Monday, February 28, 2011

Dilim, Nasaan ang Liwanag?

Biglang namatay ang ilaw.

Dilim.

Wala akong makita kundi dilim na sumasakop sa kabuuan ng lugar na 'yon.
Wala akong ibang marinig kundi ang pabilis na pabilis na tibok ng aking puso.
Ako'y kinabahan.
Sa sandaling 'yon, parang gusto kong kumawala sa dilim na bumabalot sa aking mundo.

Nasaan ang Liwanag?
Ang liwanag na magbibigay sa akin ng kasagutan sa mga bagay-bagay.

Sinimulan kong maglakbay sa gitna ng dilim. Hinahanap ang daan tungo sa pinaka-aasam na liwanag.
Naroon pa rin ang pag-asang makawala sa pagkakulong sa madilim na selda ng aking pagkatao.

Narating ko ang pinto. Sarado ang pinto. At kahit anong pilit kong buksan 'yon para ako'y makalaya ay hindi ko magawa. Nasisilip ko na sana ang liwanag. Abo't kamay ko na ang pag-asang makatakas at mabigyan ng katarungan ang aking pagkabilanggo. Para akong isang ibong nakakulong sa hawla na kahit anong pilit gustuhing buong layang lumipad sa himpapawid ay hindi magagawa.

Ibigay n'yo sa akin ang aking kalayaan! Hindi ako nararapat sa lugar na 'to. Sigaw na aking isipan.
Naghihintay ako ng tulong ng ibang tao para makamit ang kalayaan.

***

"Tulong naman. Buksan mo ang pinto."
Ngunit hindi naman ako narinig ng lalaking dumaan.
Sira ang door knob kaya nasisilip ko ang nasa labas. Para akong isang karakter sa horror movie sa mga oras na 'yon.

Maraming tanong ang pumasok sa aking isipan.
Pano kung hindi na ako makalabas dito? Ano'ng gagawin ko? Pa'no na ako?
Pa'no na ang buhay ko? Pa'no na ang mga taong kelangan ako? Pa'no na ang mga mahal ko sa buhay?
Mga tanong na iniisip kong parang mawawala na ako sa mundong ginagalawan.

Hinalungkat ko sa loob ng aking backpack ang cellphone. One bar. Papalowbat na rin. Tinext ko agad ang dalawa kong kasamahan na tulungan nila ako. Subalit ilang minuto na ay wala pa akong natatanggap na reply.
At lalo akong kinabahan.

Tanaw ko ang isang lalaki. Sa kabilang pinto ay hinatid n'ya ang isang babae. Kinatok ko nang kinatok ang pinto sa pag-asang marinig ako ng lalaki. Sa pag-asang bubuksan n'ya ang pinto at ako'y bigyang laya. Hindi ko alintana ang sakit ng aking kamay dulot ng malakas na pagkatok.

At mukhang narinig n'ya ako.
"May tao ba d'yan?" tanong n'ya habang papalapit sa pinto.
"Tulungan mo ako. Hindi ako makalabas dito. Tulong please," pagmamakaawa ko.

Hindi nagtagal, naramdaman ko ng may bumubukas ng pinto. Nabuhayan ako ng loob.

At malaya na ako.

Buong puso akong nagpasalamat sa lalaking tumulong sa akin. Hindi ko alam pa'no n'ya napapunta doon ang may hawak ng susi ng silid na 'yon. Basta malaya na ako, 'yon ang pinakaimportante.

Ang akala ko simpleng brown-out lang. Hindi pala. SADYA palang pinatay ang ilaw at SADYA palang ni-lock ang pinto ng restroom. Dahil magsasara na ang Star City. Alas-diyes na pala ng gabi. May natanggap naman akong sorry.

Subalit kong iisipin kong mabuti, hindi katumbas ng isa o dalawang SORRY ang pait na naranasan ko kahapon.

Sa kabila ng lahat, kailangang ipagpatuloy ang laro ng buhay
At mag-enjoy na lang sa mga RIDES.

Sunday, February 27, 2011

Awit Sa Bohol

Naiitindihan mo ba ang lyrics ng kanta? Marahil ay hindi.
Pero kung ikaw ay lumaki o nag-aral o nag-aaral sa lalawigan ng Bohol, alam kong intinding-intindi mo ito.

Ang Awit sa Bohol ay kinakanta tuwing flag ceremony pagkatapos kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas araw-araw. 
Aba, memorize ko ito noon. Apat na taon ko itong kinakanta noong hayskul. Tuwing may pasok at tuwing may special activity o program sa school, barangay o lungsod.

Minsan, tuwing periodical test isinasama ito bilang bonus question, pinapasulat ang lyrics nito kahit sa Math at Science subjects.

Noong first year hayskul ako, hindi ko pa masyadong kabisado ito. Nangangapa pa ako sa lyrics at di ko pa masyadong alam ang tono. 'Yon ay dahil ekstranghero pa ako sa lugar na 'yon. Ngunit kelangan kong aralin 'to kaya hindi nagtagal ay natutunan ko na rin.


Yuta kong minahal,
Hatag ni Bathala;
Sa adlaw’g gabi-i,
Taknang tanan
Dinasig sa kinaiyahan
Sa mga bayaning yutawhan
Imong kalinaw gi-ampingan
Lungsod sa bungtod nga matunhay
Ug matam-is nga kinampay

Puti ang kabaybayunan
Walog sa suba binisbisan
Bahandi sa dagat ug kapatagan
Gugma ang tuburan
Sa kagawasan sa tanan
Panalanginan ka
Ihalad ko lawas ug kalag
Sa mutya kong Bohol.

Chocolate Hills

  


Doon po sa amin ay matatagpuan ang pinakasikat na isa sa pinakamagandang tanawin dito sa ating bansa, ang Chocolate Hills. Ito ay isang yaman na taas-noo at buong galak na ipagmamalaki ng aming lalawigang Bohol. Kung kaya naman, ito ay sadyang dinarayo ng mga turista sa bahagi ng lungsod ng Carmen.

Ang Chocolate Hills ay malawak na lupain na binubuo ng napakaraming burol. Ayon kay Wikipedia, sa pinaka-latest na survey, ito ay binubuo ng 1776 na burol sa lawak na humigit-kumulang 50 sqm. Narinig n'yo na ba ang kumakalat na tsismis na unti-unting nababawasan ang mga burol? Ah, hindi ko kayang patunayan ang tsismis na ito.

Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil sa kulay tsokolate tuwing tag-init at kulay berde naman tuwing tag-ulan. Ayon sa aking masusing pananaliksik (anu daw?),ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit na anong puno dahil puno ng limestone ang ilalim nito. Ows, talaga?  Naalala ko bigla ang Science lesson namin noong Elementrary, HighSchool at pati na noong College ang tungkol sa iba't ibang uri ng rocks..

Sige nga, sagutin ang tanong:

Anong uri ng rock ang Limestone?
a. Igneous Rock
b. Sedimentary Rock
c. Metamorphic Rock
d. None of the Above

Isip..isip.

At balik tayo sa usapang Chocolate Hills. Noong musmos pa ako, Kinder pa ata ako noon, dalawang dekada na ang matuling lumipas, naririnig ko ang kwento-kwento ng aking mga magulang pati na rin ng mga ka-tsismisan ng mama ko ang tungkol dito. Akala ko noon, nakakain talaga ang Chocolate Hills dahil ito ay isang uri ng tsokolate. Hindi pala.

Gusto mo bang marating ang Chocolate Hills?
Simple lang. Dahil ang Bohol ay isang malaking isla, kailangang sumakay ng eroplano o di kaya'y barko kung ikaw ay manggaling sa ibang lalawigan. Pero mas advisable na sumakay ng eroplano dahil wala pang isang oras ay nasa Tagbilaran Airport ka na. Kung barko naman, tiyak aabutin ka ng bente hanggang bente-kwatro oras na paglalayag sa karagatan kung ika'y sa Maynila pa mangagaling. Kapag nasa Tagbilaran Airport ka na, mga 60 kms pa ang byahe mo bago mo masilayan ang magandang tanawin. Pwedeng kotse, van o bus ang maghahatid sa'yo sa Chocolate Hills. Diskarte mo na lang pa'no ang sasakyan at tutuluyan mo. Sa katunayan, marami namang package deal na nagkalat d'yan sa internet. Kapag nasa Chocolate Hills ka na, ikaw na ang bahalang humusga....

Sa totoo lang,nakakalungkot isipin na sa haba ng walong taong pamamalagi ko sa lalawigan ng Bohol at sa lapit ng isang oras na biyahe mula Tubigon hanggang Carmen ay ito lang ang masasabi ko:

HINDI PA TALAGA AKO NAKAPUNTA SA CHOCOLATE HILLS....PRAMIS.

Wednesday, February 23, 2011

Jacob is Strong....Edward is Beautiful.


Inatake ako ng CURIOSITY.
Pa'no kung si Jacob at Edward ang nagmamahalan?
Ano kaya ang takbo ng kwento nila sa Twilight at New Moon?
Paano na kaya si Bella?

Alam mo naman.
Sa ating lipunan, mas tanggap pa ang dalawang lalaking may hawak na baril at nagpapatayan.
Kesa dalawang lalaking magkahawak ang kamay at nagmamahalan.

Jacob is Strong....
Edward is Beautiful...
They are perfect for each other.

Sino kaya ang nakaisip ng kalokohang ito?

Tuesday, February 22, 2011

CPA Board Exam Story

Ito ay isang kwento ng pagkabigo at hindi pagsuko sa isang labang nasimulan....

Pagka-graduate ko ng kolehiyo sa isang munting lalawigan sa aming probinsya, wala pa sa plano ko ang mag-take ng CPA Board exam. Gustuhin ko man maging CPA subalit marami ang naging hadlang. Unang-una, wala kaming panggastos para sa tuition fee ,sa uupahang dorm, pagkain at kung anu-ano pang kailangan para makapagrebyu sa Maynila. Wala kasing CPA Review school sa aming lugar kaya halos lahat ng gustong maging CPA ay kinailangan pang lumuwas ng Maynila.

Buko o Kape?

Linggo ng gabi.
Para akong judge sa isang beauty pageant.
It's a close fight.
Sino ang magwawagi?
Sino ang mag-uuwi ng korona?
Si Buko ba o Si Kape?

Matagal akong nag-isip.
Matagal ding nag-aantay si tiyan sa desisyon ni isip.

Buko.
Masarap, manamis-namis at masustans'ya.
Galing mismo sa puno ng niyog.
Maaring sinungkit o inakyat ng magniniyog para mapitas.
At bigla akong natigilan at tinanong ang sarili:
"Ang niyog ba ang pambansang puno ng Pilipinas?"
Sumagot naman si sarili: "Hindi. Tsismis lang 'yon. Mangga po"

Kape.
Pampagising. Masarap din.
Pero ayoko ng mainit na kape.
Gusto ko malamig.'Yong sa Starbucks o Coffee Bean.
At bigla na naman akong natigilan at tinanong ang sarili.
This time, alam ko ng hindi Kape ang pambansang puno ng Pilipinas.
"May pera ka bang pambili? "
Oo nga pala, hindi kakayanin ng bulsa ko ang bumili ng mamahaling kape.
Nakalimutan kong Pulubi pala ako.
Mahal ang gusto kong kape kesa gusto kong buko.

Sa katunayan, wala naman masyadong pagtatalo ang naganap.
Halatang-halata naman kung sino ang mananalo,di ba?
Gaya ng mga beauty pageants, minsan alam na kung sino ang nakakalamang.

Si Buko na nga.
Siya ang nagwagi.

Pero darating din ang araw na maghihigante si Kape.....
Abangan.

Monday, February 21, 2011

Fliptop ng Pulubing Adik

Hindi ko alam kung sa'n ko sisimulan
Ang post na 'to na walang patutunguhan
Kung 'yong nanaisin, wag mo ng basahin dahil lalo lang kitang iinisin
Gusto ko sanang manlait, pero wag na baka may magalit
At baka di na magkomento sa mga posts ko dito.
Tiyak ikaw ay iiyak at magsusumbong sa kapitbahay mong parak
Baka kukuha pa ng itak at sa akin ay isaksak.

Hindi ko alam ang topic
Mata'y nanlilisik sa kakaisip ng mga banat na umeepek
Mu'ka daw akong adik sabi ng Intsik
Dahil sa bintana'y sinisilip ang buwang marikit
Sa youtube ako nanood, hindi ng bold
Kundi Fliptop ng mga adik na rapper na muk'ang gangster.

Gusto ko silang gayahin, gusto ko silang murahin pero wag na lang kasi Bad 'yon.
Feeling ko ako'y isang makata ng bagong henerasyon.
Abangan mo ang mga banat kong nakaka-kombulsyon
Ay, sa next post na lang po pala,wag muna ngayon
Dahil natatakot ako baka ka maimpeksyon
Saksakan ng injection at pumangit ang 'yong facial expression.
Fliptop na kasi ang uso ngayon, ikaw istilo mo panahon pa ng hapon.

Si Dello, Loonie, Target at Batas, lumalaban ng patas pero kalaban umaatras.
Sa tindi ng mga banat, ika'y lalagnatin, sisipunin at mapapainon ng gatas.
Pasensya na at Rated X tayo dito
Kung ikaw ay sensitibo, bibigyan kita ng konting respeto
MagFacebook ka na lang o sumayaw ng Totoy Bibo.

Eto mga banat ni Target kay Dello
Nanlalait ng todo-todo na parang jip na walang preno.




ikaw na pinkagwapo dello, para wala ng pgtatalo,
yung nung mga panahong hndi pa uso ang tao,

ako'y hndi gwapings,
sadyang malakas ang aking PR

you don't really wanna fight me,
you wanna suck me boy,
pg ako ng hubad, magjjkol k sa CR!!
etong klaban ko, kumpirmadong rugby boy!!

c dello ay supot, hininga'y amoy utot
sa liit ng kanyang ari ang pangkantot nya ay buntot!!

hindi ka rin mukang pinoy,mas muka kang turkish,
sa kapal ng nguso mo,muka kang janitor fish!!!‌

at wala ka sa aquarium, at hindi rin ito spolaruim,
tol, kahawig mo ung alien dun sa planetarium!!

gusto nyo isa pa nga, eto brutal na pambebengga,
babae to c dello, sa pwet nga lng nireregla!!!



Search mo na lang sa Youtube mas matindi pa dito.
O, teka, kilala nyo ba si Abra?
Ang binatang may mahika
Na sa mukha at banat ika'y mapanganga
'Yan na ang piktyur nya at kayo ng bahalang humusga.











Maligayang magpi-fliptop!

Sunday, February 20, 2011

Gusto Ko Lang Magmayabang!

Akala ko superbokya ang result ng first preboard exam. Hindi naman pala masyado.
Gusto ko lang itaas ang bandila ng Management Advisory Services subject.
Well, 90% lang naman ako sa subject na 'yon at hindi pa ako nag-aral n'yan ah.
Stock knowledge lang ang puhunan ko.
Ang talino ko pala kapag hindi nag-aaral...Hahaha.



Oo, ako na ang mayabang. At anung paki mo?

Monday, February 14, 2011

Single Din Ako


Single ka ba?
Ako din eh.

Oh, Valentines Day na, may ka-date ka ba?
Ako wala eh.

Pero h'wag kang mag-alala, ayon sa survey, marami na daw tayong Single ngayon.
Nagtataka ka ba kung bakit single ka pa?

Hmmmm....minsan. Pero gumawa naman ako ng mga PALUSOT.

Sa minsang pag-iisip.

...habang ipit-ipit na at ilang beses ng itinulak sa siksikang tren

...habang halos magkadikit na ang aming mga balat ng isa na namang kahanga-hangang nilalang

...habang pumailanlang sa ere ang mga kantang 'Kung Ako Na Lang Sana' at 'Nandito Ako'

...habang tinititigan ang maamo niyang mukha at kinakanta sa isp ang 'Akin Ka Na Lang'

Hanggang narinig ko na may nagsasalita.

FTI Station na po. FTI.

Kasabay ng aking pagbaba ay heto't nabuo ang mga palusot kung bakit wala pang isang tulad niya sa mundo ko.

#1. Career muna.
Besi-besihan sa paghahanapbuhay. Kelangang kumayod para matugunan ang pangangailangan ng sarili at pamilya sa araw-araw.Mahirap maging mahirap. Try mo kaya.

#2. Aral na naman.
Hanggang ngayon,hindi pa ako nagsawa sa kakaaral. Isinilang ata akong may kakambal na libro at bolpen.

#3. Friends Muna.
Lumang linya na 'to. Pero gusto kong friends lang o friends mu na ang relasyon sa lahat ng taong dumating sa buhay ko. Ayaw ko muna ng commitment...habang hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko.

#4. Maraming Manloloko Ngayon
Sabi nga ng kanta: "Bakit kung sino pa ang siyang marunong magmahal ay siyang madalas na iwan nang di alam ang dahilan". "Ayoko ng umaray". So ingat-ingat din.

#5. Ayoko Lang.
Choosy pa ako kahit walang karapatan. Meron naman d'yan. Pero 'yong nga, hindi mo naman pwedeng basta-bastang gustuhin ang may gusto lang sa'yo. Sige nga, try mo. Dapat, the feeling is mutual din.

#6. Mailap si Quality Time
Baka sa sobrang busy. Hindi ko magampanan ang aking tungkulin.

#7. Saka Na.
Siguro darating din naman ang takdang panahon. Kung maiiwanan ng byahe, pwede pa namang sumakay sa susunod na b'yahe. Sabi nga nila: Minsan lang bumiyahe ang tunay na pagmamahal. Kaya kailangan mong agahan kung ayaw mong maiwan.Kasi nga matagal bago ito bumalik, pero hindi natin alam, kadalasan, last trip na pala iyong hindi natin sinakyan. Eh, ano naman?

Eh, anuh naman?

#8. Mauna Muna Sila
Aba, dapat mga kapatid ko muna ang mauna.

#9. Magastos Kasi.
Nag-iipon pa ako. Saka na kapag mayaman na talaga si PulubingPrinsipe. Makakabili rin ako ng pag-ibig!

At higit sa lahat....

#10. May Sekretong Malupet'
At hindi lang po si Antonio ang may lihim....


Tuesday, February 8, 2011

Doon Din Po Sa Amin



Inspired by Doon Po Sa Amin

Simpleng buhay lang ang nakagisnan ko.Tahimik.Hindi magulo.Kasama ng mga taong sanay sa hirap at kuntento na sa payak na pamumuhay. Makakain lang tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Hindi masyadong naghahangad ng mga materyal na bagay. Kuntento na sa kung ano ang meron....

Pagkagising sa umaga ay tiyak na handa na ang almusal. Puto Maya at mainit na tsokolate lagi ang agahan. Si Aling Nene na suki namin bawat umaga ay kakatok na 'yan sa amin para ihatid ang masarap na Puto Maya at mainit na tsokolate. Kung minsan, hindi siya nakakapagluto, 'yon naman ang mga pagkakataong gigisingin ako ng maaga ni Mama o Tatay para utusang bumili ng bente pesos na pandesal at 3-in-1 na kape. Dalawa o tatlong pirasong pandesal ang nakakain ko. Medyo bitin nga pero ayos lang 'yon. Bihira lang kasing nagkakanin tuwing umaga. At kung meron man, wala din namang ulam. Pero ayos lang, dumidiskarte naman kami minsan.

Preskong-presko ang hangin kaya naman umagang-umaga, hindi ko nakakaligtaang tumungo sa beach. Masarap sa pakiramdam ang hanging nagmula sa karagatan. Nasusulyapan ko ang mga agokoy na mabilis na nagtatakbuhan papunta sa maliliit nilang lungga sa ilalim ng lupa kapag nilalapitan ko sila tuwing low tide. Ang mga hayop-dagat na 'to ay para bang takot na takot sa tao. Agokoy ang tawag sa Bisaya pero ewan ko kung ano 'to sa Tagalog o English o Chinese. Basta sila 'yong maliliit na parang crabs pero hindi naman daw nakakain.Kapag high tide naman, hindi ko alam kung saan nagtatago ang mga agokoy, marahil sa ilalim ng lupa o sa mga bato. Parang hindi sila nalulunod kapag natatabunan ng tubig-dagat ang lupa.

Larawan ng Isang Agokoy



Minsan, namimingwit din ako ng isda kasama ng mga kapatid at pinsan ko kapag high tide. Manghuhuli kami n'yan ng mga kuhol sa tabi-tabi.Pinupukpok namin ng bato ang snail hanggang sa mawasak ito. Kawawang nilalang!
Kinukuha namin ang laman loob at 'yon ang nilalagay namin sa bingwit bilang pain. Para kapag itinatapon sa dagat ay mahuhuli sa patibong ang mga isda. Ang mga maliliit na isdang nahuhuli , binabalik ko rin lang sa dagat kapag nagsawa ng paglaruan o minsan tinatapon. Pero 'yong isa kong kapatid, inuuwi sa bahay, piniprito at kinakain. Kadiri kaya.

Maraming mangrove trees ang itinanim ng lolo ko sa dagat. Kapag naisipan naming mamingwit ng isda ay doon lang kami pumupwesto. Bukod sa hindi pa mainit dahil malalaki na ang mga 'to, may ginawa ang kapitbahay naming manginginom na lamesa na ipinako lang sa katawan ng puno. Minsan ang mga binatang kalalakihan sa amin ay doon nag-iinuman, nagkukwentuhan, nagigitira at nagkakantahan ng Eraserheads at Parokya ni Edgar songs.

Kapag sawa na sa pamimingwit, maghuhubad na 'yan at kanya-kanyang langoy o sisid sa dagat. Minsan may dumadayo na taga ibang barangay para maligo, ayon di ko rin maiwasan makipagkaibigan. Niyayang maglalaro ng habul-habulan sa gitna ng dagat. Kakatuwa kaya.

Tuwing hapon, kapag sinipag, nangunguha ako ng mga kabibe sa dagat. Kapag nakarami-rami na ay inuuwi ko at niluluto naman ng Mama ko. At may panghapunan na kami. Kapag wala naman kaming panggatong, sa dalampasigan ay namumulot ako ng mga kahoy at kung anu-anong pwedeng panggatong, binibilad ko lang sa init ng araw, at ilang oras lang ay pwedeng-pwede ng isabak sa lutuan.
Ayos di ba?

Nakakain kami ng hindi masyadong gumagastos. Pero minsan, nakakasawa rin kung araw-arawin ang kabibeng ulam. Kaya naman kapag pumupunta sa gitna ng karagatan ang lolo ko, inaabangan ko ang pagdating, tumutulong akong dalhin ang mga huling isda papunta sa bahay nila. Medyo mabigat pero tinitiis ko lang para naman magkaulam kami, binibigyan din kasi kami ng isda. 'Yong lola ko naman, ginagawang daing ang ibang huli ng lolo ko, kaya tumutulong din ako sa pagbilad ng mga isda sa araw. Kapag natuyo, nilalako naman ng lola ko sa kanyang mga suki. Minsan sumasama ako para mabigyan ng pera kahit papano. Bibigyan ako ng limampiso noong hayskul ako ay masaya na.

Kahit noong college ako sa probinsya namin, wala pa ring pinagbago sa simpleng pamumuhay namin. Mahirap pero masaya.

Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong tanaw ang kalunus-lunos na mukha ng kapaligaran habang papadaong ang barkong sinasakyan ko. Mga kabahayan malapit sa pier na parang pinagtagpi-tagping kung anu-ano lang. Mga batang nakahubad at naliligo sa pier. Mga basurang lumulutang. Maraming tao. Maingay. At kung anu-ano pang mga bagay na hindi sanay makita ng aking mga mata...

Ito na pala ang tinatawag nilang Maynila. Sa pagtapak ko sa dinadayong Maynila, ang lahat sa buhay ko ay biglang nagbago.

Ang pagtampisaw sa dalampasigan...ang pamamasyal sa buhanginan...ang panonood ng paglubog ng araw...ang sariwang hanging dagat...ang karagatan...ang kabibe...ang mga isda...at ang mga agokoy. . .ay parang bahagi ng panaginip na lamang .At si Lolo. Si Lola. Si Mama. Si Tatay.Mga kapatid at pinsan ko.....ay mga tau-tauhan sa panaginip na 'yon.

Hindi ko alam kung kelan muling mangyayari. O mangyayari pa ba kaya? Mga bahagi ng nakaraan na kaysarap balikan.Oo, kaysarap balikan ang nakaraan....

Pero heto na ako't ginagapos na ni Maynila......Sana makawala. Sana.

Monday, February 7, 2011

Sino ang Nagtulak sa Pool?

May isang mayamang lalaki na may anak na magandang babae.
Tinipon niya ang lahat ng binatang kalalakihan sa kanilang lugar para sa isang pagsubok.


Ang pagsubok: Lalangoy lang naman sa swimming pool mula dulo hanggang dulo.
Ang premyo: Kayamanan o magandang babae.


Sa umpisa, determinado ang mga kalalakihan sa suungin ang pagsubok.
Subalit ng malaman nila na may maraming buwaya sa swimming pool ay nagsipag-atrasan silang lahat.
Ngunit nagulat ang marami nang isang binata ang nangahas na tumalon sa swimming pool at lumangoy......

At narating ang kabilang dulo ng pool nang hindi nakain ng buwaya.

Samakatuwid, nagtagumpay siya sa binigay na pagsubok.

Lalaking Mayaman: Ano ang gusto mong premyo? Aking kayamanan o ang aking anak na babae?
Binata: Hindi ko po hangad ang inyong kayamanan o ang inyong anak na babae.
Lalaking Mayaman: Bakit?
Binata: Ang nais ko lamang malaman ay kung sino ang tumulak sa akin sa pool.


Moral: Huwag pa nating hintayin na may ibang tao na magtutulak sa atin para makamit ang tagumpay.
Moral for CPA Board Examinees: Kusang mag-aral ng mabuti para makamit ang pinakamimithing titulo.

'Yan ay isa lamang sa mga kwentong ipinamahagi ni Paul de Jesus sa aming klase.

:)