Saturday, October 8, 2011

Resignation Letter



Litratong hango sa
http://www.writeawriting.com/

 
Nahalungkat ko sa lumang files ang isang resignation letter. Mahigit dalawang taon na ang lumipas simula nang ipasa ko 'to. Naka-move on na ako. Saandaang porsiyentong hindi ko pinagsisihan ang biglaang desisyon noon na pagresayn sa kompanyang pinapasukan. Peks man!

Narito ang nilalaman:


May 13, 2009


Company Name Confidential (Babala:Kuripot magpasahod, 'Wag mag-apply)
Ayala Avenue
Makati City 1200



To Whom This May Concern:


Please accept this as my resignation effective, May 13, 2009 (Si Manager oh hindi man lang ako pinigilan). I regret the inconvenience it will cause (Wala naman actually inconvenience sa kompanya at hindi talaga ako nagsisisi) , but circumstances have left me no choice (Kunwari wala akong choice). I need to focus on my review class (Dahil sa kapo-focus, ayon bagsak din ang inabot sa board exam). 


My two years of stay (akalain mo tumagal ako)  helped me grow personally (natuto akong magmura at mambola) and professionally (hindi ko nga naramdaman na may professional growth pala). I have enjoyed working for the company (Nag-enjoy ako sa pressure actually) and appreciate the support provided me during my tenure (parang wala naman akong naramdamang support).


Thank you again for allowing me to serve the company (Siyempre dapat mag-thank you kahit 150 pesos lang ang increase ng buwanang sahod ko. Salamat din sa mga napanalunan ko sa raffle tulad ng DVD Player, Ipod Shuffle at PSP). I wish you and the company continued success in all your endeavors. (Wish ko lang. Wala naman talaga akong paki sa success nila.)


Respectfully yours, (Sabi ng English Teacher ko dapat may ganito!)


(Sgd) Elton Johan Martin (Akomismo! Kyut, Mabaet, Mayaman at Matalino)

P.S. Hindi na po gumagana ang DVP Player. Pinamigay ko na sa kapatid ko ang iPod kasi hindi ko trip. Ninakaw naman po ang PSP ko.

Wala lang akong magawa kaya binaboy ko ang resignation letter na 'yan. Haha.
Plano ko na rin 'yan gamitin ulet. Abangan.

3 comments:

Anonymous said...

hahaha, natawa nman ako sa ginawa mo sa letter..im searching actually for resign letter prior mg Board exam..and i found this.. naloka ako..but u made my day!! fun.. keep up the good work..oh i mean..just keep doing fun..hehehe

Anonymous said...

salamat dude, natawa ko pero gnamit ko.. konting edit lang ;p

NoOtherEarl said...

salamat at nay natuwa sa pinaggagawa ko. Binasa ko ulet ang letter, nahiya naman ako...hehe