mirror mirror hanging in the wall.



Nag-text si Nikki na andun na daw siya waiting for us. Kaya nagmamadali akong umalis ng bahay. In fairy tale ha, maglalakad sana ako, kaya lang kahiya naman if ma-late pa ako ng konti, eh late na nga ako sa takdang oras, kaya sumakay ako ng jeep. Pagdating ko sa meeting place, andun na and dalawa at mukhang di obvious na ako na lang ang kulang. Sumakay kami sa LRT at bumaba sa United Nation Station.

First Stop: Rizal Park


Ano kaya ang ginawa namin sa Rizal park? Well, naglakad kami at na-realized namin na nakakapagod din pala. Hindi ako xempre sasama sa gala if walang pictorial na magaganap. Kaya naman dinala ko ang aking digicam na blue. At xempre, si Nikki hindi din nagpatalo, dinala din niya ang kanyang digicam na pink. Pero si Lilian, iniwan niya ang kanyang digicam na hindi ko alam ang color sa bahay nila dahil baka daw kekelanganin sa party ng kanyang mga pusa at daga. Sosyal na mga hayop...akalain mo 'yon.




Second Stop: Jollibee
Xempre, hindi namin maikakailang kami ay nagutom sa aming pagpapagod kaya, ang next stop namin at sa Jollibee na malapit lang din dun. What do you think ginawa namin dun? Hindi naman cguro super obvious na kumain kami doon. Burger Steak lang kinain namin ni Nikki while si Lilian ay Fried Chicken with matching Ube Macapuno Special Ice Craze. 'Yon lang.

Third Stop: Manila Zoo
Hindi ko alam kung alam ng lahat na maraming animals sa Manila Zoo. Ang ginawa lang namin, tinitingnan 'yong mga animals tpos picture picture kami. Pictorials galore to the maximum level talaga. Basta.

Fourth Stop: SM City Manila Movietime
After makipaghalubilo sa mga hayop na animals? Well, pumunta kami ng SM Manila para manood ng sine.

Anong movie kaya ang pinanood namin? Well, hindi na kasi ako updated sa latest chikka sa showbiz ngayon kasi hindi ako nanood ng tv since naging rich and famous ako at isa pa, 'ala pong tv sa apartment. Hindi na rin ako updated sa mga bagong movies ngayon. Pero ang sabi nila maganda daw ang My Only U starred by Toni Gonzaga and Vhong Navarro. Maganda kaya? Let's see. Kaya un ang pinanood namin.

At nang matapos ang movie, na-realized ko na maganda talaga ang movie at may sense naman kahit papanu. Related din ito sa Araw ng mga Patay kasi namatay ang mga bida sa ending ng story.

Overall comment sa movie: Maganda siya, nakakatuwa,nakakaiyak , nakakakilig ng sobra pero nakakaawa at nakakalungkot din.

After watching the movie, pumunta kami sa department store para mag-shopping galore. Xempre marami daw kami pera kasi sahod daw.

Fifth Stop: SM Department Store
At ano ang mga nabili?
Si Nikki, travelling bag at camera bag.
Si Lilian, shoulder bag.
Puro mga bags binili nila.
Pero ako? binili ko a pair of blue slippers with free id lace pa. Just never mind the brand. Kasi hindi Havainas eh. Pero I believe it's matibay naman eh.

Sixth Stop:Greenwich
Kumain kami xempre. Kasi super gutom na kami. Chicken with spag kinain namin ni Nikki. Si Lilian na naman ang naiiba kasi Spag with pizza sa kanya. Pero hindi niya nakain ang pizza kasi hiningi ng pulubing bata na biglang pumasok dun. At ang ipinagtaka ko lang, sa dinami-dami ng tao na nand'un, siya pa ang natyempuhan ng bata. Siguro nagagandhan ang bata sa beauty niya.

Last stop. Sa bahay na.
Si Nikki, pumunta pa ng SM San Lazaro to meet someone.
Si Lilian, bumalik sa kanyang pinanggalingan.
Pagdating ko sa bahay, all I know is pagod na pagod na ako kaya natulog na lang ako all alone, all night long. At hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari nung araw na 'yon. Basta nagising ako, bukas na pala.

No comments: