Sunday, December 7, 2008

Restday

Nakaplano na lahat ng gagawin ko on my restday. Ang sarap ng pamamasyal ko sa mall...window shopping galore.. titingin-tingin..looking for prospective things to buy.

Nang mag-ring ang phone ko. Globe number appeared...Not registered sa CP ko.

Deadma lang. Tuloy pa rin ang paglalakad. Nag-ring uli. Same number appeared.

Sinagot ko na lang. Baka kasi importante. Importante nga. Isang sup, informing me na may pasok daw ako ngayon.

Ano daw? Teka lang,parang mali 'yong narinig ko. It's Saturday, my restday.Pero papasok daw ako. Ano 'to, lokohan?

Na-changed na daw ang rest day ko. Ganun? Biglaan? I wasn't informed the last time na pumasok ako. Tapos ganun? Huh!

Kainis. Marami na akong plans for that day. Marami. Dahil sa isang phone call lang...sira na ang lahat.

Ano pa bang magagawa ko? E, di pumasok na lang. Okey, fine. Umuwi na lang ako. Wala akong nabili. Natulog na lang ako para may energy pagpasok.

Kainis!

No comments: