Monday, December 1, 2008

Ito ang ating Kwento 3: The Farewell

Muli, gaya ng inaasahan ko, may aalis na namang mga housemates sa bahay. As expected, iiwan naman ako. Nakakalungkot. Pero sanay na ako.

Tapos na ang nursing board exam. Panahon na para harapin na nila ang kanya-kanyang buhay sa piling ng mga mahal sa buhay.

Maraming alaala ang hindi ko makakalimutan at hindi pwedeng basta na lang kalimutan sa piling ng mga taong minsang naging parte ng masalimuot kong buhay.

Si Dino ay sinundo na ng kanyang erpat na taga-Congress. Si Dino, parang Indiano 'yan magsalita. Supertahimik sa umpisa, pero hindi nagtagal, naging madaldal na rin at makulit. Mahilig talaga si Dino sa ice tea na walang ice. Ewan ko ba. Isa pa, kapag nagtetext yan, iniingles ba naman ako...Hindi pa naman ako magaling sa Inglis.

Siguradong kapag maingay ang bahay, anjan na talaga si Toffer. Madaldal na masungit. Hindi ko maintindihan ang ugali niya minsan. Kapag supertahimik 'yan, asahan mong wala 'yan sa mood kaya 'wag mo nang istorbohin kung ayaw mong makatikim ng siling maanghang. Lage silang may LQ ni Aaron. Baket nga ba? Ewan ko.

Si Aaron naman. Hay naku.... Favor naman, pare...Pare, bababa ka?....Pare, may ano ka?...Pare, pakiano naman ng ganito ...ng ganyan.. Mga linya n'ya 'yon. Hindi ko makakalimutan ang paraan ng kanyang pang-uutos. Nakakainis nga minsan. Minsan lang naman ha. Pero sa kabila ng lahat, mabait pa rin naman siya. Concerned minsan. Matampuhin...Naalala ko pa ang isang pangyayari na naging dahilang kung bakit hindi kami nag-imikan for 3 days ata. Isang walang kwentang dahilan...Nagtanong lang siya sa akin about something...at dinedma ko lang...Hindi ko alam na na-ignore ko pala ang tanong niya...Kaya hayun..hindi ako kinibo. Pero in good terms na kami since nung umuwi ang ibang housemates sa kani-kanilang lugar at kami lang dalawa ang naiwan sa bahay....alangan naman magdedmahan pa kami ano? Kaya kinain na lang namin ang aming Pride chicken at nag-imikan... un lang naman un...Pero ngayon, alah na siya sa bahay....umuwi na sa kanila and be there forever.

Si Zeus nga pala, umalis na din. Two weeks lang siya sa bahay pero naging good friends naman kami. Mabait. Wala akong masabi. Cute pa. PSP addict...kaya naman medyo kasundo kami ng konti kapag PSP na ang usapan... Thank you sa kanya at nakopya ko ang mga games ng mem stick niya sa'kin. Hehe

Si Angel. 'Yong babaeng Angel ha. Sinundo ng syota niya at umalis na. May tsismis na kumakalat na siya daw ang pantasya ni Toffer? Pero ang totoo niyan, close friends lang talaga sila. Showbiz!

Si Ate Robi ay sinundo ng kanyang whole family. Bongga! Anlaki ng van nila. Wish ko lang, may ganun din ako.Thank you sa kanya at kahit buntis siya at besing-besi sa pagrerebyu ay pinagluto pa rin niya ako ng rice hindi lang once kundi maraming maraming beses.

Si Sunga. Umalis na kasama ang gerlfren. Ash Wednesday daw siya sabi nila. Kasi may something unique sa kanyang forehead. Nagdrama pa siya nang umalis si Zeus...Kasi ala siyang na-arbor sa kaibigan....Nakakatuwa ang drama niya! Thank you din at ipinagbili nila ako ng Shawarma na may hot sauce kaya naman inom ako ng inom ng tubig kasi ang anghang talaga.

Umalis man sila sa bahay, hindi pa rin maiaalis ang kanilang mga alaala na nakatatak sa puso at isipan ko.

Mamimis ko ang kulitan...ang kantyawan...ang lokohan...ang inisan....ang tawanan...ang kalungkutan...ang awayan... ang walang kibuan...ang lahat...

2 comments:

Pau said...

i like it ejay; the evictees. it's so touchy(hehe) and nkkatawa. Bkt wala ako sa mga evictees? hahaha

Anonymous said...

it's all nothing but the truth...
alah ka sa mga evictees? kxe I'm still in the process of looking daring pix mo..hehehe