Sunday, April 21, 2013

TIRADOR: Isang Kwento Tambay 2


Nagtext si Ryan kay Jomar. Hindi ko na naitanong kung tungkol saan. Basta bigla na lang napasugod sina Jomar at Ace sa bahay ni Ryan. Ako man ay walang ideya sa nangyayari pero napasunod na rin ako sa nagmamadaling dalawa.

Sunday, April 14, 2013

Salamat, Pasadoako.com

Ngayon ko lang 'to nalaman.  May website na bumabati sa lahat ng pumapasa sa board exam at 'yan ang www.pasadoako.com.
 
At ito ang para daw sa akin. Di bale ng malaman ang pangalan ko sa totoong buhay.
 
 
 
Salamat sa pabati. Sobra lang namang na-appreciate ko ang thought ng nakaisip na gumawa ng site na ito. Kung wala kang pamilya at kaibigan na babati sa pagkapasa mo, h'wag kang mag-alala dahil  andyan naman ang pasado.com. Haha.
 
 
Muli, maraming salamat, Pasadoako.com!

Saturday, April 13, 2013

TIRADOR: Isang Kwentong Tambay 1

Lagi akong nagigising pgsapit ng hatinggabi. May kung anong hinahanap ang aking katawan. Nauuhaw ako pero hindi tubig ang kailangan ko. Hindi rin dugo. At lalong hindi alak. Dahil ang kailangan ko ay gatas. ‘Yung hindi mainit na gatas. ‘Yung malamig na malamig na gatas. Yung galing sa dede ng cow. ‘Yung nabibili sa suki kong convenience store sa may bandang C5 road na Treats (na ewan ko ba kung bakit Food Avenue na ngayon).

Friday, March 15, 2013

Hanggang sa Susunod!

Ilang buwan na rin akong hindi nakakapag-post ng blog entry.  Anyare? Maraming nangyari. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Basta sa ngayon, alam kong napagtagumpayan kong labanan si Kamatayan.  Hangad ko lang naman na maibalik na sa dati ang lahat. Sobrang hirap na hirap na hirap na ako sa mga pangyayari.  Salamat sa Diyos na hanggang sa ngayon ay nagagawa ko pa pala ang mga normal na bagay na ginagawa ko noon bago mangyari ang isang hindi kanais- nais na eksena ng buhay ko.

Paalam na sa lahat.  Baka kasi eto na ang pinakahuli kong post. Pero sana naman hindi pa.   Ayoko pang matapos ang kwento ng buhay ko. Salamat sa lahat ng mga taong nakasalamuha ko sa loob ng dalawampu't pitong taon dito sa mundo.  Hanggang sa susunod na paglalakbay, kaibigan. Kitakits na lang tayo sa kabila.

Sunday, August 12, 2012

Habagat Days

Nitong nakaraang mga araw ay hindi maganda ang takbo ng panahon sa buong Kamaynilaan at sa iba pang bahagi ng Katagalugan. Wala naman daw bagyo ayon sa PAG-ASA. Pero matindi pa rin ang hagupit ng hanging 'habagat'. Feeling n'ya kasi bagyo siya. Dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, marami sa ating mga kababayan ang apektado.

Thursday, July 26, 2012

Ang Nawawalang Pedestal

Umagang-umaga ay 'yon agad ang aking napansin. Parang may kulang. Parang may nawawala. And oh no, 'asan ang pedestal ko dito?

Ganito kasi 'yon.
Lunes, nilipat ko ang pedestal 124 sa bago kong relocation area.
Martes, napunta sa kung kaninong pwesto kaya kinuha ko ulet at dinala sa pwesto ko
Miyerkules, nawawala na.
Huwebes, nawawala pa rin at kasalukuyan kong pinaghahanap
Biyernes, sana mahanap ko na

Wednesday, July 25, 2012

IQ Test

Sagutin ng matino at matapat ang mga sumusunod na tanong:

1. Nag-away kayo ng kaibigan mo, ano ang gagawin mo para maibalik mo ang dating sigla ng Mindanao?

2. Naiwan mo ang I.D. mo sa bahay, ano ang sasabihin mo sa guard para i-follow ka niya sa twitter?

3. Sa sitwasyon ng gobyerno natin ngayon, may pag-asa pa bang tumamis ang asin?

4. Oo o Hindi. Ano ang nararamdaman mo ngayon?

5. Libing ng pusa mo eh may outing ang barkada mo, ano ang una mong isusuot? Pantalon o t-shirt? At baket?

Tuesday, July 24, 2012

Nawawalang Isda

Litratong nakaw sa di ko na matandaan kung kaninong facebook account

Hay salamat! At sa wakas, nahanap na rin ang apat na nawawalang isda.

Sunday, July 22, 2012

Tag-ulan


Larawang nakaw sa http://www.ekstranghero.com/
Ano na naman itong lagay ng panahon sa Pilipinas? Parang si Pokwang lang, hindi maganda.

Isang mahalagang paalala, hindi pwedeng balewalain. Kung wala namang importanteng lakad, mainam na manatili na lang sa bahay.  At kung may importanteng lakad, 'wag kang magpapigil sa ulan at bagyo. Iwasan lang maging basang sisiw baka ikaw ay magkasakit. H'wag lang kaligtaang magdala ng payong o kapote, ekstrang damit, ekstrang panty o brip, salbabida, ekstrang payong at extrang condom.