Saturday, August 18, 2012
Walang Lovelife
Sunday, August 12, 2012
Habagat Days
Nitong
nakaraang mga araw ay hindi maganda ang takbo ng panahon sa buong Kamaynilaan
at sa iba pang bahagi ng Katagalugan. Wala naman daw bagyo ayon sa PAG-ASA.
Pero matindi pa rin ang hagupit ng hanging 'habagat'. Feeling n'ya kasi bagyo siya. Dahil
sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, marami sa ating mga kababayan ang apektado.
Labels:
Current Events
Thursday, July 26, 2012
Ang Nawawalang Pedestal
Umagang-umaga ay 'yon agad ang aking napansin. Parang may kulang. Parang may nawawala. And oh no, 'asan ang pedestal ko dito?
Ganito kasi 'yon.
Lunes, nilipat ko ang pedestal 124 sa bago kong relocation area.
Martes, napunta sa kung kaninong pwesto kaya kinuha ko ulet at dinala sa pwesto ko
Miyerkules, nawawala na.
Huwebes, nawawala pa rin at kasalukuyan kong pinaghahanap
Biyernes, sana mahanap ko na

Wednesday, July 25, 2012
IQ Test
Sagutin ng matino at matapat ang mga sumusunod na tanong:
1. Nag-away kayo ng kaibigan mo, ano ang gagawin mo para maibalik mo ang dating sigla ng Mindanao?
2. Naiwan mo ang I.D. mo sa bahay, ano ang sasabihin mo sa guard para i-follow ka niya sa twitter?
3. Sa sitwasyon ng gobyerno natin ngayon, may pag-asa pa bang tumamis ang asin?
4. Oo o Hindi. Ano ang nararamdaman mo ngayon?
5. Libing ng pusa mo eh may outing ang barkada mo, ano ang una mong isusuot? Pantalon o t-shirt? At baket?

Questions
Tuesday, July 24, 2012
Nawawalang Isda
Litratong nakaw sa di ko na matandaan kung kaninong facebook account |
Hay salamat! At sa wakas, nahanap na rin ang apat na nawawalang isda.
Labels:
Animals,
Current Events
Sunday, July 22, 2012
Tag-ulan
Ano na naman itong lagay ng panahon sa Pilipinas? Parang si Pokwang lang, hindi maganda.
Isang mahalagang paalala, hindi pwedeng balewalain. Kung wala namang importanteng lakad, mainam na manatili na lang sa bahay. At kung may importanteng lakad, 'wag kang magpapigil sa ulan at bagyo. Iwasan lang maging basang sisiw baka ikaw ay magkasakit. H'wag lang kaligtaang magdala ng payong o kapote, ekstrang damit, ekstrang panty o brip, salbabida, ekstrang payong at extrang condom.
Larawang nakaw sa http://www.ekstranghero.com/ |
Isang mahalagang paalala, hindi pwedeng balewalain. Kung wala namang importanteng lakad, mainam na manatili na lang sa bahay. At kung may importanteng lakad, 'wag kang magpapigil sa ulan at bagyo. Iwasan lang maging basang sisiw baka ikaw ay magkasakit. H'wag lang kaligtaang magdala ng payong o kapote, ekstrang damit, ekstrang panty o brip, salbabida, ekstrang payong at extrang condom.
Labels:
Current Events
Saturday, July 21, 2012
Resignation Letter 2
Muntik ko ng maipasa 'to noong mga panahong nagtitiis sa kirot at hapdi ng karamdaman. Bigla na lang nagbago ang aking isip dahil na-realize ko na hindi pa ito ang takdang panahon at darating din tayo d'yan.
Mabuhay ako!!!
Friday, July 13, 2012
Three Years
July 13,2009 to July 13,2012. Three years na akong alipin empleyado ng dambuhalang bangkong ito.
At simula noon, hindi na ako pwedeng makialam sa account na 'yun. Nadala sila sa kamalian ko.
8. Kumakain ako ng lunch sa cafeteria nang minsang sinugod ng poging manager. Kailangan ko daw tapusin ang ginagawa dahil may deadline. Ang kawawang ako, itinigil ang pagkain at tinapos ang dapat tapusin. Nawalan na tuloy ako ng gana.
9. Maraming beses akong natakot i-press ang 'enter' sa pag-process ng transaction lalo na kapag hindi ako sure na sure sa ginagawa ko. Akala ko kasi kapag na-enter mo na, hindi na madi-delete. Ang hindi ko lang alam, pwede pa lang i-delete kapag nagkamali.
At nais ko lang balikan ang mga masasaya, malulungkot at nakakainis na mga eksena sa buhay ko sa loob ng tatlong taon bilang isang bangkero.
1. Na-interview ako sa loob ng Jaka building sa Makati. Ipagpaumanhin at hindi ko mapigilan ang sarili sa paglait sa nasabing building. Mainit ang lobby area, hindi gumagana ang ibang elevators, luma na at mukhang fully-depreciated (laspag na laspag) at konti na lang ang salvage value sa katapusan ng kanyang buhay. Dahil d'yan, naimbento ang bansag na 'Chaka Building' .Pero sa kabila ng lahat, memorable para sa akin ang building na 'yon dahil dun nagsimula ang lahat. Tatlong set of interviews ang pinagdaanan ko. In-interview ako ng Vice President (VP), ng Assistant Vice President (AVP) at ng Process Manager (PM) sa magkakaibang araw. Kaya pabalik-balik ako sa Chaka building.
2. Hindi ako pumayag na ilagay sa kol sintir ng bangko. Mas bagay daw ako dun dahil may 2 years call center experience ako at mas mataas daw ang sahod sabi ng HR manager. Over my dead and beautiful body! Sumumpa na ako na hindi na kailanman babalik pa sa kalait-lait na mundo ng kol sintir.
3. Patience is a virtue.Naghintay ako ng mahigit isang oras sa loob ng maliit na room na 'yon para sa job offer at mukang nakalimutan na akong balikan ng HR manager. Dalawang buwan din akong naghintay bago nakapagsimula sa trabaho. Buwan ng Mayo ako nag-apply pero Hulyo pa ang start date.
4. Isang malaking problema ko ang isusuot. Pormal-pormalan kasi ang drama. At hindi nauso sa buhay ko ang magsuot ng longsleeves/shortsleeves at slacks sa opisina. At sa putik na kol sintir kung saan ako nanggaling, hindi rin uso ang ganung suot dahil simpleng shirt at jeans ay pwede na.
5. Marami akong mga naging kaibigan sa training at kumakain kami ng lunch ng sabay-sabay. At lunch pa rin ang tawag kahit sa gabi na kumakain.
6. Pinaka-ayaw namin dumating ang Biyernes dahil exam day at pinapatawag sa principal's office ang mga mabababa ang scores. Isang beses kong nai-perfect ang exam at feeling ko, ang tali-talino ko na. Kahit papano, sumikat din ako! Pero bumagsak naman ako sa ika-sampung exam at feeling ko ang bobey ko talaga.
7. Pinagalitan ako ng isang SME (subject-matter expert daw), babaeng indian na mahilig magsuot ng itim kaya halata tuloy na may kung ano na nahuhulog galing sa kanyang buhok.
SME: Elton come here. Why did you do this?
Ako: I thought what I did is right.
SME: No, no. That's wrong.
8. Kumakain ako ng lunch sa cafeteria nang minsang sinugod ng poging manager. Kailangan ko daw tapusin ang ginagawa dahil may deadline. Ang kawawang ako, itinigil ang pagkain at tinapos ang dapat tapusin. Nawalan na tuloy ako ng gana.
9. Maraming beses akong natakot i-press ang 'enter' sa pag-process ng transaction lalo na kapag hindi ako sure na sure sa ginagawa ko. Akala ko kasi kapag na-enter mo na, hindi na madi-delete. Ang hindi ko lang alam, pwede pa lang i-delete kapag nagkamali.
10. Pinasikat ko ang mga linyang, 'And that is correct!', 'Your sorry will not bring me to London!', 'Bakit? Maganda ka ba?', at 'Nakaka-stress sa bangs!' May kanya-kanyang kwento ang mga linyang ito.
11. Nakatanggap ako ng 'Pringles award' ng dalawang beses. Ito ay award na binibigay sa mga magagaling sa team at sipsip sa manager. At ang premyo ay pringles.
12. Feeling ko lang nainggit sa akin mga officemates dahil lagi akong binibigyan ng projects ng manager. Tanggap naman ako ng tanggap at hindi nagrereklamo. Ginagawa ko naman ang lahat sa abot ng aking makakaya.
13. Nawala ako sa Baguio noong minsang may team outing kami. Hinanap nila ako ng mahigit isang oras at galit na galit sa akin lalo na 'yung TL ko dahil kung saan-saan daw ako nagpupunta at uuwi na kami dapat. Muntik na akong maiyak nun. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin inaaming kasalanan ko. Sila pa ang sinisi ko dahil iniwan nila ako. So,ang lumalabas eh kasalanan pa nila.
14. Bitter ako nung hindi matanggap as TL sa sariling team. Na-promote kasi 'yung TL as manager. Dapat ako ang next in line pero sa kabilang team sila kumuha ng kapalit. At ang kapalit ay matabang panget na maitim.
15.Hindi na ako bitter nung hindi natanggap as TL for the second time na nag-apply ko dahil alam kung sa umpisa ka lang ay .01% na ang tsansa kong matanggap. Sumakay lang ako sa laro na sinimulan nila.
16. Tuwang-tuwa naman ako dahil hindi ko inasahan nang ipinaghanda ako ng cake at spaghetti na binili sa Red Ribbon noong pumasa sa CPA Board exam. Salamat kay AVP (ngayon VP na siya sa ibang team). Tats ako. Sobra.
17. Fan ako ni Coco Martin at alam 'yan ng management.
18. Kahit maraming workload, pinayagan akong mag-half day ng manager para manood ng concert ni Markki Stroem and other PGT finalists. Very supportive lang!
19. Bitter na naman ako ulit. Dahil nag-apply ako ng TL sa isang newly-organized team. Tuwang-tuwa ako ng sinabing tanggap ako. Pero nang dumating ang oras ng pirmahan ng kontrata, napag-alaman kong hindi pa daw pwede akong maging TL dahil may bagong HR policy na ayaw ko ng ipaliwanag pa dahil nakakainis talaga. Pera na sana naging bato pa. Masarap ibato ang bato sa noo sa kung sinumang HR ang gumawa ng policy na 'yun na ayaw ko ng ipaliwanag pa. Tinanggap ko ang offer kahit hindi TL post (one level down lang) dahil morning shift ito at mukhang promising naman.
20. Nasa malubhang kalagayan ako at out of the office for more than a month. Dinaig ko pa daw si Elisa sa pagkawala. Nag-alala na silang lahat ('yung iba panggap lang).
21. Sayang 'yung opportunity na nawala sa akin. Ako sana ang ipapadala sa HongKong para sa isang training pero dahil sa number 20, hindi ako natuloy. Si George ang pumalit sa akin at dahil dun, isinumpa ako. Ayaw niya sana pero wala na siyang magagawa pa dahil wala ng ibang pwede kundi siya lang. Pero nag-sorry naman ako dahil hindi ko naman kasalanan ang lahat ng mga nangyari.
22. Muntik na akong magpasa ng resignation letter at magsimula ng panibagong buhay sa probinsiya. Nagbago ang ihip ng hangin at hindi na itinuloy dahil sa tindi ng pangagailangan ng salapi.
23. 'Yung ibang mga eksena ay nakalimutan ko na. Pero isa lang ang tiyak ko, ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko ay nakatulong ng malaki sa kung ano at sino ako ngayon, isang superbaet at supergenius na nilalang sa mundo ng mga tao.Haha.
Monday, July 9, 2012
Husgahan mo ako!
Dumating na naman ang judgment day. Ang araw na huhusgahan ako bilang isang empleyado ng dambuhalang bangkong ito.
Mid-year Performance Evaluation na!
Hindi naman ako kinabahan. Hindi rin excited. Na-amaze lang ako sa mga ipinakitang mga grades sa scorecard. Parang school lang at may grading system pang nalalaman. May matataas na grades at meron ding mabababa.
At superbaba ako sa attendance. Ang hirap naman kasi gumising ng maaga. Alas-sais ng umaga ang pasok ko. Magpuyat man o hindi, late pa rin gumising, ano ang aasahan mo? Atsaka, late rin naman pumapasok ang mga boss. They should serve as role models, di ba? Pero mali pa rin pala ang paniniwalang okay lang ang ma-late dahil late rin ang mga boss mo.
Hindi ko na kinuwestiyon ang aking mga grades. Mas pinili kong manahimik na lamang dahil baka bawasan pa. Alam mo naman, uso din ang dagdag-bawas. At saka, hindi ako naniniwala na sa grades nakikita kung gaano kagaling ang isang empleyado. Dahil tulad ng grades sa recitation sa school, hinuhulaan lang din 'yan.
Basta ang importante, ginagawa ko ang trabaho ng super-ayos at bonggang-bongga.

Wednesday, July 4, 2012
Have a Rockin' 4th of July!!!
Today is an Independence day in the United States.
Today, they commemorate the adoption of the Declaration of Independence on July 4,1776,
declaring independence from the Kingdom of Great Britain.

God Bless America!
Labels:
Current Events
Tuesday, June 26, 2012
Ayan na si Sang Kang Kang!
Hindi ako maka-relate sa kwentuhan at tawanan ng dalawang magagandang dilag na sina Zenaida at Ara. Palibhasa napanood nila nitong huling weekend ang KimmyDora and the Temple of Kiyeme. Maghihintay na lang sana ako na may makitang naka-display na pirated dvd sa may footbridge na dinadaanan ko tuwing umuuwi at bibilhin ko.Subalit nanaig ang curiosity na mapanood ng mas maaga, habang mainit-init pa at maka-relate din kahit papaano sa kwentuhan at tawanan nila. Peer pressure ito!
Matapos ang isang makasaysayang magpapanggap na busy sa opisina kahapon, dumaan muna ako sa isang mall para manood ng sine. First time na mag-isa ako. At ayos din pala manood mag-isa. Dahil wala akong biniling popcorn, kaya naglalaway tuloy sa kinakaing popcorn ng dalawang babaeng nasa unahan na mas malakas pa sa akin kung bumuhakhak. Sa hirap ng buhay ngayon, gagastos pa ba ako para lang sa popcorn? Haha.
Maganda ang movie. Tumawa ako sa mga eksenang nakakatawa at pati na rin sa hindi nakakatawa. Magaling ang bida. Kering-keri ni Eugene Domingo kanyang ang mga roles. At higit sa lahat, bigatin ang mga extra.
Tumatak talaga sa aking isipan si Sang Kang Kang. Paano ba kasi, pangalan pa lang ay natatawa na ako. Sa hindi pa nakakapanood, panoorin n'yo na ang movie dahil kung hindi, mumultuhin kayo ni Sang Kang Kang!

Friday, June 15, 2012
Holdap 'to!
Nais ko lang ibahagi ang kwento ng isang opismeyt na naholdap.
Ingats ingats po tayo.
Narito ang kanyang kwento....
Date happened: June 14, 2012
Time: Around 4:00 AM
Nakakuha ako ng taxi sa harap ng Harvest, The Fort. I felt relieved that time na ang nakuha kong taxi ay MGE, popular to be the safe taxi. Nung nasa Estrella na kami (whic is approx. 2 min ride from my office), nakaramdam na ako na parang may mali. Hindi ko mapara yung taxi kasi may kadiliman sa Estrella para magpababa. After 1-2 minutes, nakarating na kami ng Guadalupe. Gustong-gusto ko ng bumaba. Kaya naman tinawagan ko yung friend ko na kunwari bigla ko siyang imi-meet. Hindi na ako natakot ilabas yung phone ko kasi alam kong alam nung driver na may phone akong dala since bago ako sumakay, gamit ko yung phone ko pang-BBM sa isa kong team mate na mauuna na ako.
Napakabilis lang ng biyahe mula Guadalupe hanggang lampas nang kaunti sa Boni MRT Station since wala pang sasakyan sa EDSA ng 4AM. Sa tansya ko, halos magiisang minuto pa lamang nung kausap ko ang tinawagan kong kaibigan nang sabihin kong bababa na ako. Sabi ng driver sa akin,"Ah bababa ka na?" At dinaan niya sa papuntang Shaw tunnel/underpass kung saan private vehicles lang ang dumadaan (after ng tunnel labas ay Megamall na). Ngunit hindi kami nakarating ng Megamall dahil itinigil niya ang sasakyan sa gitna ng tunnel na malalim. Dito na niya ako tinutukan ng itak na sobrang laki.
Gamit ang kanyang malalaking mga braso, una niyang sinuguradong hindi ako makakagalaw dahil hawak-hawak na niya ang leeg ko. Sabi niya, "Putang ina mo, PAPATAYIN kita." Pag katapos niya itong sinabi, in-incline niya ang upuan na halos ako na ay nakahiga sabay kuha ng aking bag (leather postman bag, color black). Nasa loob ng bag ang wallet ko na may lamang pera, 2 ATM cards, 2 IDs, 2 Credit cards). Hinablot niya rin ang phone ko (Blackberry) na nasa linya pa ang kaibigan ko. Rinig na rinig lahat ng ginagawa sa akin ng kaibigan ko. Kinapa ng driver na holdupper ang lahat ng mga bulsa ko at kinuha pati na ang mga barya. Ang alam ko may 70+ ako sa bulsa (isang 50, isang 20 at ilang coins). Nagmamakaawa ako na bigyan ako kahit pang-bus lang pauwi. Pero hindi niya ginawa.
Nang makasiguro na siya na wala nang laman ang mga bulsa ko, sinabihan niya ako na, "Putang ina mo bumaba ka na. Wag mo akong titignan. Wag mo akong mumukaan." Bumaba ako sa gitna ng malalim na tunnel sa Shaw. Walang dumadaan doon kundi private vehicles kasi ang mga pampasaherong sasakyan ay sa itaas dumadaan. Nilakad ko paakyat hanggang makarating ako ng EDSA kung saan may mga bus na. Humingi ako ng tulong sa guard na malapit sa isang call center (Teleperformance) sa Shaw. Nagpatulong akong makahanap ng telepono para makatawag ako sa bahay. Salamat naman sa Diyos, nakauwi ako nang ligtas.
Ingats ingats po tayo.
Narito ang kanyang kwento....
Date happened: June 14, 2012
Time: Around 4:00 AM
Litratong kuha sa http://www.mylot.com/ |

Balita,
Current Events,
opisina
Thursday, June 14, 2012
Saan Hahantong ang Tagpong ito?
Madilim. Mahangin sa labas. Nililipad ng hangin ang aking bangs, malaking tulong para hindi ito ma-stressed sa mga nangyayari sa ating bansa. Inaabangan ko siya sa may bintana sa dulo ng hallway, kanina pa at sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito pag-ibig, 'wag kayong assuming!
May dumating. Iba ang dumating. Hindi ko kilala. Tumambay sa may bintana sa dulo ng hallway. Katabi ko. Magkatabing nakatayo. Nakatingin sa dilim. Parang nangangarap...at hinahanap ang inangking bituin sa langit.
Actually, hindi ako affected at wala akong pakialam sa naka-paa at kulot kong katabi. May maipagmamalaking ganda pa naman siya pero wala akong nararamdamang kabog. Walang spark. Wala talaga eh. Marahil hindi siya ang nakasaad sa kasulatan, dahil ayoko rin.
Sinimulan n'ya akong kausapin.
Siya: Kuya, ano'ng pangalan mo?
At may humabol pa sa eksena
Magulo ang marami. Umalis ako. Bumaba. Iniwan ang ika-limang palapag ng gusgusing building na 'yon. Bumili ng tinapay na ewan ko kung kasingsarap ko at Hans Pork and Beans na sigurado akong masarap na masarap. Naalala ko tuloy ang paper jam ng buhay ko. Kalungkot na iniwan ako. Naroon pa rin ang kirot. Baket di na lang pawiin ang hapdi sa aking puso?
May nagtext. Siya. Siya na nga.
Nasaan na? Palinga-linga ako. Hinagilap ang kanina pang hinihintay. Wala siya. Hindi naman halatang excited ako. Ilang saglit lang, nagpakita naman. Nakangiti. Assuming ako na kinilig nang makita ako. Ayiii. Bukad man sad atong atay bisag di-tinood.
Konting bolahan. Konting tapunan ng banat quotes. Konting harutan. Konting kilig moments. Konting katahimikan. Pakunte-kunte lang muna. At saan naman kaya hahantong ang tagpong ito?

Ako: Ako si Elton. Siya naman daw si Jingjing.
Siya: Saan ka nagtatrabaho?
Ako: Sa tabi-tabi lang.
Ako: Sa tabi-tabi lang.
Siya: Sa tabi-tabi? Ano 'yun bumu-booking?
Siya ulit: Mga kapatid mo ba 'yung mga babae sa bahay?
Ako: Hindi lahat. Isa lang dun. Pinsan ko ang dalawa.

Siya: Pinsan mo ba si James?
Ako: Hindi. Kapatid ko.
May lumapit sa pwesto namin.
Ako: Hindi. Kapatid ko.
May lumapit sa pwesto namin.
...ang ale sa kalapit na apartment na nagtitinda ng RC cola
...ang batang lalake na makulit sakay ng kanyang malaking laruang broom broom
...ang batang babae na makulit din at laging tumatakbo sa hallway
...ang kulot na dalagita na singganda ng mga bituin sa langit
...ang batang babae na makulit din at laging tumatakbo sa hallway
...ang kulot na dalagita na singganda ng mga bituin sa langit
At may humabol pa sa eksena
...ang lalakeng mukhang mayabang, hindi naman kagwapuhan, hindi masyadong maganda ang katawan pero nakahubad at naka-boxer shorts lang na para bang ipinagyayabang ang kanyang....
Magulo ang marami. Umalis ako. Bumaba. Iniwan ang ika-limang palapag ng gusgusing building na 'yon. Bumili ng tinapay na ewan ko kung kasingsarap ko at Hans Pork and Beans na sigurado akong masarap na masarap. Naalala ko tuloy ang paper jam ng buhay ko. Kalungkot na iniwan ako. Naroon pa rin ang kirot. Baket di na lang pawiin ang hapdi sa aking puso?
May nagtext. Siya. Siya na nga.
Nasaan na? Palinga-linga ako. Hinagilap ang kanina pang hinihintay. Wala siya. Hindi naman halatang excited ako. Ilang saglit lang, nagpakita naman. Nakangiti. Assuming ako na kinilig nang makita ako. Ayiii. Bukad man sad atong atay bisag di-tinood.
Konting bolahan. Konting tapunan ng banat quotes. Konting harutan. Konting kilig moments. Konting katahimikan. Pakunte-kunte lang muna. At saan naman kaya hahantong ang tagpong ito?
Sunday, May 27, 2012
Bawal na ang sagot na 'Oo'
Minsan kailangan mo talagang mag-give up. Hindi dahil 'yun ang tama. Dahil 'yun ang hinihingi ng pagkakataon. Para kang nasa daan na hindi alam kung kakaliwa o kakanan o magpapasagasa na lang. Pero sa bandang huli, magpapasagasa ka na lang talaga!
Tinanong ako: Tutuloy ba ako sa training sa HongKong o hindi? 'Okay lang' tapos bigla akong nag-oo tapos hanging muna ang sagot ko. Kunwari wala pa akong sagot. Hihintayin muna ang resulta ng xray at CBC. Na makalalipas ang isang linggo, napag-alamang maysakit ako. Kaya hindi na ako tumuloy sa HK. Medyo handa pa naman ako at naka-set na ang utak ko na pupunta ako dun. Ipapakain ko na lang sa pusang itim ng kapitbahay namin ang Visa label ko. Hindi ako bitter, ha. Sadyang hindi ko lang tanggap ang sakit na ito.
Nagsasawa na ako, puro kadramahan ko na lang sa sakit ang mga post ko lately. Parang wala na akong maisip na ibang ikwento o pag-usapan. Marahil ay dahil sa dami ng gamot na pinainom sa akin at sa tusok ng karayom , feeling ko naapektuhan ang takbo ng pag-iisip ko.

Saturday, May 19, 2012
Pinagbuklod ng Assignment
Kapag kumuha ka ng accounting subject, dapat may bakanteng oras ka bago ang sked nito. Lalo na sa higher accounting subjects. Para hindi ka masyadong mangarag kung may quiz o assignment, kapag may mahabang assignment na hindi kasya sa one-fourth sheet of paper at lalo na kung kailangan ng 16-column-worksheet. Kung nasa accounting 101 ka pa, chillax ka muna, i-master n'yo muna ang debit at credit habang umiinom ng kape sa Starbucks at pag-isipang mabuti kung tama ba ang kursong pinasukan. Dahil may panahon pang lumipat sa HRM.
Ang assignment ang nagbubuklod ng samahan ng mga magkakaklase. Para din itong alak.' Di ba sa alak nabubuo ang samahan ng magkakaibigan? Sa assignment naman, nabubuo ang walang sawang bigayan, tulungan at higit sa lahat, pag-iingay.
Dahil feeling mo matalino ka, pinamamahagi mo sa buong klase ang 'yong sagot. Kulang na lang ilagay mo sa bulletin board ang iyong mga sagot. Kokopya man sila o gagawa ng sarili nilang sagot, wala na silang ibang choice, wala ng oras, kaya kokopya na lang. At usapan, walang sisihan sa mga mali.
Dapat sisihin ang sarili dahil hindi gumawa ng sariling assignment. Mas maganda siguro kung bawat isa ay gagawa ng assignment sa bahay at pagdating sa school, ikukumpura na lang ang mga sagot. Kapag pareho naman, malaki na ang posibilidad na tama 'yun, pero 'wag din pakakasiguro sa linlang ng mga computation sa accounting. May mga sagot na akala mo tama, 'yun pala mali. Kapag hindi naman pareho, pag-usapan kung bakit magka-iba ang sagot. Kumbaga may group discussion muna bago pumasok sa klasrum. Kung sino ang gustong magbago ng sagot, hindi pa huli ang lahat. 'Yung ayaw madumihan ang papel, 'wag na lang magbago, malay mo 'yan ang tama. At 'yung mga nangongopya, kung ano ang sagot ng pinaka-close mo sa klasrum na lang ang kopyahin mo.
Natawa ako sa isa kong kaklase. 'Kakay' ang tawag ko sa kanya. Hinihingal na dumating sa library. D'yan lang kasi sa tapat ng school ang boarding house n'ya. May hindi siya alam. Pero alam na n'ya nang makita n'ya kaming nagkukumpulan sa dalawang table sa library. Time na. Ano pang magagawa n'ya? Sayang din ang 100 points per assignment. Aakma siyang gagawa. Subalit naalala ko, may draft pala ako ng ginawa ko kagabi. Malay mo may tama din dun versus the revised, ibinigay ko sa kanya. Wais pa rin ang gaga, parang si Lumen lang. Kinuha n'ya ang revised at ikinompara kung ano ang pagkakaiba. May nakita siya sa kanyang ginagawang spot the difference. Binago. Takbo kami agad. Late tuloy kami.
Magtataka ka kung magtataka pa 'yung titser mo kung bakit pare-pareho kayo ng iskor. Minsan may item na sinadyang iniba talaga ang sagot. Para hindi halata. Naku, 'wag ng mag-effort. ' Wag ka ng magbago ng sagot kung nangongopya rin lang. Unless sure na sure ka sa pinalit mong sagot, na for sure ay hindi naman. Alam na 'yan ng titser. Copy and paste lahat sa accounting. 'Wag lang ang pangalan ng kinopyahan. ' Wag kakalimutan kung ilang zero.Nagkakamali ang ilan dahil imbes na 1,000 ang nasa original paper, 100 lang ang nakopya. Minsan naman, nagkabaligtad ang numero. Imbes na 548, 584 ang nakopya. Maliit lang na bagay pero dahil sa pagmamadali, nakakaligtaan, mali tuloy.
Usapang papel naman. Hindi lang tuwing may exam o quiz uso ang panghihingi ng papel. Aba, tuwing may assignment din. Ihanda mo na ang 'yong one whole sheet of yellow paper at kapag hindi nagkasya sa dami, aabot sa three whole sheets. Sampung tanong, mahaba ang mga solusyon. Idagdag pa ang mga erasures. Dahil minsan, nangongopya na nga lang, eh nagkakamali pa. Maraming walang papel (isa na ako dito), eh saan ba nabubuhay ang mga kaklase mo? Sa panghihingi o kaya sasabihing papalitan bukas, eh hindi naman. Nagkalimutan na. Dahil d'yan may nakaabang na solusyon, nagbenta ako ng yellow paper sa klasrum. Para wala ng hingi-hingi. Utang na lang. Lista ko naman. Kapag oras ng singilan, hindi naman ako tinatakbuhan.
Napudpud na ang hintuturo ng librarian/library assistant sa kakapatunog ng bell dahil sa ingay ng mga gumagawa/nangongopya ng assignment sa library. Tatahimik saglit. Pero maya'y maya ay mag-iingay. Kulang na lang ay kaladkarin palabas. Pero kapag ako ang bantay sa library, masaya ang lahat, dahil mabaet ako. Library assistant din ako, noh.
Bilang isang accounting student, dapat hindi kinakalimutan ang calculator. Nakuh, kakambal mo ito at hindi ka mabubuhay kung wala ito. Hindi kailangan ang scientific calculator, pang Physics lang 'yun. 'Wag iiwan sa bahay at 'wag kang umasang dalawa ang calculator ng katabi mo at mapapahiram ka ora mismo. Posibleng may dalawa, sira naman ang isa.
Sabi nga nila, ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan naman nasa baba. Sa assignment naman, minsan ikaw ang source, minsan naman tagakopya lang. Minsan ang iba, taga-tanong na lang ng "Ay, may assignment pala, hindi ako nakakopya".
Ako naman, minsan gumagawa lalo na kapag madali lang, sisiw. Sinusubukang gawin kapag mahirap na hanggang dumugo ang ilong at ulo. At dahil hindi kayang gawin, itulog na lang at sasabihing "Sana may gumawa ng assignment at kokopya na lang ako".

Accounting,
Student
Wednesday, May 16, 2012
Oo nga pala, Maraming Bukas!
Sabi ko kahapon, ngayon ako pupunta sa opis. Hindi natuloy. Mahirap palang maglakad-lakad na maysakit. Sa hagdanan pa lang ay hinihingal na ako. Parang hindi ko yata kaya.
Iniisip kong sa email na lang ipapadala. Para mas madali ang buhay. At saka na ako magpapakita kapag kayang-kaya ko na talaga. Pero parang nahihiya ako kung sa email lang, masyado atang informal.
Susubukan ko bukas.

Tuesday, May 15, 2012
IIkot na ang Mundo ko, Sama ka?
Ito na siguro ang (isa sa) pinakamabigat na desisyon na gagawin ko sa buhay ko. Na sadyang babago sa lahat. Iiba sa ikot ng mundo. Kasabay ng pagsakop ng bansang Tsina sa Pilipinas. Dito ako sobrang kinabahan. Pero pasalamat tayo at dumating ang mga The Avengers para tayo'y ipagtanggol.
At siya nga pala, naranasan mo na bang:
1. Magkasakit? 'Yung tipong kailangan mo ng dugo ng ibang tao na isalin sa katawan mo dahil kung hindi manghihina ka?
2. Isuko ang trabaho mo para sa kapakanan ng sarili mo dahil naniniwala kang Health is Wealth?
3. Walang sweldo dahil wala ka ng trabaho?
4. Aalis sa inuupahang apartment dahil kailangan mo ng umuwi ng probinsiya at dahil wala ka na ring pambayad?
5. Mag-aalsa-balutan ng lahat ng gamit at ipapadala sa pamamagitan ng To Go dahil walang kasiguraduhan ang muling pagbabalik?
6. Sinundo ng ina at kapatid para tumambay na lang sa probinsiya? Kahit takot ang ina mo sa pagsakay ng eroplano?
7. Hihinto sa pag-aaral ang kapatid dahil wala ng pambayad sa tuition fee?
Ako, OO.
Naikwento ko na ang buhay ko bilang isang pasyente sa dating mga posts. Mahirap. Minsan hindi ko maiwasan itanong kung bakit ako pa. Siguro isang pagsubok na naman ito na kailangan kong lampasan. Pero grabeng pagsubok naman ito. Pwede kong ikamatay! Napakabata ko pa para sapitin ang kamatayan. Hindi pa ako handa. Kapag nangyari 'yun, tiyak magmumulto ako.
'Yung #2 naman talaga ang gusto kong pag-usapan. Nagtatalo ang aking isip. Kung mag-immediate resignation ako o magbigay ng 30 day notice. Hirap mag-decide.Pero parang maraming votes na mag-immediate resignation na lang. Hindi ko alam ang consequences nito. Pero isa lang ang gusto ko, h'wag munang magtrabaho. Parang hindi ko pa kaya. Hinang-hina pa ang katawan ko. Kung makikita mo akong naglalakad, matatawa ka at siyempre babatukan kita. Hindi pa ako masyadong magaling. At kapag naglalakad, ambagal. At kahit malapit lang ay hinihingal ako.
Hindi pa ako nag-tender ng resignation letter. Sabi ko sa Lunes. Eh, tinamad ako at parang nilalagnat ako. By the way, sa di malamang dahilan, nawala na parang bula ang pagtsi-chills ko. Araw-araw kasi 'yun. Sabi ko ulit sa Martes, ngayon 'yun. Pero hindi natuloy. Kaya bukas na lang. Sana matuloy. At sana pirmahan ang immediate resignation letter ko para wala na akong problema. Teka meron pa pala, 'yung cost ng Visa. 'Di ba dapat may training ako sa HongKong? Hindi ko alam kung babayaran ko yun o thank you na lang.
Ang sabi, iho-hold daw ang sweldo kapag nag-resign. Eh, anong iho-hold nila sa akin eh hindi na nga ako pumapasok. Simula na ng buhay taghirap. 'Yung konting ipon ko pa naman, naibayad ko sa hospital bills. Saka naaawa ako sa kapatid ko. Hindi ko pa nasabing, hindi muna siya mag-aaral ngayong semester. Hinto muna. Tambay saglit. Kagaya ko. At si Mama, nagpunta pa talaga dito sa Maynila para bantayan ako sa ospital at alagaan ako. Medyo kinabahan atah sa sakit ko kaya biglaang napasugod. Sinusundo ako. Dun na lang daw muna ako sa probinsiya para makapagpahinga ng maayos.
Kung hindi ko pa magagawa bukas, ewan ko na lang!

Sunday, April 15, 2012
Pulang Sombrero
May bagong lagay na divider sa bahay. Wala itong kalaman-laman. Hindi pa namin naasikasong lagyan ng kung anu-ano.
Ilang araw ang lumipas, may napansin akong bagay sa taas ng divider, isang pulang sombrero na parang pang-cowboy. Napaisip ako. Ah, baka nilagay lang ng kapatid ko. Kaya hindi ko na pinansin. Ako at ang kapatid ko lang ang nakatira sa bahay kaya maaring siya ang naglagay nu'n. Napaisip ulet ako. Cowboy style? Babae ang gagamit. Pero baka naman sa kaibigan lang n'ya yun at pinatago lang sa kanya. Maaring may costume party din sila sa opis kung saan ginamit 'yun. Hindi ko alam.
Bihira lang kami magkita ng kapatid ko. Kahit nasa iisang bubong. Pang-umaga ako sa trabaho. Siya naman ay panggabi. Nang minsang nagkaabutan kami sa bahay isang Sabado.
Siya: Kanino 'yang sombrero sa taas?
Ako: Ewan. Akala ko sa'yo yan.
Siya. Hindi.
Ako: Eh, kanino 'yan at sino ang naglagay d'yan?
Siya: Hala...may ganyan pa naman si Manong Alex
Si Manong Alex ay asawa ng kapatid ng lola ko na kakamatay lang.
Kinilabutan ako. Minsan ko na ding napaginipan si Manong Alex. Mahal pa naman ako nu'n noong bata ako.Paminsan-minsan, binibigyan ako ng pera.
Siya: Itapon natin 'to
Ako: Sige.
Kinuha ng kapatid ko ang pulang sombrero.
Itinapon sa basurahan.

Saturday, April 14, 2012
Payong, Susi at Ako
Lumabas ng bahay. Wow, ang init ng sikat ng araw. Dala ko ang three-folded na payong.
Naglakad. Nasa limang minuto tantiya ko bago marating ang kakainan.
Umorder. Breaded fish. Nagbayad. Humingi ng tubig na walang yelo. Umupo. Hinintay ang inorder. Dumating ang order. Kumuha ng kutsara at tinidor. Kumain. Naubos ang pagkain. Busog.
May napansin. Tanga-tanga lang. Maling susi ang dala ko. Susi 'yon ng kwarto ko. Hindi ng mismong pintuan ng unit. Napabuntunghininga. Paano ako makakapasok ngayon? Parang bigla akong nagutom ulit.
Lumabas ako sa kinainan. Umupo sa mga upuan sa labas. Walang ginawa. Pinagmasdan lang ang mga naka-park na mga kotse, mga dumadaang sasakyan sa bahaging 'yon ng C5 at ang mga punong sinayaw-sayaw ng malakas na hangin.
Tinahak ang daan pauwi. Bahala na. Katukin ko na lang ang kapatid ko. Natutulog 'yon. Tulog-mantika. Hindi ako sigurado kung magigising ko. Hindi ko pa nadala cellphone ko.
Mainit at mahangin sa daan. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang payong, sa taas at baba. Dahil kung hindi, maaring liliparin 'yon ng malakas na hangin. At dalhin sa kung saan. 'Yun pa naman ang kaisa-isa kong payong.
Biglang bumaligtad ang payong ko. Napasambit ako ng isang malakas na 'Shit'. May may-edad na lalaki sa unahan ko. Narinig n'ya ang pagmumura ko. At ang sabi, 'Ang lakas mo namang maka-Shit'. Hindi ko siya pinansin at nag-tuluy-tuloy nang naglakad pauwi.
Katok ako nang katok sa pinto. Maraming beses. Walang nangyari.
Binuksan ko ang jealousie at hinawi ang kurtina. Sinigaw ang pangalan ng kapatid ko. Maraming beses. Walang nangyari.
Binato ko mula sa bintana ang pinto ng kwarto niya ng pitaka. Pero hindi umabot. Binato ko rin ng dalang maling susi, hindi rin umabot. Walang nangyari. Paano kaya ito?
Umalis ako. Umupo sa may hagdanan. At umidlip habang nakaupo.
Maya, maya, may kumalabit sa likod ko. Kapatid ko.
"Anong nangyari sa'yo?"
"Ah, maling susi ang nadala ko. Pakibukas na lang ang pinto"
"Kanina ka pa dito?"
"Ah, ngayon-ngayon lang"
Mabuti na lang at lumabas siya.
Labels:
Random Stories
Thursday, April 12, 2012
Masamang Panaginip
Bumibili ako ng mga damit sa isang mall. Magbabayad na ako. Kinakapa ko pa ang wallet sa bulsa ng pantalon ko.
Nang biglang tumambad ang isang nakakatakot na halimaw na kulay berde sa aking harapan. Mismo sa aking harapan. Akmang sisigaw ako subalit walang boses na lumalabas. Ang mga cashiers ay nagsipagtago na agad.
Takot na takot. Nanginginig. At parang hindi makapaniwala sa nakita. Nawalan ako ng malay saglit . Nakahandusay. Masakit ang ulo ko dahil sa pagkakatama sa sahig.
Ang bilis ng mga pangyayari. Ang lalaking nasa likod ko na magbabayad din ay wasak na wasak ang mukha. Hindi na halos makikilala. Duguan ang buong katawan. Nakakaawa ang hitsura. Pinapaligiran siya ng mga nakiki-tsismis. Hindi ko alam kong siya lang ang biktima. At wala na rin ang halimaw. Isang palaisipan para sa akin kung saan nanggaling 'yon at kung may nag-aalaga ba doon na tao. Nakakatakot talaga.
Nasulyapan ko ang wallet. Katabi n'ya. May bahid ng dugo. Snatcher pala ang nasa likod ko. Pati pala malls ay pinamamahayan na ng mga snatchers. Kaya pala isang maliit na suklay lang ang hawak n'ya kaninang babayaran.
Kinuha ko ang wallet. Hindi na pinunasan. At nagmamadaling tumakbo palabas ng mall. May humabol sa akin. 'Di ko na nilingon. Sumakay ng taxi at umuwi.
Mabilis kumalat ang balita. Sa mga kaibigan. kakilala. pamilya.
Patay na daw ako.
Sa Facebook wall ko...
RIP
***
Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Binuksan ko ang pinto. D'yos ko!
May sunog!
Nataranta ako. Hindi alam ang gagawin. Hindi na ako makalabas ng pinto. Dahil nasakop na ng apoy ang buong hallway. Walang silbi ang fire exit na nasa hallway. Nagdasal ako ng mabilisang Ama Namin. Mabilis ang mga kilos ko. Naglatag ng kumot. Kumuha ng konting damit. Nilagay sa kumot. Kinuha ang laptop. Wala ang aking kapatid. Kumuha ako ng konting damit niya. Kinuha ko rin ang laptop niya. Nilagay din sa kumot. Di ko alam kung paano ko tinali ang kumot.
Samantalang natupok na ng apoy ang aming pintuan. Ilang minuto siguro ay maaring buong unit na. May bintana kami sa likod. Tinanggal ko lahat ng jealousie. Nabasag ang iba. Pero wala na akong pakialam sa mga oras na 'yon. Hinulog ko ang kumot. Nasa ika-limang palapag ang unit. Bumaba ako sa bintana. Mabilisan. Kapit-kapit na lang sa mga window grills.
Ikatlong palapag.
Nakabitiw.
Nahulog.

Sunday, April 8, 2012
Talbos ng Kamote
"Elton, kumuha ka nga ng talbos ng kamote sa likod. Uulamin natin mamayang gabi."
'Talbos ng kamote na naman,' sa isip ko.
Kapag talbos na ng kamote ang uulamin, tiyak wala ng budget si Mama. At malamang hindi naka-delihensya si Tatay. O kaya'y inubos lang sa pag-iinom ang sweldo.
Malawak ang taniman ng kamote sa likod ng bahay namin sa Bukidnon. Hindi ako natutuwa bawat pitas ko ng talbos nito. May parang gatas kasi ito na malagkit na dumidikit sa daliri. At may mga insekto pang dumadapo sa akin.
Meron din kaming tanim na kalabasa pero muk'ang wala pang bunga sa buwan na 'yon. Maliit pa rin ang mga sayote kaya hindi pa pwede pagtiyagaan. Ang gabi naman ay hindi pwedeng ulamin. Hitik sa bunga ang bayabas, hindi naman nauulam. Ang mga gulay naming pananim, minsan hinihingi ng mga kapitbahay. Okay lang 'yun dahil hindi naman madamot sina Mama at Tatay. Nakakagaan ng loob kapag alam mong nakapagbigay at nakatulong ka sa kapwa.
At nang matapos ako, ipinakita ko ang maliit na palanggana kay Mama na may lamang talbos.
"Bakit ang konti n'yan, dagdagan mo pa."
Bilang batang masunurin sa magulang, bumalik ako para dagdagan ang talbos ng kamote.
At okay na. Satisfied na siya sa dami. Hinugasan at niluto na.
Kumpleto ang pamilya sa hapag. Si Tatay. Si Mama. Ako. At ang isa kong kapatid na babae.
Para pagsaluhan ang pinakamasarap na sinabawang talbos ng kamote.

Buhay Probinsya
Saturday, April 7, 2012
Boarding House
Sadyang mahirap talaga kapag wala kang sariling bahay. Wala kang ibang choice kundi ang mangupahan muna. Habang wala pa 'yung bahay na nasa pangarap mo. Habang hinihintay mo pang matupad ang pangarap mo. Mahirap din mangupahan, minsan may mga rules and regulations ang may-ari na ayaw mo. Minsan may mga roommates/kasambahay kang hindi mo gusto. Pero dapat makibagay dahil nangungupahan ka lang.
Nang mapadpad ako ng Maynila, una akong tumira sa bahay ng registrar ng school na pagtatrabahuan ko sa Tondo. Malaki at maluwang ang room. Walang kama. Sa sahig kami humihiga. Tatlo kami sa room. Puro babae kasama ko. 'Yung co-teacher ko at 'yung teacher ng ibang school. At tuwing natutulog kami, nasa pinakagilid ako at laging may harang na unan na nilalagay ng teacher ng ibang school. Muk'a daw kasi akong rapist at natatakot siyang gahasin ko siya. Wish niya lang.Pero n'ung dumating ang isa pang co-teacher na lalaki, sa sala na kami naglalatag ng banig. Mahirap na daw, baka ano pa ang mangyari. Dalawang libo buwan-buwan naman ang bayad namin sa registrar ng school kasama na ang bahay at pagkain dun. Hindi rin kami nagtagal,isang buwan lang kami mahigit at lumipat na rin sa iba.
Sa pangalawang tinirhan ko. Ito ay isang two-story old house, para ngang haunted house kung titingnan sa labas. Sa Tondo pa rin ito. Sa unang palapag, bodega ng mga bigas at kung anu-ano pang produkto na pag-aari ng Veritas. May bantay, si Ate Tess na nagpapautang din sa amin ng bigas at kahit anong produkto nila. Ang ikalawang palapag naman, mayroong tatlong rooms. Kasama ko sa isang room ang co-teacher na lalaki. Sa pangalawang room, ang co-teacher na babae. Sa pangatlong room naman ay pinaupahan sa isang estudyante ng school. Medyo malaki ang bahay at sulit na rin ang isang libo isang buwang upa, hindi pa kasama ang bayad sa tubig at kuryente. Mag-iingat nga lang sa aso ng kapitbahay na malakas kumahol at nakakatakot sa laki na laging nakatambay sa labas ng gate.
Dahil na-evict kami sa pangalawang tinirhan namin, gagamitin na daw ang buong bahay para sa hindi ko alam na dahilan.
Lumipat na rin kami sa maliit na room na inuupahan ng isa pa naming co-teacher. Ang co-teacher na lalaki ay nag-voluntary exit (hindi nakayanan ang powers ng mga estudyante niya) na kaya dalawa na lang kaming lumipat ng co-teacher na babae. Tatlo kami sa room. Medyo masikip. Medyo mainit. Sakto lang 'yun sa 583 pesos na upa. Murang-mura na. Two-storey house din ito. May dalawang room sa taas kung saan amin 'yung isa. Sa ibaba naman, isang buong pamilya na medyo madami-dami din. May mga bata. Maiingay. Makukulit. Sarap paluin sa pwet.
Dahil sa tindi ng pangangailangan ng salapi, nag-resayn ako bilang huwarang titser at pinasok ang mundo ng lintik na kol sintir na 'yan. Nagpaalam ako sa co- teacher na umuupa sa room na lilipat muna sa Makati. Para at least malapit sa trabaho. Nilalakad lang papuntang opis actually. Lumang building. Isang room. May dalawang kama. 'Yun lang, unahan sa kama kung matutulog na. Tabi-tabi na parang sardinas. Anim kasi kami sa room. Pitong-libo ang upa sa room na 'yun. Hati-hati kaming anim. Naninigarilyo pa halos mga kasama ko. Puro kol sintri agents. Hindi ko nakayanan ang ganung setup. Hindi ako nagtagal. Hindi nga ako umabot ng isang buwan. Bumalik ako sa Tondo. Sa room ng co-teacher ko. At dun ako nagtagal ng mga isang taon.
Bigla ko na lang naisipan mag-rebyu for cpa board exam, lumipat na naman ako sa Sampaloc, sa may Lepanto. Para malapit sa review center. Bago lang ang boarding house. At ako ang kauna-unahang boarder nila. P 1,700 ang renta, kinagat ko na. Three-storey old house ito. Dalawang maliliit na rooms sa first floor, dalawang rooms naman sa second at third floor. Pinili ko ang nasa third floor. Wala lang. Feel ko lang. Hindi nagtagal nagkaroon ako ng iba pang kasama. Mga reviewees din. Sina Toffer, Dino at Aaron, Nursing students. Sina Patrick at Mark, X-ray somethin.Okay naman ang samahan. Naging ka-close ko rin sila. Sa kabilang room ng third floor, sila ang maiingay. Anim sila. Magkaklase. Galing Dipolog. At reviewees for CPA board gaya ko. At naging ka-close ko rin. Kaya walang problema sa pakikisama. Nakakatuwa nga, sa ikli ng panahon na nakasama ko sila, naging komportable agad ako. Umabot din ng dalawang taon ang pananatili ko sa boarding house bago ko tuluyang mag-decide na umalis dahil na rin sa bago kong work. At sa dalawang taon na 'yun, marami na rin akong housemates sa iba't ibang rooms na nakasalamuha na may iba-t ibang personalidad at pananaw sa buhay. Pinigilan ako ng may-ari. Binabaan niya ang upa para sa akin. Hindi ako nagpapigil. Kelangan ko talagang lumipat sa mas malapit sa bago kong work. Nag-resayn na rin kasi ako sa lintik na kol-sintir na 'yan.
Napadpad ako sa Taguig. Isang semi-condo daw 'to. Sabi nila pabahay para sa mga sundalo't pulis ang mga buildings dito.
Inupahan ko ang isang room ng isang unit ng building. Sa kabilang room, andun naman ang lalaking may-ari, dating OFW at pulis ang anak n'ya. Mabait naman siya. At parang kapamilya na rin ang turing sa akin. Kapag daw may problema ako na makakatulong ang anak n'yang pulis, 'wag lang daw akong mahiyang magsabi. Eh, di maganda. Tumagal lang ako ng isang taon. Dumating na kasi ang kapatid ko galing probinsiya at nakahanap na din ako ng isang buong unit dito.
Lumipat kami ng kapatid ko sa kaharap na building lang din. Kaya hindi masyadong hassle ang paglilipat ng gamit. Konti lang gamit namin, actually. Isang unit. Nasa fifth floor. 5k. Hindi nga lang fully-furnished. May dalawang rooms. Tig-iisa kami ng kapatid ko.Maganda na rin 'to, may privacy. Magagawa mo lahat ng gusto mo sa kwarto. Mahigit isang taon na rin kami dito and still counting.
Pero hindi ito ang buhay na gusto. Gusto ko magkaroon ng sariling bahay. Pangarap ko 'yun.

Friday, April 6, 2012
Biyernes Santo
Gutom.
Lumabas ako ng bahay.Sinigurado munang naka-lock ang pinto. Nakatanggap kasi kami ng notice na may mga nangyaring nakawan sa building na ito, kaya mabuti na 'yong secured. Kung sino man ang mga magnanakaw na 'yan, magsisisi lang sila kung unit namin ang mapagtripan nila.

Tuesday, March 20, 2012
Hawla
Hinihintay ko na lang ang approval ng training visa ko for Hong Kong. Dapat akong matuwa dahil mabibigyan ako ng pagkakataong magkapagtrabaho abroad kahit ilang buwan lang. Ang dapat ay hindi dapat. May mga plano na ako sa buhay bago pa man sumingit ang training na ito. Planong mag-move on sa iba, magpakalayo-layo, hahanap ng tinatawag nilang greener pasture, 'yung may career growth at very promising compensation. Magta-tatlong taon na ako sa kompanyang ito at wala man lang magandang nangyari. Kasi naman sa corporate world, marami ding politicians na ang sarap pag-uumpugin. 'Yung tipong sino 'yung ka-close at favorite, siya ang ipo-promote, kahit na hindi dapat, pinipilit kahit hilaw pa sa kakayahan at kaalaman. Ganito talaga sa lipunang ginagalawan natin, kaya tanggapin na lang natin. It's okay to feel bitter. In few days, lilipas din naman 'yan. Ako naman kasi, masyadong ambisyosong maabot ang mga bituin sa langit. Sana lang hindi ako babagsak sa kangkungan.
Monday, March 19, 2012
Magnum
Mga facebook friends ko nagpo-post:
'Ang sarap ng Magnum'
'Gusto kong kumain ng Magnum'
'Salamat kay Alex at nilibre ako ng Magnum'
'Na-miss ko ang Magnum'

Tuesday, March 6, 2012
Antukin
Lagi na lang akong inaantok sa opisina. Minsan nakaka-idlip sa aking upuan. Nakakaantok talaga kasi. Lalo na after breakfast o kaya after lunch. Nominado ata ako sa award na 'Antukin of the Year'.
Monday, March 5, 2012
Up and Down
Pagpasok
Madilim ang ang aking natatanaw.Tinulak ko ang sliding door.Dahan-dahan. Gusto ko sanang gayahin 'yung mga eksena sa mga horror movies. Na malapit na sa'yo ang monster pero hindi mo pa mabuksan-buksan ang pinto. Wala lang.Naisip ko lang. Isang katangahan for a quick moment.

Friday, March 2, 2012
Dear Diary
Dahil sa matinding impluwensiya ni Camille Prats na nagsusulat ng diary noon sa G-mik kaya naglakas-loob din akong gumawa ng sarili kong diary. Favorite ko si Camille noon. Highschool days 'yun. Sa katunayan, kapag pinapa-sign ako ng slam book ng mga kaklase, nilalagay ko na favorite actress si Camille Prats at pati na rin si Angelica Panganiban.
Labels:
High School Life
Thursday, March 1, 2012
Nagtatanong ang Isip
Hindi ko na talaga ano ang nangyayari o mangyayari sa career ko. Ayon sa isang masusing pananaliksik ng seatmate kong si George sa mga files sa shared drive, una niyang napag-alaman, at sinabi sa akin na wala na ako sa latest organizational chart ng team namin. Confirmed. Wala na nga nang tsinek ko. Bakit ganun? At ito pa, to be released na pala ako to a different process/team.
Wednesday, February 29, 2012
Finally Disposed
Matagal ko ng plano ito. Ang itapon ang lahat ng review materials na meron ako, 'yung mga sandamakmak na handouts. 'Yung iba dun ay malinis na malinis dahil hindi ko na nabuklat, natambakan ako ng mga aaralin noong review days. Hinayaan ko na lang silang naging backlogs forever. 'Yung iba naman ay siyempre aral na aral ko,lalong lalo na ang computational subjects tulad na lamang ng Practical Accounting 1 and 2, Auditing Problems at s'yempre pa ang pinakapaborito kong Management Advisory Services (take note: nag-top ako sa subject na ito noong pre-board exam). Pero bahagi na sila ng nakaraan na ayaw ko ng balikan pa. Gugustuhin ko pa bang basahin/rebyuhin sila? Of course not. Ayoko ng duguin pa ang utak ko. Enough.
Labels:
Board Exam
Tuesday, February 28, 2012
Sick No More
Hindi ko na sinasambit ang linyang 'I don't feel like doing anything today' at 'Wala akong gustong gawin ngayong araw'. I'm more than okay now. The real me is very back. Wala na 'yong Ako na natutulog sa upuan ng opis at nagpapagising na lang sa seatmate kapag may paparating na malaking pusa. Ang hirap talaga mgkasakit. More than two weeks is indeed a sacrifice. Pabalik-balik na lagnat. Ubo. Sipon. Sakit ng ulo. Si John Lloyd Cruz kasi, di ako sinabihan ng 'Ingats' .Nakakatamad talaga pumasok sa office.But again kelangan pumasok kahit masama ang pakiramdam sa napakaraming dahilan. Isang beses lang akong nag-sick leave, 'yung time na hindi ko na talaga kaya. After work naman, diretso agad ng bahay at ang kama ang naghihintay, tulog muna at minsan paggising laro muna ng tetris sa Facebook kahit maysakit.
Labels:
Facebook,
Impeachment,
Singapore
Tuesday, February 7, 2012
Ahcee Flores: Online Fame for a Wrong Reason
I would consider the act as offensive, immature, insensitive and a big disgrace to the whole Filipino community. Isang di-kilalang Pinoy (may sira ata ang pag-iisip) na nagtatago sa pangalang 'Ahcee Flores' ang biglang sumikat ng walang katuturan dahil sa kanyang komento sa Yahoo na:" let us all pray....na matuloy ang tsunami para maraming bisaya ang mamatay, para mabawasan ang mga baduy sa pilipinas". If you are in good state of mind, hindi mo sasabihin ang ganyang komento. Pinagdadasal pa n'ya ang kapahamakan ng iba.
Labels:
Bohol,
Current Events
Friday, February 3, 2012
Sumigaw ng Payaman!
Sa VMobile, lahat tayo ay payaman!
I do not claim any rights on the video posted above. Credits goes to video owner/uploader.
Labels:
VMobile
Thursday, February 2, 2012
Isang Oras...
1:02 PM na pala.
Heto ako ngayon, nakaupo. Kaharap ang computer sa opis at sinisimulan ang blog entry na 'to. Isang oras na lang at uwian na namin. Mabuti na lang at hindi uso ang overtime dito sa bago kong nilipatan na department. Kapagod din pala minsan mag-antay ng oras.Hindi ko alam anong pagpapanggap ang kailangan kong gawin. Mabuti na lang at may internet dito sa opis. 'Yun nga lang, bawal ang mag-surf ng hindi related sa business. Hindi rin maka-access ng mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter. Katulad ng ginagawa ko ngayon, bawal ito. Pero hindi pa naman ako nahuhuli ng mga IT folks.' Wag naman sana. 'Wag ngayon. Ang arte talaga ng bangkong ito. Lahat na lang ng pwedeng ibawal ay bawal.

Tuesday, January 31, 2012
I Joined VMobile Just Because...
Aminado ako, katulad din ng iba, ayoko sa networking business. It’s too good to be true ang earnings na pinapakita ng mga speakers during the business orientation. Of course,they want to entice people to join them in the business. Being a (proud) accountancy grad, one of the qualities that I believe I have is being a skeptic (parang sagot lang sa beauty pageant).Kumbaga ‘Professional Skepticism’. Turo yan sa Accounting lalo na kapag nag-conduct ng audit of Financial Statements versus supporting evidence. Ang ebidensya ay pwedeng pagdudahan, kelangang malaman kung ito nga ba ay genuine evidence. Sabi nga ni Tuesday Vargas sa kanyang kanta: ‘Nililinlang ka lang ng iyong paningin’.Meron nga d’yan ,gwapo,astig, malaki ang katawan, namumutok ang mga maskels, ‘yun pala CONFIRMED! Oh, di ba? Sa panahon ngayon, hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo. May huwad. May nagpapanggap.May nagkukunwari.
Sunday, January 22, 2012
Kung Hei Fat Choi!
It has been a while. Di na ako nakakapagpost dito. Dumating kasi sa buhay ko si VMobile. At dahil nagsisimula pa lang ako sa negosyong ito, kaya naman kelangang bigay todo sa pagawa ng mga kung anu-anong ka-ek-ekan online. Nabuo ko naman sina VMobileonlineinfo at VMobilesupercenter.
For the pers taym, naranasan ko na rin mamigay ng flyers sa kung saan-saan. Superduper thank you sa lahat ng tumanggap ng flyers superlalong-lalo na ang mga kumontak talaga. At sa mga tumanggi naman, ayos lang din....
Para ma-inspire naman ako...at kayo na din. Panoorin natin ang video. Ito ang kwento ng buhay ni Jonray Esquejo. Ang kanyang kwento ay nanalo sa 2011 VMobile SOLID National Sales Convention's Inspiring Success Story of the Year.

Sunday, January 1, 2012
Happy New Year!
Larawang kuha sa picswalls.com |
Wishing everyone to have a fruitful year 2012 ahead!!!
More blessing to come!
Good Vibes!
Thank you for visiting my blog!
Labels:
New Year
Subscribe to:
Posts (Atom)