Sa pakikipagsapalaran ko sa Maynila, ang kwento ng aking buhay ay nagpatuloy hanggang sa mapadpad ako sa isang apartment somewhere in U-belt area. Mas pinili kong manirahan sa parteng 'yon ng Maynila para malapit lang sa review school na aking pinapasukan. Mahirap pagsabayin ang trabaho at review pero naka-adjust din ako kasi mabait ako.
Sa apartment, marami akong naging kaibigan at nakasalamuhang tao na may sarili ring kwento ng buhay. Kasi nakilala nila ako, may role na sila sa kwento ng buhay ko. At hindi na maitatanggi ang isang nagdudumilat na katotohanang part na sila ng kwentong ito.
Nais ko munang ipakilala ang mga taong una kong nakilala sa pamamalagi ko sa apartment.
Si Ate Jane. Siya ang lessee ng apartment na 'yon. Nire-rentahan niya 'yon para iparenta din sa iba. Isa din niyang Accountancy graduate at ayon sa kanya, nag-take siya ng board exam pero hindi pinalad na pumasa.
Si Mae. Jennifer ang tunay niyang pangalan. Siya ang una kong nakausap nang una akong pumunta sa apartment para mag-inquire. Siya ang sumagot sa lahat ng mga tanong ko tungkol sa apartment.
Si Pinky. Jacqueline ang tunay niyang pangalan. Hindi ko makita ang koneksyon ng kanyang tunay na pangalan sa kanyang palayaw. Siya ay palaging naglalaro sa PSP ko kapag wala siyang ginagawa. Minsan, pinagpupuyatan niyang laruin ang mga games doon.
Si Terrimar. Minsan ko lang siyang nakakausap kasi palagi siyang wala. Hindi ko alam ang kwento ng buhay niya, basta ang alam ko, nag-rereview siya sa Besavilla at nagbabalak na kumuha ng board exam for Civil Engineers sa darating na mga buwan. Kasama niya sa room ang dalawang babae, sina Georgette at Shiela sa first floor.
Si Georgette at si Shiela. Reviewees din sila sa isang review center at gaya ni Terrimar, nagbabalak ding kumuha ng board exam for Civil Engineers. Hindi ko masyadong kabisado ang kwento ng buhay nila dahil minsan ko rin lang naman silang nakakwentuhan.
Nakasalamuha ko rin ang mga Accountancy graduates ng Saint Vincent's College of Dipolog City. Ang room nila ay katabi rin ng room ko sa 3rd floor ng aparment. Hindi pa kami masyadong close sa umpisa. Ngitian lang, hi's at hello's ang lagi naming communication.
Si Angel. Magna Cum Laude graduate. Lalaki siya o babae? Ayoko siyang husgahan basta ang alam ko ang talino niya.
Si Paul. Cum Laude. Matalino din. Halatang bakla pero mabait at mahilig magpatawa.
Si Gianni. Cum Laude din. Hindi siya bakla. Tawag namin sa kanya ay Buang na ang ibig sabihin sa bisaya ay baliw.
Si Razel. Cum Laude. Maganda na, matalino pa. Nanalo siya as Ms. Air sa search ng Ms. Earth 2008. Minsan ko lang siyang nakausap kasi laging wala at laging busy sa career niya as a beauty queen.
Si Ivan. Basta, pangalan lang niya ang una kong natandaan no'ng nagpakilala silang lahat sa akin.
Si Terrimar, Shiela at Georgette ang umookupa sa isang room ng first floor. Sina Mae naman at Pinky sa sa second floor. Sina Angel, Paul, Gianni, Ivan at Razel ang orihinal na nakatira sa katabing room ng room ko. Basta ako, isa lang ang masasabi ko, ako lang ang mag-isa sa room ko at that time. Boring. Malungkot. Pero ayos lang ang mag-isa. Kasama ko naman ang PSP ko at Portable DVD player sa lungkot at ginhawa.
MGA BAGONG KASAMA
Nagdaan ang ilang mga araw ay napag-alaman ko na lamang na may darating daw na makakasama sa bahay. Well and good for Ate Jane kasi dadami na kami at medyo okey na rin ang kikitain niya.
Still, from Dipolog City dumating sina Lorbie at Claudine na kapwa nanggaling sa ibang dormitories. Dumating din si Colleen. Dumating din si Jay-Are.
Si Lorbie. Unang kita ko pa lamang sa kanya ay dinedma ko lang. Hindi kasi ako 'yong tipo ng taong namamansin sa hindi pa kakilala. Nakaupo siya sa may hagdan noon habang may kausap ata sa phone. "Excuse me" 'yon lang ang sabi ko at saka dumaan. 'Yon ang first encounter namin.
Si Claudine. Basta ang alam ko, nag-leave lang siya from work in Dipolog para bigyan ng focus ang review.
Si Colleen. Cum Laude.Matalino din siya. Siya na lang ngayon ang nag-iisang babae na nakatira sa 3rd floor. Hindi na rin kasi nagpakita pa si Razel maybe because busy sa career as a beauty queen titlist.
Si Jay-are. Ang kauna-unahang naging kasama ko sa room. Lumuwas siya sa Maynila para sa isang training somewhere in Cavite. Siya ang cook namin sa bahay kasi marunong siyang magluto.
Si Marcelino. Ang pangalawang kasama ko sa room.Friend siya ni Georgette na nagrereview din para sa board exam ng Civil Engineering. Wala siyang ibang ginawa in life kundi ang mag-aral nang mag-aral. Halos madaling araw na siyang natutulog at ang aga niyang gumising. Wala pang isang buwan ay umalis na siya sa bahay kasama si Georgette. Si Shiela din ay umalis na rin.Hindi ko man lang sila naging close.
Si Ate Robi. Siya si Robinita.Hindi naging hadlang para sa kanya ang pagiging buntis at pagiging may-asawa para umattend ng review classes. Pharmacist 'yong course niya at sa January 2009 na ang board exam niya.
Si Angel. Kung may baklang Angel, meron din namang tunay na babae. Supposed to be, kasama siya nina Claudine, Lorbie at Ate Robi sa second floor. Kaya lang, wala pang available bed na pwede niyang higaan du'n. Kaya ang nangyari, sa room ko siya natutulog. At si Jay are, sa kabilang room ng third floor, sa space ni Razel, at ako...well and well...sa 2nd floor, sa sahig. Okey lang kasi may maganda naman akong air bed. Pero naging back to normal naman ang lahat pagdating ng araw. Bumalik na siya sa 2nd floor where she belong.
Sa kabilang room ng 2nd floor ay mayroong dalawang nilalang na super-tahimik at feeling ko na hindi nag-eexist sa bahay na 'yon kasi I am not seeing an instance na nakisalamuha sila sa ibang housemates.
Si Pong. Hindi ko talaga alam ang tunay niyang pangalan. Hindi ko siya nakakausap ever. Minsan lang din kasi kaming nagkikita. Basta ang alam ko about him, nag-aaral siya sa UE. At isa pang alam ko, crush siya ni Pao.
Si Ronald. Ang alam ko sa kanya, working siya sa Landbank as a Programmer. Minsan ko lang siyang nakakwentuhan at wala akong masyadong alam sa buhay niya.
Bukod kay Jay-are, may bago na naman akong kasama sa work. Sina Toffer at Dino. Graduate sila ng Nursing sa Batangas at lumuwas sila ng Maynila para umattend ng review classes sa RCAP.
Si Toffer. Sa simula pa lang, napansin kong madaldal talaga siya. Marami siyang kwento. At nakakatawang magsalita marahil siguro sa accent niya na BatangeƱo. Pero okey naman siya, maayos makisama. Ibinsagan niya akong Zuneo, isa daw 'yong cartoon character. Ayon sa kanya, si Zuneo daw ay tumatayo ang buhok katulad ko. Okey. Isa pang alam ko, may lihim ata siyang pagtingin kay A****. Hindi ko lang sure, pero malay ko sa kanya.
Si Dino. Siya naman ang kabaliktaran ni Toffer. Tahimik lang siya at palaging nag-aaral. Pero hindi nagtagal naging madaldal na rin ng konti. Nahawaan siguro ng kadaldalan ni Toffer at ng iba pang housemates. Mina-match namin siya kay Lorbie kasi laging naghihingi ng pagkain si Lorbie sa kanya. Ang sweet nila!
Dumating din si Cherry, ang babaeng may boyfriend na nagtatrabaho sa Sitel. Nakausap ko nga minsan bf niya ang kwentuhan lang kami about buhay call center. Hindi nagtagal, bigla na lang lumisan si Cherry sa house na wala man lang pasabi. Hindi ko alam kung bakit.Siguro mag-aasawa na.
Lumipas ang ilang linggo, nadagdagan na naman kami. Tatlo sila. Nagmula sa lalawigan ng Pangasinan.Mga future Radiologist ang mga ito!
Si Patrick. Medjo chubby siya kaya dream niya ang magpapayat. Well, medyo successful naman siya sa kanyang misyon dahil ayon sa kanya, nababawasan na ang kanyang weight.
Si Mark. Mas chubby siya kay Patrick. Lagi kong napapansin, minsan lang siyang nag-aaral. Ewan ko sa kanya.Hindi niya tinitigilan ang PSP ko hanggang sa ma-low bat.
Si James. Dalawang araw lang ata siyang nag-stay sa bahay dahil sa hindi kanais-nais na pangyayari. Akalain mo ba namang na-resked ang start ng review class nila sa isang review center kaya umuwi na lang siya sa kanila. Si Mark at Patrick ay nagpaiwan kasi nag-paenroll sa ibang review center.Kaya un. Nakakwentuhan ko pa si James bago umalis,nakuha ko pa cp number niya at friendster account. Marami akong nalaman tungkol sa buhay niya na medyo madrama ng konti. Nakita ko friendster niya after how many days, sa photos, napag-alaman ko na sumali pala siya sa isang beauty contest...
Sa 2nd floor, may bagong dating, galing Dipolog. Napapansin kong nasasakop na ang buong apartment ng mga taga-Dipolog ah at puro mga Accountancy grad. Pero okey lang mabait naman sila at masayang kasama.Matatalino pa at masasarap daw.
Si Ate Amay. Dumating siya kasama ang asawa't anak sa bahay. Well, mag-rereview din pala siya. Okey. Hindi nagtagal, umalis na din ang kanyang asawa't anak at nagpaiwan sa piling naming lahat.
At may bago na namang dating!
Si Aaron. Pinaka-latest na dumating sa bahay si Aaron. Roommate ko siya. Well, from Batangas siya, nursing grad at nag-rereview din. I don't want to say more things 'bout him...ayoko lang. Basta.
ANG PAGLISAN
Masakit pero kailangan mong tanggapin ang nagdudumilat na katotohanang ang mga taong minsang naging parte ng buhay mo ay bigla na lamang mawawala sa isang iglap. Hindi man ginusto subalit kailangan ng pagkakataon. Ang kanilang paglisan ay sadyang nakatakda na at hindi na pababago ng panahon. Buhay boarding house nga naman! Sadyang may darating, at aalis. Ganun talaga eh.
Inumpisahan ito ni Jay-are, na ngayon ay nasa Cavite para sa kanyang training. Hindi ko alam kung anong training ang pinasok niya. For abroad ata siya. Well, good for him at least may direksyon na ang buhay niya. Wala na kaming communication ever since na umalis siya. Bawal ata cellphone sa training niya.
Si Dino naman ay hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit umalis. Basta, biglaan ang kanyang pag-alis. Siguro nagseselos siya kasi may bago ng buddy ang bestfriend niyang si Toffer. May kinalaman kaya ang pagdating ni Aaron? Hindi ko alam.
Lahat ng taga-Dipolog ay nagsialisan na din. Wala ng nagpaiwan. Ni isa. Nagsiuwian na sila sa kanilang pinanggalingan matapos mag-take ng exam at malaman ang results. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang mag-work sa Maynila. Maganda naman dito.Masaya at challenging ang buhay. Si Paul, Angel,Angel, Ivan, Colleen, Claudine, Ate Amay,Lorbie ay nagsipag-uwian na sa kanila samantalang si Gianni ay tumira na sa bahay ng pinsan somewhere in QC. Sa lahat, si Angel lang ang pumasa. Pero owkie lang 'yon, eh ganun talaga ang buhay. Better luck na lang next time sa mga hindi pumasa. Hehehe!
Si Pong naman ay umuwi ng probinsya kasi sembreak na. Naiwan na lang si Ronald kasi may work pa ito.
At ngayon, ako, Si Patrick, Mark, Toffer at Aaron na lang ang naiwan sa third floor. Si Angel at Ronald sa second floor. Si Ate Robi, Si Terrimar at ang kanyang mga kaibigan na di ko kilala ang nasa first floor. At meron pa, si Auntie Charlie pala, ung mukang dragon na bagong katiwala ng bahay.
At balita ko ay marami pa daw darating sa November. Well, abangan na lang natin sila. At i-welcome natin sa kwentong ito!
No comments:
Post a Comment