Friday, November 28, 2008

Ang life talaga

Taong 2008.Papatapos na ang taon. Papalapit na ang birtdi ko. Madadagdagan na naman ng isang taon ang pamamalagi ko sa mundo ng kamunduhan. Pero sadyang nakatadhana talaga ako na maging ganito sa edad na kasalukuyan. Hindi madali para sa akin ang lahat.Hindi talaga. Mahirap. Ewan ko ba.

Sadyang ganito talaga ang buhay. Sadya nga ba? Basta. Wala akong ginawa all my life kundi ang magtrabaho. Kapagod. As in kapagod talaga. Mahirap talagang kumita ng pera,tol.

Sa bulubundukin ako ng Makati ako nagtatrabaho. Kol Sintir. Ano pa nga ba? Praktikal lang ako, tsong. Sa panahon ngayon, hindi na uso na dapat related sa natapos mo ang work mo. Uso pa ba 'yon? Wish mo lang. Kano lang naman kausap ko. Mga idiot. May tanga din sa kanila, akalain mo 'yon. Dapat ko lang naman silang i-convince na mag-book ng flight,hotel at car. Sapilitan minsan. Pressure sa stats eh. Dapat may booking.Dapat lang. Magagalit si bossing. Eh, ganun talaga. Bahala na si Batman. Sana si Superman ako. Wish nila si Darna na lang daw. Pwede ba?

Kayod sa gabi. Tulog sa umaga. Ganun lagi. Parang aswang lang. Paran callboy. Eh, callboy naman talaga.A boy taking calls. Boy nga ba? Harhar.


Alang pera sa kol sintir pag morning shift, kaya tiis muna sa GY. Puyatan. Mahirap daw sabi ng iba. Well, sanayan lang naman 'yan. Survivor pa rin ako.

Restday ko. Pahinga sana. Pero hindi pa rin. Kelangang mag-review para sa board exam eh. Hindi pwedeng hindi ako papasa. Hindi talaga 'yon pwede. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Para sa future. Dahil marami na akong hirap.Marami na akong isinakripisyo. Magastos ang mabuhay. Pero di bale na. May katapusan din ang lahat. Sa takdang panahon. Sa oras na itinakda. Hihintayin ko 'yon.

Trabaho. Aral. Pagsabayin ba naman. Ang hirap kaya nu'n. Pero ok lang. Hirap muna bago sarap.

No comments: