This is a story of success through Faith in God, positive attitude and Hardwork
Karugtong ng CPA Board Exam Story na isinulat ko ilang buwan na ang nakakalipas.
Mahirap ang buhay ng isang working-reviewee. Hindi biro ang lahat ng mga pinagdadaanan ko. Nag- enroll ako sa CPAR para sa review. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na baka sa pangatlong pagkakataon ay makamit ko na ang matagal ko ng minimithi. Sabado at Linggo ang pasok ko sa review. At mas pinili ko na sa Room 2 pumapasok palagi dahil ang unang subject sa Sabado ay Law. Ini-expect ko na mali-late o di kaya naman ay absent every Saturday. Paano ba naman kasi, ang work schedule ko ay 5pm to 2am. Antok na antok pa ako kapag humabol sa 8am sked ng Law. Sabi ko, kaya ko naman sigurong magbasa ng libro na lang.
Every weekends, ang tren ng PNR ang lagi kong sinasakyan papuntang review. Siksikan tuwing umaga pero tinitiis ko ang lahat ng ‘yon. Dahil bukod sa nasa 30 minutes lang ang travel time from FTI Station hanggang Espanya Station, Sampung piso lang pamasahe. Sa Taguig pa kasi ako manggagaling. Nakakatipid din ako kahit papano.
Wala naman akong naging problema sa review. ‘Yon nga lang marami din akong backlogs. Marami akong hinahabol. At minsan may mga subjects na hindi ko na napapasukan. Maraming dahilan kung bakit di ako nakakapasok. Una, dahil sa late ako. Minsan tinatamad pumasok, mahirap labanan ang antok,kaya mas piniling umabsent na lang muna at sa bahay na lang mag-aral kapag may energy na. Minsan naman may mga activities sa bangko na kailangan kong uma-attend. Matagal na panahon din akong nawalan ng social life. Bihira na lang akong na kakapamasyal. At kapag niyaya ako ng mga opismeyts ko ay tumatanggi ako dahil nga marami pa akong aaralin.
Bago pumasok sa work, mahaba na ang dalawang oras na ako ay makapag-aral. Gustuhin ko mang ibigay ang 100% kung effort sa pag-aaral, talagang gahul na ako sa oras. Pag-uwi ko naman galing work, pagod na pagod na rin ako kaya dumerecho na ako ng tulog. Minsan iniisip ko tuloy na ‘wag na lang kaya akong mag-exam dahil parang hindi ko na rin kaya. Subalit isang bahagi naman ng aking isip ang nagsasabing itutuloy ko daw anuman ang mangyari.
Hindi ko muna ipinaalam sa aking mga managers na nagrerebyu ako ulit. Alam kong hindi sila pabor na maging CPA ang isang tao dahil hindi rin naman daw ito magagamit sa international bank kung saan kami nagta-trabaho. Pero hindi rin nagtagal ay nalaman nila, marahil ay marami ang nakapagsabi. Marami din akong naririnig sa mga opismeyts ko, lagi akong tinatanong ng ilan, kung hindi ba daw ako napapagod,kung kaya ko pa ba, kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagkuha ng exam.Minsan napanghinaan ako ng loob sa mga tanong nilang ito. Dahil iniisip ko na iniisip nila na hindi ko kaya at hindi ko kakayanin. Kumukuha na lang ako ng lakas kay God at tiwala sa sarili. Lagi ko ring iniisip na matalino ako kaya nga naging Magna Cum Laude ako noong college. Nagkataon lang na hindi ako nakapagrebyu ng maayos kaya bumagsak ako the last 2 board exams.
Nag-exam ako ng first pre-board sa CPAR, 72 % lang ang average ko. Pero natuwa na rin ako sa MS dahil ‘yon yong highest grade ko, tumataginting na 90%, number 10 ‘yon sa ranking. Sa final pre-board naman, hindi ako nakapag-exam sa Theory of Accounts kaya hindi ko alam ang totoong average ko. Based sa estimate, alam kong pasado ako.
Dahil nga enrolled din ako sa Refresher Course sa NRC, pumasok ako dun ng 2 araw lang naman. Nag-exam din ako ng first at final pre-board. At aba, malaking bagay na para sa akin na Top 5 sa Auditing Theory at Auditing Problems sa First pre-board. Ayos ‘to.
Mabilis ang takbo ng mga araw. Hindi ko namalayan na Pre-week na pala. At ilang araw na lang ay board exam na. 10 Days lang ang leave ko sa opis, yung lang kasi ang pwede eh. Alam kong medyo gahul ‘yon sa paghahabol ng lahat ng mga backlogs, pero best effort na lang ang gagawin ko. Marami akong hand-outs na malinis at walang sagot. MS lang at P2 ang kompleto. Ito lang kasi ang mga subjects na kumbaga perfect attendance ako sa review. Mahina kasi ako sa P2 kaya dito ako kelangan mag-pokus. Sa Auditing Problems naman, Investments lang ang napasukan ko and the rest, absent ako. Sa P1, mabuti na lamang ay may yahoo groups si Tom Siy kaya dun ka na lang kinukuha answer key sa P1.
Knowledge check. Natapos ko ang hand-outs ng P1 at Auditing Theory. The rest, maghahabol ako. Hindi ko na mahahabol lahat ng backlogs kaya pipiliin ko na lang ang dapat na aralin. Pre-week days,hanggang alas onse ako ng gabi sa CPAR. Ihi at kain lang ang pahinga. Minsan inaantok, konting idlip na lang. Gustong-gusto ko puwesto sa pinakaunang mga upuan ng Room 2. Komportable ako dun. Marami din akong nakakasabay na nagrerebyu din. Since gahul na ako sa oras, inaaral ko na lang 'yong sa tingin ko ay hindi ko pa alam.
Todo dasal talaga ako. Na sana ibigay na sa akin ngayon. Taimtim akong nananalangin sa Blessed Sacrament sa Quiapo Church noong mga panahong ‘yon. Lagi-lagi. Nag-transient ako sa 2009 Dormitory kaya malapit na lang papuntang Quiapo.
Dumating ang unang araw ang board exam. Hindi ako kinakabahan pero feeling ko, hindi pa ako prepared dahil hindi ko natapos lahat ng hand-outs. Pero napasubo na ako at ituloy ko na ‘to anuman ang mangyari. Wala ng atrasan.
Para sa akin, mahirap ang mga exams lalo na ang theory part ng MS. Hindi ko alam kung saan pinagkukuha ang mga tanong. Ayos naman ang Theory of Accounts. Medyo mahirap ng konti ang Auditing Theory. Sa Business Law and Taxation naman, hindi ko sinolve ang mga problems dahil hindi ko alam. Feeling ko naman mataas ako sa Auditing Problems. Sa P1, akala ko sobrang hirap ang mga tanong, ayos lang pala, hindi kagaya dati. Sa P2, ito yong kinatatakutan ko na medyo tagilid ako, dahil kaisa-isang subject na todo hula lang ang ginawa ko lalong-lalo na kapag tungkol sa Process Costing ang tanong, hindi ko rin gets ang topic na ‘to.
Natapos ang exam. Back to work agad. Wala man lang pahinga. Mahirap ang exam, lagi kong sagot sa tuwing may nagtatanong sa akin kung kumusta ang exam.
Alas dose pa lang ng May 24 ay naka-online na ako sa bahay. Kinakabahan at nag-post nito: Click here!Inaabangan ko kung may results na. Marami ding nag-aabang kagaya ko na tumambay lang sa mga chatbox ng mga blogs. Alam ko, hindi lang ako ang kinakabahan sa mga oras na ‘yon,marami kami. Ala-una na ay wala pa ring results. Hindi ako makakain ng lunch. Ewan ko,parang hindi ako mapakali. Down pa ang website ng PRC at PICPA. Dumating ang alas dos .Ang sabi, may results na daw. Nag-search ako. Nakita ko sa isang blog nag list of successful examinees for May 2011 CPA Board Exams. Nanginginig ang aking mga kamay habang bina-browse ang site at hinahanap ang aking pangalan. Pababa .
Ayon, nakita ko ang aking pangalan.
Una, nagduda pa ako kasi sa isang blog lang naka-post.Kumbaga, unofficial result. Saka na ako naniwala ng maraming nag-text sa akin ng Congrats at maraming bumati sa Facebook Wall ko. Gustong-gusto kong i-open ang website ng PRC to confirm talaga, pero down eh. Marami ang nakakita ng name ko kaya siguro totoo na ito. Naniwala na lang ako.
Masayang-masaya ako. Salamat kay God dahil ang ending ng aking kwento ay CPA na ako!
CPA na ako! Yehey!
8 comments:
Napaiyak naman ako dun!
Sana ako rin maging CPA na! Pero hindi ko pa nasusubukan kumuha ng exam. Sana palarin next year. hehe Bangkero nga rin pala ako. hehe.
Hi XxSkaterBoixX. Salamat at napadaan kah.
Aral, Tiwala sa Sarili at Dasal and you'll make it. Kumuha ka ng exam.Balitaan mo ko of ur own CPA Board exam story next year.
Oh you're a banker too...Nice to know that. May kasama pala ako dito sa blogosphere.
na inspire ako sa story mo :)
nabasa ko ito nang dahil sa paghahanap ko kung saan mag refresher course.
sa totoo lang hindi ko po talaga alam ang pagkaka iba ng refresher at ng regular review, napanghinaan na din po ako ng loob dahil nga sa dalawang beses ko na di pagpasa sa board exam
gusto ko po sanang malaman kung paano ang ginawa niyo sa refresher at review
maraming salamat po :) jen
nakakaiyak ang iyong kwento, very inspiring..congrats and God bless to ur profession. Hopefully me too maging CPA soon..:)
anu po ba ang nangyyari s refresher course. balak ko kc magenroll for May2014 thank you :)
Thank you for posting this! Sakto sa katulad kong nahihirapan, nasasaktan at gusto ng sumuko pero ayaw magpatalo sa labang nasimulan hanggat hindi nakukuha ang titulo! Salamat.
Nahihiya man akong sabhin pero gusto kong malaman opinion nyo kung ok pa akong mag take ng exam. Old na ako, nsa 50's na ang edad ko, pero kahit minsan di pa ako nag take ng cpa board exam. Nakapag review na ako 2x nung fresh grad pa ako, pero kinabahan kaya di nagtuloy mag exam. Sa tingin nyo kaya ko pa kaya?
Pwede po bng mag take ng cpa exam kahit d p nkakapagreview
Post a Comment