Biglang namatay ang ilaw.
Dilim.
Wala akong makita kundi dilim na sumasakop sa kabuuan ng lugar na 'yon.
Wala akong ibang marinig kundi ang pabilis na pabilis na tibok ng aking puso.
Ako'y kinabahan.
Sa sandaling 'yon, parang gusto kong kumawala sa dilim na bumabalot sa aking mundo.
Nasaan ang Liwanag?
Ang liwanag na magbibigay sa akin ng kasagutan sa mga bagay-bagay.
Sinimulan kong maglakbay sa gitna ng dilim. Hinahanap ang daan tungo sa pinaka-aasam na liwanag.
Naroon pa rin ang pag-asang makawala sa pagkakulong sa madilim na selda ng aking pagkatao.
Narating ko ang pinto. Sarado ang pinto. At kahit anong pilit kong buksan 'yon para ako'y makalaya ay hindi ko magawa. Nasisilip ko na sana ang liwanag. Abo't kamay ko na ang pag-asang makatakas at mabigyan ng katarungan ang aking pagkabilanggo. Para akong isang ibong nakakulong sa hawla na kahit anong pilit gustuhing buong layang lumipad sa himpapawid ay hindi magagawa.
Ibigay n'yo sa akin ang aking kalayaan! Hindi ako nararapat sa lugar na 'to. Sigaw na aking isipan.
Naghihintay ako ng tulong ng ibang tao para makamit ang kalayaan.
***
"Tulong naman. Buksan mo ang pinto."
Ngunit hindi naman ako narinig ng lalaking dumaan.
Sira ang door knob kaya nasisilip ko ang nasa labas. Para akong isang karakter sa horror movie sa mga oras na 'yon.
Maraming tanong ang pumasok sa aking isipan.
Pano kung hindi na ako makalabas dito? Ano'ng gagawin ko? Pa'no na ako?
Pa'no na ang buhay ko? Pa'no na ang mga taong kelangan ako? Pa'no na ang mga mahal ko sa buhay?
Mga tanong na iniisip kong parang mawawala na ako sa mundong ginagalawan.
Hinalungkat ko sa loob ng aking backpack ang cellphone. One bar. Papalowbat na rin. Tinext ko agad ang dalawa kong kasamahan na tulungan nila ako. Subalit ilang minuto na ay wala pa akong natatanggap na reply.
At lalo akong kinabahan.
Tanaw ko ang isang lalaki. Sa kabilang pinto ay hinatid n'ya ang isang babae. Kinatok ko nang kinatok ang pinto sa pag-asang marinig ako ng lalaki. Sa pag-asang bubuksan n'ya ang pinto at ako'y bigyang laya. Hindi ko alintana ang sakit ng aking kamay dulot ng malakas na pagkatok.
At mukhang narinig n'ya ako.
"May tao ba d'yan?" tanong n'ya habang papalapit sa pinto.
"Tulungan mo ako. Hindi ako makalabas dito. Tulong please," pagmamakaawa ko.
Hindi nagtagal, naramdaman ko ng may bumubukas ng pinto. Nabuhayan ako ng loob.
At malaya na ako.
Buong puso akong nagpasalamat sa lalaking tumulong sa akin. Hindi ko alam pa'no n'ya napapunta doon ang may hawak ng susi ng silid na 'yon. Basta malaya na ako, 'yon ang pinakaimportante.
Ang akala ko simpleng brown-out lang. Hindi pala. SADYA palang pinatay ang ilaw at SADYA palang ni-lock ang pinto ng restroom. Dahil magsasara na ang Star City. Alas-diyes na pala ng gabi. May natanggap naman akong sorry.
Subalit kong iisipin kong mabuti, hindi katumbas ng isa o dalawang SORRY ang pait na naranasan ko kahapon.
Sa kabila ng lahat, kailangang ipagpatuloy ang laro ng buhay
At mag-enjoy na lang sa mga RIDES.
4 comments:
hello, prinsipe.
gustung-gusto ko ang first part. akala ko, paglalarawan na ng sarili kong buhay, he, he...
mahirap makulong sa kalagayang tila tayo rin naman ang nagpiit sa ating mga sarili. :D
matagal na akong di nakakapunta sa star city, e. ganoon na ba kalala - nakaka-inspire magsulat ng post? hi, hi...
salamat bro.
True to life story 'yan.hahaha.
Nakulong talaga ako sa restroom dun at di ako makalabas..hahaha
hi, prinsipe.
di po ako bro, ate ako. napagkakamalan talagang boses lalaki ako do'n sa blog ko.
ganire kasi, sa totoong buhay, pagsusulat talaga ang work ko. since most of what i write ay formal papers in english, mas iyon na ang nakasanayan ko - passive voice, 3rd person na pagsusulat.
pag nagtatagalog ako, ganoon na rin ang kinalalabasan. parang literal na translation ng formal english - matigas.
btw, marunong kang magsulat, prinsipe. to think na numbers-related ang work mo. :D
Sorry po. Akala ko po talaga boy kayo sa tono ng pagkakasulat ng mga entries nyo..hahaha
Salamat po.Sinubukan ko lang pong magsulat ng kung anu-ano kapag walang magawa...hehehe
Post a Comment