Thursday, October 30, 2008

Engr. Allan Bustos


CONGRATULATIONS


to

255. BUSTOS, ALLAN CAPONPON

for successfully passing the ECE Board exam held

on October 25 & 26,2008.





It's a great achievement!!


Greetings from:

eJay

Wednesday, October 29, 2008

Housemates, Ito ang Ating Kwento.

ANG SIMULA

Sa pakikipagsapalaran ko sa Maynila, ang kwento ng aking buhay ay nagpatuloy hanggang sa mapadpad ako sa isang apartment somewhere in U-belt area. Mas pinili kong manirahan sa parteng 'yon ng Maynila para malapit lang sa review school na aking pinapasukan. Mahirap pagsabayin ang trabaho at review pero naka-adjust din ako kasi mabait ako.


Sa apartment, marami akong naging kaibigan at nakasalamuhang tao na may sarili ring kwento ng buhay. Kasi nakilala nila ako, may role na sila sa kwento ng buhay ko. At hindi na maitatanggi ang isang nagdudumilat na katotohanang part na sila ng kwentong ito.

Nais ko munang ipakilala ang mga taong una kong nakilala sa pamamalagi ko sa apartment.


Si Ate Jane. Siya ang lessee ng apartment na 'yon. Nire-rentahan niya 'yon para iparenta din sa iba. Isa din niyang Accountancy graduate at ayon sa kanya, nag-take siya ng board exam pero hindi pinalad na pumasa.

Si Mae. Jennifer ang tunay niyang pangalan. Siya ang una kong nakausap nang una akong pumunta sa apartment para mag-inquire. Siya ang sumagot sa lahat ng mga tanong ko tungkol sa apartment.

Si Pinky. Jacqueline ang tunay niyang pangalan. Hindi ko makita ang koneksyon ng kanyang tunay na pangalan sa kanyang palayaw. Siya ay palaging naglalaro sa PSP ko kapag wala siyang ginagawa. Minsan, pinagpupuyatan niyang laruin ang mga games doon.

Si Terrimar. Minsan ko lang siyang nakakausap kasi palagi siyang wala. Hindi ko alam ang kwento ng buhay niya, basta ang alam ko, nag-rereview siya sa Besavilla at nagbabalak na kumuha ng board exam for Civil Engineers sa darating na mga buwan. Kasama niya sa room ang dalawang babae, sina Georgette at Shiela sa first floor.

Si Georgette at si Shiela. Reviewees din sila sa isang review center at gaya ni Terrimar, nagbabalak ding kumuha ng board exam for Civil Engineers. Hindi ko masyadong kabisado ang kwento ng buhay nila dahil minsan ko rin lang naman silang nakakwentuhan.

Nakasalamuha ko rin ang mga Accountancy graduates ng Saint Vincent's College of Dipolog City. Ang room nila ay katabi rin ng room ko sa 3rd floor ng aparment. Hindi pa kami masyadong close sa umpisa. Ngitian lang, hi's at hello's ang lagi naming communication.

Si Angel. Magna Cum Laude graduate. Lalaki siya o babae? Ayoko siyang husgahan basta ang alam ko ang talino niya.

Si Paul. Cum Laude. Matalino din. Halatang bakla pero mabait at mahilig magpatawa.

Si Gianni. Cum Laude din. Hindi siya bakla. Tawag namin sa kanya ay Buang na ang ibig sabihin sa bisaya ay baliw.

Si Razel. Cum Laude. Maganda na, matalino pa. Nanalo siya as Ms. Air sa search ng Ms. Earth 2008. Minsan ko lang siyang nakausap kasi laging wala at laging busy sa career niya as a beauty queen.

Si Ivan. Basta, pangalan lang niya ang una kong natandaan no'ng nagpakilala silang lahat sa akin.

Si Terrimar, Shiela at Georgette ang umookupa sa isang room ng first floor. Sina Mae naman at Pinky sa sa second floor. Sina Angel, Paul, Gianni, Ivan at Razel ang orihinal na nakatira sa katabing room ng room ko. Basta ako, isa lang ang masasabi ko, ako lang ang mag-isa sa room ko at that time. Boring. Malungkot. Pero ayos lang ang mag-isa. Kasama ko naman ang PSP ko at Portable DVD player sa lungkot at ginhawa.

MGA BAGONG KASAMA

Nagdaan ang ilang mga araw ay napag-alaman ko na lamang na may darating daw na makakasama sa bahay. Well and good for Ate Jane kasi dadami na kami at medyo okey na rin ang kikitain niya.

Still, from Dipolog City dumating sina Lorbie at Claudine na kapwa nanggaling sa ibang dormitories. Dumating din si Colleen. Dumating din si Jay-Are.

Si Lorbie. Unang kita ko pa lamang sa kanya ay dinedma ko lang. Hindi kasi ako 'yong tipo ng taong namamansin sa hindi pa kakilala. Nakaupo siya sa may hagdan noon habang may kausap ata sa phone. "Excuse me" 'yon lang ang sabi ko at saka dumaan. 'Yon ang first encounter namin.

Si Claudine. Basta ang alam ko, nag-leave lang siya from work in Dipolog para bigyan ng focus ang review.

Si Colleen. Cum Laude.Matalino din siya. Siya na lang ngayon ang nag-iisang babae na nakatira sa 3rd floor. Hindi na rin kasi nagpakita pa si Razel maybe because busy sa career as a beauty queen titlist.

Si Jay-are. Ang kauna-unahang naging kasama ko sa room. Lumuwas siya sa Maynila para sa isang training somewhere in Cavite. Siya ang cook namin sa bahay kasi marunong siyang magluto.

Si Marcelino. Ang pangalawang kasama ko sa room.Friend siya ni Georgette na nagrereview din para sa board exam ng Civil Engineering. Wala siyang ibang ginawa in life kundi ang mag-aral nang mag-aral. Halos madaling araw na siyang natutulog at ang aga niyang gumising. Wala pang isang buwan ay umalis na siya sa bahay kasama si Georgette. Si Shiela din ay umalis na rin.Hindi ko man lang sila naging close.

Si Ate Robi. Siya si Robinita.Hindi naging hadlang para sa kanya ang pagiging buntis at pagiging may-asawa para umattend ng review classes. Pharmacist 'yong course niya at sa January 2009 na ang board exam niya.

Si Angel. Kung may baklang Angel, meron din namang tunay na babae. Supposed to be, kasama siya nina Claudine, Lorbie at Ate Robi sa second floor. Kaya lang, wala pang available bed na pwede niyang higaan du'n. Kaya ang nangyari, sa room ko siya natutulog. At si Jay are, sa kabilang room ng third floor, sa space ni Razel, at ako...well and well...sa 2nd floor, sa sahig. Okey lang kasi may maganda naman akong air bed. Pero naging back to normal naman ang lahat pagdating ng araw. Bumalik na siya sa 2nd floor where she belong.

Sa kabilang room ng 2nd floor ay mayroong dalawang nilalang na super-tahimik at feeling ko na hindi nag-eexist sa bahay na 'yon kasi I am not seeing an instance na nakisalamuha sila sa ibang housemates.

Si Pong. Hindi ko talaga alam ang tunay niyang pangalan. Hindi ko siya nakakausap ever. Minsan lang din kasi kaming nagkikita. Basta ang alam ko about him, nag-aaral siya sa UE. At isa pang alam ko, crush siya ni Pao.

Si Ronald. Ang alam ko sa kanya, working siya sa Landbank as a Programmer. Minsan ko lang siyang nakakwentuhan at wala akong masyadong alam sa buhay niya.

Bukod kay Jay-are, may bago na naman akong kasama sa work. Sina Toffer at Dino. Graduate sila ng Nursing sa Batangas at lumuwas sila ng Maynila para umattend ng review classes sa RCAP.

Si Toffer. Sa simula pa lang, napansin kong madaldal talaga siya. Marami siyang kwento. At nakakatawang magsalita marahil siguro sa accent niya na BatangeƱo. Pero okey naman siya, maayos makisama. Ibinsagan niya akong Zuneo, isa daw 'yong cartoon character. Ayon sa kanya, si Zuneo daw ay tumatayo ang buhok katulad ko. Okey. Isa pang alam ko, may lihim ata siyang pagtingin kay A****. Hindi ko lang sure, pero malay ko sa kanya.

Si Dino. Siya naman ang kabaliktaran ni Toffer. Tahimik lang siya at palaging nag-aaral. Pero hindi nagtagal naging madaldal na rin ng konti. Nahawaan siguro ng kadaldalan ni Toffer at ng iba pang housemates. Mina-match namin siya kay Lorbie kasi laging naghihingi ng pagkain si Lorbie sa kanya. Ang sweet nila!

Dumating din si Cherry, ang babaeng may boyfriend na nagtatrabaho sa Sitel. Nakausap ko nga minsan bf niya ang kwentuhan lang kami about buhay call center. Hindi nagtagal, bigla na lang lumisan si Cherry sa house na wala man lang pasabi. Hindi ko alam kung bakit.Siguro mag-aasawa na.

Lumipas ang ilang linggo, nadagdagan na naman kami. Tatlo sila. Nagmula sa lalawigan ng Pangasinan.Mga future Radiologist ang mga ito!

Si Patrick. Medjo chubby siya kaya dream niya ang magpapayat. Well, medyo successful naman siya sa kanyang misyon dahil ayon sa kanya, nababawasan na ang kanyang weight.

Si Mark. Mas chubby siya kay Patrick. Lagi kong napapansin, minsan lang siyang nag-aaral. Ewan ko sa kanya.Hindi niya tinitigilan ang PSP ko hanggang sa ma-low bat.

Si James. Dalawang araw lang ata siyang nag-stay sa bahay dahil sa hindi kanais-nais na pangyayari. Akalain mo ba namang na-resked ang start ng review class nila sa isang review center kaya umuwi na lang siya sa kanila. Si Mark at Patrick ay nagpaiwan kasi nag-paenroll sa ibang review center.Kaya un. Nakakwentuhan ko pa si James bago umalis,nakuha ko pa cp number niya at friendster account. Marami akong nalaman tungkol sa buhay niya na medyo madrama ng konti. Nakita ko friendster niya after how many days, sa photos, napag-alaman ko na sumali pala siya sa isang beauty contest...

Sa 2nd floor, may bagong dating, galing Dipolog. Napapansin kong nasasakop na ang buong apartment ng mga taga-Dipolog ah at puro mga Accountancy grad. Pero okey lang mabait naman sila at masayang kasama.Matatalino pa at masasarap daw.

Si Ate Amay. Dumating siya kasama ang asawa't anak sa bahay. Well, mag-rereview din pala siya. Okey. Hindi nagtagal, umalis na din ang kanyang asawa't anak at nagpaiwan sa piling naming lahat.

At may bago na namang dating!

Si Aaron. Pinaka-latest na dumating sa bahay si Aaron. Roommate ko siya. Well, from Batangas siya, nursing grad at nag-rereview din. I don't want to say more things 'bout him...ayoko lang. Basta.


ANG PAGLISAN

Masakit pero kailangan mong tanggapin ang nagdudumilat na katotohanang ang mga taong minsang naging parte ng buhay mo ay bigla na lamang mawawala sa isang iglap. Hindi man ginusto subalit kailangan ng pagkakataon. Ang kanilang paglisan ay sadyang nakatakda na at hindi na pababago ng panahon. Buhay boarding house nga naman! Sadyang may darating, at aalis. Ganun talaga eh.

Inumpisahan ito ni Jay-are, na ngayon ay nasa Cavite para sa kanyang training. Hindi ko alam kung anong training ang pinasok niya. For abroad ata siya. Well, good for him at least may direksyon na ang buhay niya. Wala na kaming communication ever since na umalis siya. Bawal ata cellphone sa training niya.

Si Dino naman ay hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit umalis. Basta, biglaan ang kanyang pag-alis. Siguro nagseselos siya kasi may bago ng buddy ang bestfriend niyang si Toffer. May kinalaman kaya ang pagdating ni Aaron? Hindi ko alam.

Lahat ng taga-Dipolog ay nagsialisan na din. Wala ng nagpaiwan. Ni isa. Nagsiuwian na sila sa kanilang pinanggalingan matapos mag-take ng exam at malaman ang results. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang mag-work sa Maynila. Maganda naman dito.Masaya at challenging ang buhay. Si Paul, Angel,Angel, Ivan, Colleen, Claudine, Ate Amay,Lorbie ay nagsipag-uwian na sa kanila samantalang si Gianni ay tumira na sa bahay ng pinsan somewhere in QC. Sa lahat, si Angel lang ang pumasa. Pero owkie lang 'yon, eh ganun talaga ang buhay. Better luck na lang next time sa mga hindi pumasa. Hehehe!

Si Pong naman ay umuwi ng probinsya kasi sembreak na. Naiwan na lang si Ronald kasi may work pa ito.

At ngayon, ako, Si Patrick, Mark, Toffer at Aaron na lang ang naiwan sa third floor. Si Angel at Ronald sa second floor. Si Ate Robi, Si Terrimar at ang kanyang mga kaibigan na di ko kilala ang nasa first floor. At meron pa, si Auntie Charlie pala, ung mukang dragon na bagong katiwala ng bahay.

At balita ko ay marami pa daw darating sa November. Well, abangan na lang natin sila. At i-welcome natin sa kwentong ito!

Thursday, October 23, 2008

Housemates' Exodus to Dipolog

I can't recall exactly how we started our friendship. All I know, we became friends because we're housemates and our rooms are adjacent. We speak in the same dialect, share common interests, finished the same profession, reviewing in the same review center and aiming to get the most coveted license as a Certified Public Accountant. We exert effort and time to study hard our lessons, we spent so much money for our tuition fees, food, board and lodging , we sacrifice being far from our families and friends.

All these, for one common denominator, to be a Certified Public Accountant.

It has been declared the lucky ones who passed the board exam. It is fortunate for Angel who's all the efforts and sacrifices are rewarded and now a CPA. For the rest who did their best ,but to no avail, I'm not considering you unfortunate, maybe God has some other plans for all of you. I'm not considering myself unfortunate too, even if I wasn't able to take the board exam for some reasonable reasons. We'll just have to pray always to God for our success in the future.

I know the inevitable fact that time will come that you will leave the house, leave me and continue with your life somewhere else. And that time has come! It is sad to know that the likelihood of seeing you in the future is remote. Your stay in the house is over. Our review is over.

I'm gonna miss you all. It would be the best friendship I ever had. I'm glad I do have friends their in Dipolog City. I learned a lot from you guys. You are all the best.

Angel, Pao, Ivan, Colleen, Gianni, Lorbie, Claudine, Ate Amai....I wish you all the best...I'll never forget you...

Kalusugan at Call Center


I've got this from http://www.abante.com/. I believe it could be true.

Kalusugan at Call center
by Susan Fernandez


Naging patok sa mga bagong graduate sa kolehiyo ang pag-usbong ng mga call center sa bansa. Ito ang mga pasilidad na nagseserbisyo sa mga kumpanyang karamihan ay base sa Amerika. Palawak nang palawak ang industriyang ito na umaakit sa mara-ming bagong empleyado. Malaki kasi ang sweldo kahit unang karanasan sa pagtrabaho ang pagiging call center representative.
Minimal ang rekisitos para matanggap dito. Dapat mahusay mag-Ingles at medyo tunog Kano ang pananalita. May tiyaga makitungo sa mga dayuhang customer sa telepono at marunong umasikaso ng mga hiling nila. Ngunit ang oras ng pagtrabaho ay tinatapat sa oras ng negosyo sa Amerika. Kaya naman mula ika-9 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga ang iskedyul ng pananatili sa opisina.

Dala marahil ng ala-nganing oras, may mga balitang lumalaganap ang sari-saring karamdaman sa mga empleyado ng call center. Tila kinakapos sa tulog ang karamihan at di rin maasikaso ang disenteng diyeta sa magdamag. Malamang nahihirapan ang marami sa pagpalit ng mga gawain sa araw at gabi. Di rin ganap na nababawi ang tulog sa araw.
Ang kakulangan sa pagtulog ay humahantong sa malawakang paghina ng sistema ng depensa sa ibang karamdaman. Kapag di rin matutukan ang disen-teng pagkain, maaaring madapuan ng mga sakit sa tiyan tulad ng gastroenteritis o ulcers. Isang ospital ay nag-ulat na mula 10 hanggang 14 na taga-call center ang dumulog sa kanila dala ng reklamo sa katawan.
Nakababahala rin ang mga ulat na nagiging adik sa yosi, kape at alcohol ang mga taga-call center. Ang mga ito’y nagiging panlaban nila sa antok, sa alanganing oras ng trabaho at sa inis sa makukulit na customer. Nagbigay daan ito sa pagbukas ng ilang negosyong tutugon sa kanilang mga adiksyon sa alanganin ding mga oras ng buong gabi at madaling-araw.
May ilang kwento ng mga malalaking pagbabago sa estilo ng pamumuhay ng mga call center employees. May bagong mag-asawang parehong nasa call center. Napipilitan silang mag-date na lamang sa almusal sa umaga. Katumbas ito ng hapunan sa gabi dahil oras ng paglabas nila sa call center.

Sa aming kapitbahay, madalas may nagbi-videoke sa madaling-araw. Minsan narinig ko ang malalakas nilang birit nang ika-6 ng umaga. Wala yatang nagpaalala sa kanila na matinding istorbo ang hatid nila sa iba pang kalapit-bahay. Kutob ng mga anak ko’y mga ahente sila ng call center. Ang umaga nila ay katumbas ng gabi ng normal na oras ng pagtrabaho. At sa gabi ang paminsan-minsang pagrerelaks at pagliliwaliw mula sa pagod.
May ilang kumpanyang balak magresponde sa masalimuot na kalagayang ito. Isa sa iniisip na proyekto ay magtayo ng country club para sa mga call center agents. Ang pasilidad ay tututok sa kabuuang katiwasayan ng kalusugan ng mga ahente.
Panukala ng kumpanyang ito na sana’y mag-alay rin ng suporta sa mga call center ang ibang pasilidad tulad ng spa, gym at mga fitness center. Maaari nilang dagdagan ang oras ng operasyon upang masakop ang alanganing oras ng pagtrabaho sa call center. Ang totoo’y ginagawa na nga ang suportang ito ng ibang establisimiyento tulad ng mga kainan na nananatiling bukas magdamag.

Naniniwala akong dapat seryosong pansin ang ibigay sa kalagayan ng kalusugan sa ating mga call center. Mapanganib sa katawan ang pagkait ng tulog sa takdang oras ng pagpapahinga. Ayon sa mga doktor, ang katawan natin ay dapat ganap na nagpapahinga mula 11 ng gabi hanggang 3 ng umaga. Ito na ang pinaka-importanteng apat na oras ng pahinga.
Hindi rin daw talagang ganap na nababawi ang puyat sa pamamagitan ng pagtulog buong araw. Malimit mapupunang matamlay pa rin ang pakiramdam matapos itulog ang puyat sa buong umaga hanggang tanghali o hanggang hapon. At may ilang araw ang dadaan bago tuluyang bumalik sa normal ang sistema ng katawan.
Sa dami ng kabataang naaakit sa malaking sahod ng call centers, malamang na dumami rin ang kabataang may di kanais-nais na kalagayan ng kalusugan. Ang delikado rito ay baka tuluyang mapinsala ang kung anu-anong sistema ng katawan dahil sa malawakang paghina ng pandepensa. Maaaring manatili ang mga karamdaman hanggang sa pagtanda at tuluyang maaapektuhan ang pagiging produktibo ng pag-asa ng bayan.

Wednesday, October 22, 2008

The Most Makulit Guy

I met a guy who's kakulitan is unstoppable.In fact, his one of my roommates. I don't know what's in him that I always feel this inis feeling towards him. He's a nurse and should act according to his profession but he acted more like a kid. He's so makulit and should I say, the most makulit guy I've ever known in my life.

I hate him as much as I hate pimples. At alam niya 'yon! But it seems he's not even affected with that fact. I just want to see him angry so I did things that I believe makes him feel that way, but to no avail. I have this feeling that he don't really know how to feel that way.

Well, my life goes on with the presence of this super kulit guy.....
What else can I do?

Tuesday, October 21, 2008

Where's my Birth Certificate?


Hindi ko alam kung pa'no. Basta nagulat na lang ako isang araw nang malaman kong hindi pa pala ako kasama sa bilang ng populasyon ng bansang Pilipinas. Mahirap isipin. Mahirap tanggapin. Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraan at ibulong sa aking mga magulang na ipa-rehistro ang aking pagsilang ay sana ginawa ko na. Pero hindi,eh. Wala akong kakayahang balikan ang nakaraan at hindi ko kayang baguhin ang mga naganap na.

Hindi ko sinisisi ang dapat sisihin sa sana'y noon pa ay nagawa na. Ang tanging magagawa ko na lamang ay solusyunan ang problema na dulot ng isang kapabayaan sa mundo ng nakaraan.Hindi ko lubos-maisip na nabuhay ako hanggang sa kasalukuyan na dala ang masaklap na katotohanang ako ay isang nilalang na isinilang na walang katibayan ng kapanganakan.

Isang problema na nagbunga ng maraming problema sa loob ng mahigit dalawang dekada.Tinapos ko ang kolehiyo na hindi man lang nakapag-sumite ng katibayan ng kapanganakan sa iskul. Nakapagtrabaho ako't naging guro, nag-aral ulit hanggang sa dumating ang oras ng aking pagbibitiw sa unang trabaho, nakapagtrabaho ulit at muling nag-aral hanggang dumating sa planong kukuha sana ng board examination. Pero wala pa rin. Gustuhin ko mang maabot ang isang pangarap na bituin ay malabong mangyari kung hindi ako kikilos. Kung hindi ngayon, kelan pa? Kung hindi ako, sino?

Sabi nga nila, ang lahat ng problema ay may solusyon. Biruin mo't matapos akong magdiwang ng dalawampu't dalawang kaarawan sa buhay ko bilang ganap na tao ay saka lamang mabigyan ng isang resolusyon ang isang noon ay napakalaking problema.

Hindi biro ang lahat ng naganap. Ayon sa registrar na nakausap ko sa Pasay, dahil wala akong maipakitang kontrata ng pag-iisang dibdib ng aking mga mahal na magulang (hindi kasi sila kasal,eh), mahihirapan akong asikasuhin ang lahat na mag-isa (nasa probinsya kasi sila). Humingi ako ng magandang opinyon kung ano ang nararapat kong gawin. Well, out of town registration daw ang solusyon. Sa awa ng Poong Maykapal, naging maayos naman ang takbo ng lahat.

Sa kasalukuyan, inihanda ko na ang aking sarili para sumabak sa isang napakahirap na board examination na gaganapin sa darating na May 2009.

Sana. At sana lang naman po. Mapabilang ang pangalan ko sa listahan ng mga papasa para maging masaya ang buhay.

Marian Rivera's Close Relative


Jose Sandino Rivera, my housemate who claimed to be a close relative of the well-known actress in the Philippine showbiz industry, Marian Rivera, decided to leave the house to fly back home in Batangas. Though his review classes is not yet over but he already bade his farewell last October 18.

Well,we kinda sad for his sudden departure from the house. We will surely miss his company. He've been a good friend with a good sense of humor.

Monday, October 20, 2008

Angel Dy Calaguian,CPA



Congratulations

to


CALAGUIAN, ANGEL DY



for successfully passing the very difficult October 2008 CPA Board Examination.




Greetings from your cute friend and housemate,

ejay








For the rest of my housemates & friends who didn't make it....

Pau,Gianni,Ivan,Colleen,May2x,Apple,Kate,Lindy,Emerald,etc




Guyz, better luck next time...

We will surely pass the May 2009 CPA board exam

Friday, October 17, 2008

CaliRoma at Somethin' Fishy


Well, pumunta lang namin kami sa Somethin' Fishy somewhere in Eastwood, Libis. It's my first time to make punta there...Kasi the last time,member pa ako ng T-renz nun, Renzacola na pala teamname nila ngaun.... makakapunta na sana ako kaya lang.......just never mind.

Of course, kainan to the max lang ang nangyari, may kwentuhan, at xempre hindi mawawala jan ang pictorial.....





PICTURE...PICTURE....


Here are some of our photos...


































sarap ng kainan.....til nxt tym....



Thursday, October 16, 2008

Earl Never Go

Earl Never Go far away from me.......
This line of a song reminds me of someone way back my college days. Every time she is seeing me, she always sing this song for me.

I love the song....

I'll Never Go
by Erik Santos


You would always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know

Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know

[Chorus:]
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you

Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know

[Chorus:]
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you


[Chorus:] [2X]
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you

Wednesday, October 15, 2008

Bakit "Single" Ang Status Mo?

Kaya heto ako at sasabihin ko sa inyo ang ilang mga rason kung bakit.

11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay “Destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in life”.. ayannn… kapapanood nyo ng “Serendipity” eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa kanila, such a cliche.. hindi ba nila alam na kung walang effort destiny is useless.

10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget.
meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. ung gusto mo halos magtambling ka pero deadma parin yang stunts mO sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?

9. Busy Busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for awhile.

8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA ! Oi lakasan mo ang loob at baka mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho kayong naghihintayan. . hmmp!

7. Born-to-be-one (Authestic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Asa kang tatanggapin ka pa noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino nalang basta no string attach. For fun lang daw… Walang halong seryosohan. ABA hoy! yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata pa kasi ako o kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwwwwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod.

3. Si parents kasi!
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi kayo bagay. langit at lupa kayo. Awwwww.
Payo ko sayo, Pakialam nila diba? Palibhasa inggit!

2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na!!! takot na ako mangyari pa ang nangyari dati! O diba ang drama ng layp? Yes, tama ka. Eto yung dahil sa past relationship mo, e until na ayaw mo ng magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!, ano pa ba? Madami yan wag na nating isa isahin at baka tumulo si tears heheh Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at hijo. Ibat iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may matamis at may maasim. Aba mapalad ka at natikman mo ang ibat ibang lasa nito. Kaya ikaw, Do not be afraid to fall in love again malay mo sweetiness na ang malasahin mo next time. E di panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas sayo¦ Yang ang bumubuhay sayo, ang pag-ibig. tsk! drama!

1. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May ganito naman. Yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi parin makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam sa isa’t isa. YES, after ay year sasabihin natin, im over him/her na, pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At habang nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa ating kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL mo pa si EX. Isa lang ang masasabi ko, well mahirap sya kalimutan alam ko yan pero open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give urself KITKAT, take a break.

Thursday, October 2, 2008

Need a high-paying job?

Are u looking for a high-paying job?
Try your luck in a call center industry.

Minimum Requirements:
> Completed at least 2nd year college education
> Fluent in speaking English
> Computer Literate
> Willing to work on shifting schedules

Here's how to apply:

Send your complete name, address and contact number to 09105875157 or 09233268060.

What are you waiting for?

Apply now!

Wednesday, October 1, 2008

It's the real me

I was once a college guy who knows nothing in life but burning midnight candles to keep enjoying privileges of a so-called scholar. Four years of struggle taking Accountancy wasn't a waste for I emerged after the last dust settled as a graduate with flying colors. At a very young age of 20, I was employed in a certain catholic school in Manila as a Computer Teacher and an Accounting Staff. While working, I also devoted some time in taking Education course. Working and schooling at the same time is definitely a tough job to do but I maintain the equilibrium in managing both tasks. After one year of being in the academe,there was a sudden twist in my plans, I decided to quit teaching and explore the world outside the four walls of the classroom. I continue my journey in life only to find myself working as a Travel Specialist in one of the leading contact centers in the Philippines. Becoming a Certified Public Accountant is one of dreams in life. On my rest days, I am attending review classes by heart, deeply praying to get the most coveted license.