Monday, December 8, 2008

Ito Ang Ating Kwento 4:Farewell Again

Eto na naman tayo. Ang laging nangyayari ay muli na namang mangyayari. Muli at muli na naman. Ano pa nga ba? May housemates na namang aalis sa bahay. Tapos na ang board exam ng mga Radtech, kaya naman, napag-isipan nilang umuwi na lamang sa kanilang sari-sariling mga tahanan at doon na lamang hihintayin ang pinakaaabangang resulta.

Si Mark na noon ay umalis na at biglang bumalik ay siya namang naunang umalis kasama ang mga katropa. Parang nagbakasyon lang si Mark sa bahay. Sorry to say this pero alam kong wala siyang ginawa buong pananatili niya sa bahay kundi ang maglaro ng PSP.

Si Patrick na wala akong masabi sa kanyang pagka-concern sa kapakanan ko ay umalis na din. Mami-miss ko ang mga sandaling minsan kaming nagkasama at naging mabuting magkaibigan. Wala na tuloy magpapaalala sa akin na kumain na. Hehe.

Si James man ay kasamang umalis. Supertahimik ang lalaking ito na para bang hindi makabasag pinggan pero mukhang nasa loob naman ang kulo.Kapag naririnig ko ang kantang Ngiti ni Ronnie Liang ay naalala ko siya.

No comments: