Tuesday, December 2, 2008

Last Last Back


May naalala lang ako…


Noong unang panahon, noong panahong isa pa akong ulirang guro.
May professional meeting kami noon. Nagkataon na present po ang school director namin.

Tinanong niya ang isang co-teacher namin in her mid-forties: “Hindi ata kita nakita sa seminar.”

I forgot the exact lines,eh. Basta the idea is there!“I was there, at the back,”sagot naman ng co-teacher namin. Spokening dollar kami noon kasi nga may suot kaming pin na may nakasulat: I’m a Rafaelian. Speak to me in English.

“I was at the back too but I haven’t seen you there.” sabi ng school director.

She insisted na andun talaga siya kaya with great conviction and matching body action, sabi ng co-teacher namin. “No! I was there. I was on the last last back!”

Ganun! Nawindang ako…kaming lahat pala. Sumakit talaga ang tiyan ko sa katatawa while on the meeting…after the meeting…….. hanggang ngayon sa tuwing naalala ko ang patawa niyang linyang iyon.

No comments: