Paano ko nga ba makakalimutan ang araw na ito? Andaming nangyaring maganda at hindi maganda sa buhay ko at sa buhay ng mga taong interesado sa buhay ko. Hahahahaha
Mahimbing ako natutulog--all alone sa room ko---at nagising na lang ako dahil nagri-ring ang hindi naman kagandahan kong cp. Hindi nakaregister sa phonebook ko ang number ng tumatawag. Sino kaya ito? Nag-isip ako.
Si K-Ann pala, officemate ko na hindi ko pa nakikita eversince nagbakasyon siya sa Bicol ng couple of weeks. Sasama ba daw ako sa breakfast ng team namin sa Something Fishy? I said yes. Nakakahiya naman siguro sa buong team if hindi ako sasama kaya go go go pa rin anuman ang mangyari.Kahit super antok pa ako, nagsimula na akong mag-ayos ng sarili para ready to go na.
Quarter to nine na ako nakaalis ng bahay.Sumakay ako sa tren at bumaba ako sa may Araneta Cubao. Naglakad pa ako upang hanapin ang Ali Mall, ang pinakachakang mall na napuntahan ko all my life sa Pilipinas.Kasi once makita ko na ang Ali Mall, alam ko na kung saan ako sasakay papuntang Libis.Kung anu-anong mall pa ang nadaanan ko gaya ng Isetann, Shopwise at SM bago ko nahanap ang Ali Mall. Gosh, ang sakit na ng paa ko sa kalalakad at masakit na ang heat ng sun na tumatama sa kayumangging kaligatan kong balat. Hehehe.
Nakasakay na ako sa jip. Supertraffic sa daan. Hindi ko alam kong may aabutan pa akong teammates sa Something Fishy. Nag-tetext na si Mary May at Ellen sa akin if where on earth na daw ako. Kulit nila. Siguro miss na nila ako kasi ako na lang daw ang wala dun.
Si Mary May nga pala ang officemate kong hanggang sa ngayon ang hindi ko pa alam kung ilang taon na. Isang napakalaking lihim ang kanyang edad. Well, nirerespeto naman namin 'yon!
Si Ellen pala ang babaeng easy go lucky lang...parang wala lang sa kanya ang lahat...parang walang pakialam sa mga nangyayari sa mundo.
Sa wakas, nakarating din ako sa destinasyon na safe and sound. Late nga ako. Tapos na silang kumain. Gutom pa naman ako. Pictorials lang ang nangyari sa buhay ko sa Libis dahil ilang sandali lang ay nagsipag-alisan na rin kami. Na-appreciate ko naman ng sobra ang gift sa akin ni Debs na Logitech Speaker. Pangarap ko talaga 'yon eversince. Para 'yon sa PSP ko, portable dvd at i-pod. O,di ba? Pero ako, hindi pa ako nakapagbigay ng gift sa dapat kong bigyan. Pano ba naman kasi. Request niya original battery at charger ng cellphone. Nag-inquire ako sa mall at halos malaglag ang isa kong kilay sa mahal ng presyo. Kaya hindi ako bumili.
Umalis na kami sa Libis. Take note na gutom pa ako ha. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na sumama kina Mary May sa lakad nila. At ang tagal naming nakasakay sa sobrang dami ng mga pasahero. Holiday kasi. Ako, si Mary May, Ellen, Carleen at Debs, sumakay na kami ng jip papuntang Cubao. Haaay...supertraffic talaga ha. Sira ang mga poise namin lalo na't wala na akong maupuan sa jeep. Ang nangyari,umupo na lang ako sa lap ni Ellen. Nakakahiya. Pero mabuti na lang at hindi nagtagal naisipan ng isang pasahero na bumaba. Naawa siguro sa kalagayan ko. Pero kahit nakaupo na ako, halos malaglag pa rin ako sa inuupuan ko sa sikip. Gosh talaga. Parang ayaw ko ng bumalik pa sa lugar na 'yon.
At sa wakas, nakarating na kami sa Cubao. Si Debs, sumakay na ng taxi pauwi sa kanila. Si Carleen, umalis na rin pauwi. Kami na lang ni Ellen at Mary May ang naiwan at pupunta daw kami sa SM Megamall kasi andun daw si Rhona, ang isa pa naming officemate na naghihintay. Well, bahala na sila kung saan sila pupunta basta sama ako sa kanila.
Naglakad kami ng malayo. Ewan ko ba. Mahirap sumakay. Mahirap makakuha ng taxi. May nakuha kaming taxi, sumakay kami at napag-alaman naming wala palang meter ang taxing 'yon at hinihingan kami ng malaking bayad. No way! Bawal 'yong ginagawa niya. Kaya bumaba na lang kami. Pasalamat si Manong driver at hindi namin nakuha ang plate number ng taxi niya para isuplong sa mga kinauukulan.
And then we wait and wait.Mabuti na lang at may nakuha kaming taxi sa dako pa roon na naghatid sa amin sa Megamall.
Sa Megamall, andun na nga si Rhona, naghihintay sa may upuan. At may katabi siyang guy. Akala ko boyfriend niya, hindi pala. Hindi pala niya kilala ang guy na 'yon. Hehe.
Namasyal lang kami. Nagpapagod. Window shopping. Basta. Pictorials din. Hehe. Take note, gutom pa din ako. Hehe. Kaya, hindi na talaga pwedeng hindi kami kakain. Kaya pumunta kami sa isang restawran na alam ni Rhona.
Sa Cabalen. Eat all you can. Well, go na kami du'n kasi super gutom na. Nang itinanong namin if magkano ang bayad.... Nalaglag ang isang kilay ni Ellen, pupulutin daw muna niya. Mahal kasi.Hehe. Pero ok lang. Paminsan-minsan lang naman eh. Pagkatapos, kumain, gumala na kami sa buong mall.
Matapos ang lahat ng pagpapagod sa mall, pumunta ako sa bahay nina Mary May. Wala lang. May ibibigay daw siyang gift sa akin. Wow, supertouch naman ako nang ibigay niya sa akin ang Baby blue na blanket. Ambaet talaga niya. Matagal ko ng pangarap magkaroon nu'n.
Umuwi na ako at natulog at pumasok sa work.