Wednesday, November 5, 2008

Bakit long call?

Lumapit sa station ko si Sup 1.Tumingin sa akin. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Bakit long call? Ganu'n naman talaga lagi nangyayari...Kapag may long call si agent...pinupuntahan agad...tinatanong.

Me: four reservations,eh .
Sup1: Good Job! (May thumbs up pa!)

Later, lumapit isa na namang sup sa station ko.
Sup 2: Dead air
Deadma. Hindi ako kumibo. Patuloy sa pagpe-present ng hotel info sa mabait na customer.

Later, may inutusan ang isang sup na agent para lumapit. That time, tapos na ang call ko. I'm documenting na.

Agent : Paki-document daw 'yong call u kanina..bakit dead air?

Ang kulit....
Kainis....
Kulang na lang i-release ko 'yong call.
Sila na lang kaya mag-book ng four reservations in one call. Multi-city flight na, international pa with 2 different dates . May 2 cars pa in different locations. May hotel pa sana.
Hindi ko na lang pinilit si customer na i-book ang hotel para matapos na ang conversation namin...

o di ba, andaming pera na ang client?
Hmmp!

No comments: