Linggo ng gabi.
Para akong judge sa isang beauty pageant.
It's a close fight.
Sino ang magwawagi?
Sino ang mag-uuwi ng korona?
Si Buko ba o Si Kape?
Matagal akong nag-isip.
Matagal ding nag-aantay si tiyan sa desisyon ni isip.
Buko.
Masarap, manamis-namis at masustans'ya.
Galing mismo sa puno ng niyog.
Maaring sinungkit o inakyat ng magniniyog para mapitas.
At bigla akong natigilan at tinanong ang sarili:
"Ang niyog ba ang pambansang puno ng Pilipinas?"
Sumagot naman si sarili: "Hindi. Tsismis lang 'yon. Mangga po"
Kape.
Pampagising. Masarap din.
Pero ayoko ng mainit na kape.
Gusto ko malamig.'Yong sa Starbucks o Coffee Bean.
At bigla na naman akong natigilan at tinanong ang sarili.
This time, alam ko ng hindi Kape ang pambansang puno ng Pilipinas.
"May pera ka bang pambili? "
Oo nga pala, hindi kakayanin ng bulsa ko ang bumili ng mamahaling kape.
Nakalimutan kong Pulubi pala ako.
Mahal ang gusto kong kape kesa gusto kong buko.
Sa katunayan, wala naman masyadong pagtatalo ang naganap.
Halatang-halata naman kung sino ang mananalo,di ba?
Gaya ng mga beauty pageants, minsan alam na kung sino ang nakakalamang.
Si Buko na nga.
Siya ang nagwagi.
Pero darating din ang araw na maghihigante si Kape.....
Abangan.
9 comments:
ako naman masaya na ngayon sa 3-in-1 na kape ... hahahaha ... masarap rin naman ... sa date n alang ako papalibre
Masarap din un, matagal na ako di nakakainom ng kapeng mainit..hahaha.
Wow, ikaw na ang may date.
mananalo ang kape dapat, dahil pag naghalo ang buko at kape, mangingibabaw ang kulay ni kape xD
Mas masarap ang buko kaysa kape. ;-)
Kaya simula ngayon, dadalasan ko na ang pag-inom ng buko..hahahaha :)
Ang kape para sa mag-o-OT.Y., ang buko para sa may UTI :)
Hahaha...
OO, naalala ko na ang sabi nila na na parang gamot daw sa UTI ang buko... :)
OT.Y, OT na walang bayad? Tama?haha
Masarap ang Buko kasi napprevent niya ang sakit sa bato, pero masarap din ang kape haha!!
Masarap talaga ang Buko
Post a Comment